CHAPTER 25: Seniorita

47 11 0
                                    

"Mahal kita, Miah," mahinang sabi niya matapos iangat ang mukha ko at itapat sa mukha niya saka muling inilapat ang labi sa aking labi.

Magkalapat lang ang mga iyon habang ang hinlalaki niyang nakasapo sa aking pisngi ay bahagyang gumagalaw, pataas at pababa. Ilang minuto rin kaming nanatili sa ganoong posisyon bago niya muling inilayo ang labi sa akin saka ako tiningnan daretso sa aking mga mata.

Para siyang apoy at ako ang yelong unti-unting natutunaw sa mga titig niya.

"Alam kong hindi ka malandi. Alam kong matino kang babae."

Mabilis ang tibok ng puso ko at halos maghabol na ako ng hininga. Samantalang wala namang kapaguran ang luha ko sa pag-agos mula sa aking mga mata. Naguguluhan ako. Naguguluhan ako sa nangyayari at sa mga sinasabi niya.

"Naniniwala ako sa'yo pero ngayon, Miah, Hayaan mo akong landiin ka. Hayaan mo akong magkasala para sa'yo."

Muli niyang dahan dahang inilapit ang mukha sa akin, "Rame..." sambit ko pero bago pa man ako makapagsalita ay inilapat na niyang muli ang labi sa labi ko. Sinakop niya iyon na akala mo ay kaniya iyong pagmamay-ari. Hindi marahas ang halik at hindi rin naman dahan-dahan. Sakto lang para masabayan ko ang galaw niya. Maya maya pa'y dumako na ang dalawa niyang kamay sa batok ko. Nararamdamab ko kung paano niya pinapalalim ang halik sa pamamagitan ng pagdiin ng hawak niya sa ulo ko.

Hanggang sa naramdaman ko na lang ang kusang pag-akyat ng kamay ko payapos sa kaniyang katawan at mas inilapit ko ang sarili ko sa katawan niya.

Tuluyan nang lumalim hanggang sa parang hinihigop na niya ang aking hininga. Masarap sa pakiramdam ang halik na pareho naming pinagsasaluhan. Maririnig mula roon ang tunog na nililikha ng pagsasagupaan ng aming mga labi. Nakakahepnotismo ang bawat pagbaling ng ulo niya upang mas maging malaya ang ang dila niya sa unti-unting pagpasok niyon sa loob ng aking bibig.

"Ahh," Hindi ko alam kung saan nanggaling ang ungol na iyon dahil kusa ko na lang iyon narinig.

Hindi ko na namalayan ang mga sumunod pang paghakbang dahil nakita ko nalang na nasa sofa na kami at nakasampa ako sa hita niya habang halos hindi na magkaintindihan ang kamay ko sa pagsapo sa mukha niya. Nilasing ako ng halik na iyon, tinakasan ako ng ulirat. Napagtanto ko lamang na malala na ang lahat ng halos punitin ko na ang suot niyang damit.

Para kaming uhaw na uhaw sa isa't isa.

Ako na ang kusang lumayo nang matauhan kung nasaan na kami. Siya ay nakaupo sa sofa habang ako ay nakasampa sa kaniya. Pareho kaming nakatitig sa isa't isa na pareho ring naghahabol ng hininga. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang labi bago kinabig ang aking batok at binigyan ng matagal na halik sa aking nuo.

"Guess what I'm wearing, Miah."

Sa ilang oras naming magkasama ay wala naman akong napansin na kahit anong bagay sa suot niya. Nagtaka ako sa sinabi niya kaya sinuri ko siya mula ulo hanggang paa pero wala namang bago.

"Alin?"

"I'm wearing the smile that you gave me," muling sumilay ang dimple niya dahil sa malaking ngiting iginawad sa akin. Hinalikan ko siya agad sa pisngi kung nasaan ang dimple na iyon.

Medyo corny 'yun, ah, pero mapapagtiyagaan naman na. Kapag naman kasi nagmahal ka, walang pangit, mabaho, baduy o kung ano pa man ikaw na makikita sa taong mahal mo.

Nagiging walang silbi ang senses mo, nagiging bulag, nagiging bingi at nagiging bobo ka dahil ang tanging gumagana lang sa'yo ay ang puso mo. Kaya ngayon, ni hindi ko nga naisip na magiging kabit ako.

Capturing Rame Where stories live. Discover now