Chapter 31: Just Breathe

77 7 0
                                    

Note: Play this video from youtube para dagdag feels. Charot.

"Miah?"

Dahan dahan kong iminulat ang kaliwa kong mata, isinunod ko ang kanan hanggang sa makita ko na ng tuluyan ang taong nasa harapan ko. Nakatayo siya sa tabing parte ng kamang hinihigaan ko. Hindi ko siya maaninag ng ayos dahil sa labis na panlalabo ng aking paningin.

"Miah,"

Pamilyar sa akin ang tinig na iyon. Musika sa aking pandinig ang boses na mula sa taong nasa tabi ko lang. O 'kay sarap pakinggan.

Naramdaman ko ang malambot niyang kamay na hinahaplos ang kamay ko. Para akong hinehele ng mga hawak niya. Para akong sanggol na kailangang dahan dahan ang paghawak. Kalma ang hatid ng balat niya sa balat ko.

"I'm so happy you're awake," ani ng boses.

Inilagay niya ang magkahawak naming kamay sa kaniyang pisngi at dinama niya iyon. Mainit ang pisngi niya. Kay sarap sa pakiramdam. Napangiti ako at saka ipiikit ang aking mata at ninamnam ang sarap na hatid ng haplos niya.

Sa muling pagdilat ng aking mata, nakita ko kung gaano kalapit ang mukha niya sa akin. Ang malungkot at punong puno ng emosyon niyang mukha ay sa tapat ng mukha ko.

"R-ame?" pagbanggit ko sa pangalan ng lalaking nasa harapan ko. "Okay ka n-"

Naramdaman ko na lang ang sabik na sabik niya labi sa labi ko. Magkalapat lang ang mga iyon. At sa sandaling ihiwalay niya ang labi sa akin ay tinitigan lang niya ako sa aking mata. Iniangat ko naman ngayon ang aking kamay para haplosin ang pisngi ng taong mahal ko.

"M-ahal," buong puso kong tawag sa kaniya.

Pinilit kong ikalma ang nagwawala ko nang puso at ang pagtulo ng luha pero mas nanaig pa rin sila. Sunod sunod ang butil ng luha sa pagtulo sa pisngi ko.

"'Wag mo akong iiwan, Rame, please," sabi ko sa kabila ng paos na boses. "Akala ko iiwan mo na ako."

"Ikaw nga 'tong nang-iwan 'e, sabi mo sabay tayo pag-uwi rito," mahinahon niyang sabi na ikinangiti ko.

"Sorry, mahal. Pangako, sabay na tayong uuwi sa sunod," pagbibiro ko kasabay ng mahinang pangtawa.

"Pwede ba akong humiga sa tabi mo?" aniya.

Hindi na ako sumagot at kusa na akong umusog para bigyan siya ng espasyo sa kama. Sa sandaling makahiga siya ay ipinatong niya ang ulo sa braso ko at saka ako niyakap ng mahigpit. Kagaya ng lagi niyang ginagawa, isiniksik niya ang ulo sa may leeg ko.

"Ambango mo pa rin kahit amoy hospital ka," bulong niya. Kinurot ko siya sa tagiliran na naging dahilan ng pagngiwi niya. Hindi ako magsasawang pagmasdan ang masaya niyang mukha, ang malungkot niyang mukha, ang galit niyang mukha, ang kinikilig niyang mukha, ang buo niyang mukha. Ang mukha niya ang pinakapaborito kong kuhanan ng litrato. Ang mukha niya ang pinakapaborito ko sa lahat.

"May gusto ka bang puntahan, Miah?" bigla niyang naitanong. Napaisip naman ako.

"Gusto ko lang pagmasdan ang buwan," sagot ko gamit ang mahinag boses habang nakatingin lang sa kisame. "Kaya siguro hindi ako makakuha ng mga magagandang litrato ng buwan dahil mas magandang ang mga mata na'tin ang manawa sa pagkuha sa kaniya," lumingon ako sa kaniya.

"Miah," mahinang sabi ni Rame. "Dadalhin kita sa buwan."

Mapait akong napangiti. Alam kong kaya niyang gawing posible lahat ng sinasabi niya pero ayaw kong umasa na aabot pa ako sa puntong mapupuntahan ko ang buwan na sinasabi niya.

Capturing Rame Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon