CHAPTER 6: Meet up

102 36 11
                                    

Tirik na tirik na ang araw pero hindi pa rin ako bumabangon mula sa aking pagkakahiga. Ayaw kong harapin sila mama dahil alam kong nagkamali ako kagabi. Mali pa rin yung ginawa ko.

That is how feelings control us. Nasasabi natin yung mga bagay na dapat manatiling nakatago na lang sa dulo ng dila.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng marinig ko ang pagkatok mula sa pinto.

"Miah, anak?" Si mama.

Bumuntong hininga muna ako bago pinuwersa ang sarili para tumayo. Alam ko kung bakit siya nandito. Na sana hindi ko na lang alam dahil nasasaktan nanaman ako.

Pinihit ko ang siradora ng pinto at walang anu-ano'y pumasok si mama sa loob at umupo sa kama ko. Umupo rin ako sa tabi niya.

"Miah, alam kong matagal mong pinag-ipunan ang pera mong iyon."

Hindi niyo ako masisisi kung bakit biglang lumambot ang aking puso at nakaramdam ako na parang gusto kong umiyak at magmakaawa.

"Ma, naman...." malabo ang boses ko dahil sa pagpipigil ng paghikbi. "Huwag naman po pati ito." sabi ko pa habang umiiling.

"Ano bang sinasabi mo?"

"Ma, sa lahat ng bagay na pwede niyong ibigay sa akin lahat ng iyon tira ni ate, kahati kay ate, luma ni ate, kapag ayaw na ni ate. Kapag.. kapag..." tuluyan nang tumulo ang luha ko. "Hindi po ako nagreklamo, ma. Hindi po ni minsan."

"Itong perang 'to na lang ang bagay na hindi ko kayang ihati kay ate dahil pinaghirapan ko na 'to, mama. Hindi na po ito galing sa inyo." Nanatili ang mga mata niya sa akin at hindi pa rin tumitigil sa pangungusap na bigyan ko ang ate kahit kaunting awa.

"Ma, huwag po pati ito... Ma? Please?" kinuha ko ang parehas niyang kamay at ikinulong ko iyon sa sarili kong kamay.

"Miah, kapatid mo si Maria at kailangan niya ang pera."

Nabitawan ko ang kamay niya at ginamit ang sariling kung kamay para humugot ng lakas mula sa pagkakahawak sa kama. Masakit, sobra. Napahagulhol ako. Matagal na ang huling beses na umiyak ako ng ganito.

"Miah, tulungan mo naman ang ate mo."

Gusto kong tumawa dahil sa sinabi ni mama. Bakit hindi ako gawing miyembro ng Avengers? Total tagapagligtas naman ako ni ate, palagi. Palagi na lang at nakakasawa na.

Pero wala akong magagawa.....

Pinahid ko ang luha mula sa aking mata. Bumaba ako sa kama at kinuha ang kahon sa ilalim nito. Nanginginig-nginig pa ang aking kamay dahil sobrang nasasaktan ako. Kinuha ko mula sa kahon ang envelope na brown na kung saan nakalagay ang pera. Patuloy lang sa pag-agus ang aking luha.

"I...ito po."

Inabot ko ang buong pera kay mama. Nasa tatlumpong libo rin iyon. Pagkaabot niya ng pera ay humiga na akong muli sa kabilang side ng kama at doon umiyak. Nakatalikod ako sa kaniya habang hawak-hawak ko ang puso kong sobrang nasasaktan ngayon.

"Anak?"

Hindi ako umimik.

Naramdaman ko ang paglug-ong ng kama sa tabi ko at naramdaman ko naman ang halik niya sa ibabaw ng ulo ko. Naging dahilan lang iyon sa lalo kong pag-iyak.

Kung miyembro man ako ng Avengers ano kayang pangalan ko bilang hero? Ang sarili ko ang kalaban ko dahil para akong may sakit. Second born syndrome at ang gamot lang ay ang pag-unawa at pagtanggap na lang na wala na akong magagawa.

Capturing Rame Where stories live. Discover now