CHAPTER 17: Magic Fountain

53 16 0
                                    

Noong nalaman kong ginamit lang ako ni Ernesto para sa sarili niya, hindi ako umiyak. Noong nalaman kong nagpanggap lang siyang mabuti sa akin, hindi ako umiyak. Noong nalaman kong pinaglaruan lang niya ako, hindi ako umiyak.

I never did cry.

Hindi ako umiyak hindi dahil sa hindi ako nasaktan. Hindi ako umiyak dahil kaya ko pa naman. Kinaya ko.

Pero this time, Love just made me realized how weak I am. How weak I could be. Na pwede rin pala akong maging mahina? Mahina pala ako.

Sadness is caused by intelligence, the more you understand certain things, the more you wish you didn't understand them.

Yo también te amo amor

"Ang sakit pala."

I've never cried this hard. I've never felt this kind of pain. Parang tinutusok ang puso ko.

Kahit ilang beses kong isisi ang lahat sa sarili hindi ko pa rin matanggap na may nagmamayari na pala ng puso niya. Umaasa ako 'e, umasa ako.

Sa halik, sa mga salita niya, sa pagiging mabuti niya sa akin, sa lahat.

Wala nang pag-asa 'tong nararamdaman ko. Mas mabuting ibaon na lang sa limot hangga't maaga pa.

Sana may power on and off button din ang puso para kahit papaano ay pwede natin siyang ikontrol. On kapag handa na at Off kapag hindi na kaya. Kung pwede lang...

"AISHH!"

I'm so done with this whole fucking crush stage.



Pagkagising ko kinabukasan halos masuntok ko ang salamin sa banyo nang makita kung gaano kapaga ang mata ko.

"Ang epal mo talaga! Ouch!" pinitik ko ang talukap ng mata ko at masakit pala. "PAANO KA MAAALIS? Punyeta."

Kahit habang naliligo ay iniisip ko pa rin kung paano itatago ang paga kong mata. Kahit nagbibihis na ako at nag-aayus ng sarili. Nagpasya na lang akong magsalamin para kahit papaano ay hindi halata.

Pagkalapas ko ng pinto ay laking gulat ko nang makita ko si Tita Pear habang dahan-dahan at pasukut-sukot na naglalakad sa may hallway.

"Tita?" tawag ko. Sinenyasan lang nila ako na huwag daw akong maingay kaya naman naitakip ko ang aking kamay sa bibig.

"Ano pong ginagawa niyo rito?" bulong ko nang makalapit na siya sa gawi ko.

"Susurprise sana namin ni Cassidy si Rame," mahina rin niyang sabi. "Sakto at lumabas ka."

"Bakit po?"

"Hindi ba niya sinabi sa'yo na birthday niya ngayon?"

Oo nga pala. Sa sobrang daming bumabagabag sa akin ay nakalimutan kong birthday nga pala niya ngayon.

"Pwede mo ba siyang yayaing kumain ng breakfast sa restaurant ni Rigor?"

Ha?

"I mean, parang i-suggest mo kunyare na doon na kayo magbreakfast sa restaurant tapos kapag hindi siya pumayag sabihin mo 'Pleaseeee'?"

Ha?

Adik ba 'tong nanay niya?

"O–oh sige po, tita."

Nakita ko naman ang pagsilay ng ngiti niya at lalo na silang naging magkahawig ng anak niya.

Hindi siya si Rame, Miah, huwag mo siyang sasapakin.

Capturing Rame Where stories live. Discover now