CHAPTER 24: Last cry

42 10 0
                                    

Mag-a-alas onse na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Gising na gising ang diwa ko, ang utak ko, ang puso ko, ang lahat-lahat sa akin.

Nag-iwan ng maraming katanungan sa utak ko ang mga sinabi ni Aleesa, ang pananagalog niya, ang kilos niya. Hindi ko na maintindihan.

Gulong gulo na ako.

Sinong dapat pagkatiwalaan at sino ang hindi?

Sino ang dapat layuan at sino ang hindi?

"HAISHH!"

Mabilis kong ikinilos ang aking katawan patayo sa kama. Wala si Aleesa dahil bigla na lang siyang umalis kanina at sinabing sa kwarto ni Rame siya matutulog. Mabuti na ngang gano'n dahil baka lalong hindi ako makatulog dahil sa prisensya niya sa tabi ko.

Nagpasya akong lumabas sa may balcony at magpayakap sa malamig na hangin mula sa labas. Nakabalot sa aking katawan ang kumot na puti habang nakadungaw lang ako sa kalawakan ng karagatan.

Last day na bukas mamin at uuwi na kami sa susunod na umaga. 'Yan na lang ang iisipin ko para malimutan ko lahat ng nangyari sa akin dito sa Barcelona. Sobrang gulo at sari-sari na ang nangyayari. Gusto ko na lang bumalik ang normal ang lahat kahit alam kong malabo dahil sa iuuwi kong mararamdaman para kay Rame.

"Hirap magmove on sa taong hindi naman naging sa'yo. Takte!"

Inilinga ko ang aking mata sa paligid at baka may nakarinig sa akin o baka may nakakita at hindi nga ako nagkakamali dahil nakita ko si Rame na may hawak na tasa sa balcony ng silid niya. Nakatingin din siya sa akin pero ako ang unang kumalas sa tinginan na iyon.

Pinigilan ko ang sarili para hindi magmartsa pabalik sa loob dahil wala na akong alam na ibang parte ng kwarto na makapagbibigay sa akin ng kapayapaan kundi ang balcony lang na ito.

Ano kayang iniisip niya?

Baka gusto niya ng kausap?

Puntahan ko kaya?

Napailing ako sa sarili kong isipin dahil kagagahan lang lahat ng naiisip ko.

Miah, sa lahat ng masasakit na salitang sinabi niya sa'yo gan'yan pa naiisip mo?

Isang silip lang sa kaniya ay babalik na ako sa loob, promise.

Dahan dahan kong inilinga ang aking paningin sa gawi niya pero gano'n na lamang ang pagbagsak ng aking balikat ng makita kong wala na siya roon. Napakamot ako sa ulo at pumasok na sa loob ng kwarto para matulog.






Kinabukasan, hindi maganda ang gising ko dahil sa matinding puyat. Halos gapangin ko ang banyo dahil sa panghihina pero kailangan ko na bumaba dahil nakailang text na si Ramiro sa akin.

Nagsuot lang ako ng floral dress na pink na di-buhol sa likod na hanggang sakong at inilugay ko lang ang aking buhok. Ayaw ko na masyadong magmaganda kaya naglagay lang ako ng lipstick, blush on, mascara, eyeshadow, contour, at eyelash extension. Charot. Bumaba na ako agad sa buffet area dahil naroon na sila.

"Good morning, Miah," biglang bati ni Aleesa. Binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti saka naupo sa tabi ni Ramiro.

"What do you like, Miah?" tanong ni Miah habang inilalagay na sa plato ko ang pancake at honey.

"Okay lang ako, kaya ko na," sabi ko lang at kinuha ang kutsara sa kamay niya. Hinayaan naman niya ako at bumaling na kay Rame. Ikinawit niya ang braso sa braso ni Rame saka ito hinalikan sa pisngi.

"How's your sleep?" tanong ni Rame sa nobya. Nakita ko ang pagsilip ni Aleesa sa gawi ko saka hinapit ang mukha ni Rame at hinalikan ito sa pisngi.

Capturing Rame Where stories live. Discover now