CHAPTER 11: Sagrada Familia

60 19 0
                                    

Mahihiya ang manok dahil sa aga kong nagising. Hindi ko alam. It just happened na kusang bumukas ang mata ko at kusang napabangon ang aking katawan mula sa kama. Hindi lang iyan, I was freaking smiling the whole time. Everytime I passes by the mirror I can't help not to stare at my reflection and giggles. Para akong batang excited na pumunta sa isang birthday party.

Who to blame?

"Good morning, Miah." bati sa akin ni Tito Rigs habang siya ay busy sa pag-aayus ng kaniyang damit. "Aga mo naman nagising. Namamahay ka 'no?" and he laughed.

"Hindi po, Tito, hehe." I decided to have a cup of coffee dahil malamig ngayon. Sarap magkape kapag ganitong mga oras while thinking about what would happen the whole day. Napangiti nanaman ako. Ganito ba 'yung feeling ng 'mababaliw ka sa saya?'. Kung ito man 'yun, ipamental hospital niyo na ako.

"Miah, tell Nazi I left early kasi kailangan ako sa restaurant ngayon." sabi niya habang isinusuot na ang kaniyang jacket.

"Okay po."

"Cook breakfast for him. He'll love it." he gave me a smile na nagpakilig naman sa akin. Kiri ko!

"Prito lang po alam ko." kahiya-hiya man pero totoo.

"Prito, nilaga, inihaw, sunog man 'yan o hilaw. Magiging masarap lahat ng iyan kung may effort at love. Trust me!"

Tito naman!

"Mauna na ako, Miah! Yung bilin ko sa'yo!" sumaludo pa siya bago umalis na ikinangiti ko. How can he be so handsome kahit may balbas siya? Parents ko kasi hindi inaga-agahan ang pagbuo sa akin 'yan tuloy walang chance ang MIGOR loveteam. Tsk.

Siguro para talaga ako sa MIME loveteam? MIAME loveteam? RAMIAH loveteam? DOMIME loveteam? RANIQUE loveteam? Ewan, kayo na lang ang humusga.

I decided to cook fried egg, fried bacon, fried ham, and fried rice. At ang lahat ay ginamitan ko ng aking abilidad kumbaga naging buwis buhay ang aking naging pagluluto.

Maya maya pa'y may narinig na akong tunog ng orasan. Alarm clock ata mula sa kwarto ni Rame. Nataranta naman ako kaya hindi ko alam kung paano aayusin ang sarili at hindi ko namalayan na naglalagay na ako ng lipstick na pula sa aking labi.

Nakita ko siyang lumabas mula sa pinto na magulo ang buhok at nagkukusot pa ng mata. Ang gwapo! Mas fresh pa sa fresh milk.

"BUENOS DIAS SENIOR!" Good morning Mister. Hindi nakalagpas sa aking mata ang gulat niyang ekspresyon na lalong nagpadagdag sa kaniyang umaapaw at apaw na apaw na kakisigan. Ginaya ko naman ang pagyuko ng mga maharlikang tao na napapanuod ko sa tv. Tipong nakahawak sa saya at ang paa ay nakatabingi saka pa lang yuyuko. Nakita ko ang pagkurba ng kaniyang labi forming a smile na paborito ko na ngayon and his dimble became visible for a moment.

"Kain na," Sabi ko bago pa man ako mawala sa katinuan.

"You cooked all of this?" Umupo siya sa isang silya malapit sa akin. Naamoy ko naman siya, amoy panis na laway. Chos. Mabango siya amoy Tom Holland kahit hindi ko pa na aamoy si Tom Holland.

"Oo naman, Anong tingin mo sa akin hindi marunong magluto?" mayabang kong sabi. Tinabihan ko siya at umupo sa silya. Buti napigilan ko ang aking sarili na sa hita na lang niya umupo. Nahiya naman ako kasi baka hindi siya makakain ng ayus.

"Effort na effort, ah," sabay tusok sa fried egg na hugis puso. Sabi ni Tito Rigs basta nilagyan ng effort ay sasarap ang luto so tinodo effort ko na talaga. Iba't ibang shapes may square, circle at may hugis star pa nga.

Capturing Rame Where stories live. Discover now