CHAPTER 9: Pear and Cassidy

65 24 0
                                    

"Ma, 2 po ng madaling araw ang alis namin bukas baka po hindi niyo na ako maihatid sa airport."

Nakahanda na ang aking mga gamit at hinihintay ko na lang si Rame para sunduin ako. Gusto kasi ni mama na ihatid ako sa airpot pero malabong mangyari iyon dahil mamayang 2 ang alis namin. Ayaw ko namang abalahin ang tulog nila.

"Basta mag-iingat kayo roon, ha?" For the nth time. Hindi siya nagsasawang ipaalalang mag-iingat ako.

"Opo naman, mama."

"Nakausap naman ng tatay mo si Rame. Sinabihan na namin siya na alagaan ka." Kinilig naman ako sa sinabi ni mama. Ma, naman....

"Hay, naku ang anak ko." Hinila niya ang aking braso at niyakap ako ng mahigpit habang hinahaplos-haplos ang aking likod. Bumitaw naman ako sa yakap at nilapit si tatay na kakadating pa lang.

"'Tay, aalis na ang anak mo." sabi ko. Nakita ko naman ang buong puso niyang pagngiti sa akin baga ako niyakap.

"Mag-iingat anak, ha?"

"Opo, tay."

Sunod kong niyakap ay si Kahel na hindi na naubusan ng bilin. Mahilig kasi siya magkolekta ng mga bato lalo na kapag galing sa dagat, bundok, gubat at kung anu-ano pa. Advantage iyon imbes na mga tsokolate at damit.

"Ate Iya." sinunod ko namang niyakap si ate. "Hahanapan kita ng foreighner doon!" At nagtawanan pa kaming dalawa.

"MIAH!"

"DOMINIQUE!"

Narinig ko na ang sigaw ng dalawa kong kaibigan mula sa labas. Nakita ko namang nagkusa na silang pumasok sa pinto at hingal na hingal.

"Buti naabutan ka namin."

"Huminga muna kayong dalawa." Hingal na hingal na inamo'y asong uhaw ang dalawa.

"Susulat ka, ah! Lakihan mo ang sulat para madaling mabasa!" Hinawakan ni Peej ang kamay ko. "Pamihado maraming kano roon! Ipag-uwi mo ako kahit halati lang."

"Malandi ka talaga!" sabi ko sabay hampas sa kaniyang braso. Niyakap ko rin siya ng mahigpit.

"Anong pakiramdam ng abot kamay mo na ang pangarap?" Alam kong masayang masaya silang dalawa para sakin. Nararamdam ko iyon at nakikita ko sa mga mata nilang dalawa.

"Sobrang saya! Para akong nanalo sa lotto! Basta! Halo-halong emosyon na hindi ko maipaliwanag." mabilis kong sabi na sing bilis ng tibok ng aking puso.

"Masaya ako para sa'yo." Kusa nang yumakap ang mga bisig ko sa kaniya. Nainggit naman ang inggiterang si Peej kaya nakiyakap-yakap na rin.

Maya maya pa'y narinig na namin ang busina ng sasakyan mula sa labas.

"Andiyan na ata ang asawa mo." biro ni Relle na ikinangiti ko naman. Asawa raw? Ampu...

Nakita ko naman ang paglabas ni Rame mula sa sasakyan habang hapit na hapit ang suot na pantalon at simpleng tshirt na red ang suot. Ano ga naman iyon? Ang sarap sa paningin!

"Miah, okay ka na?" Sabi niya habang nakathumbs up pa. Cute. Tumango ako at hinarap muli ang dalawa kong kaibigan.

"Aalis na kami." mahina kong sabi dahil baka kapag nilaksan ko ay mahalata niya ang nararamdaman kong kilig habang nagsasalita. Sasabog na ata ang puso ko!

"Ingat kayo"

"Enjoy your Honeymoon, Miah." lumaki naman ang butas ng ilong ko dahil sa pagpipigil na kilig. Kung wala lang si Rame rito ay baka nakasigaw na ako at nagwala.

Capturing Rame Where stories live. Discover now