CHAPTER 28: Esparreguera

49 12 0
                                    

"Anong nangyayari?"

Matagal siyang nakatitig sa luhaan kong mga mata. Hindi siya umiimik o kahit sagutin manlang ang mga katanungan ko.

"Ramiro, nasaan si Rame?" paos ang boses kong sabi dahil sa labis na pag-iyak. Lumapit ako sa kaniya, inabot ko ang kaniyang kamay at saka tumingin sa mata niya nang may pagmamakaawa.

"Miah, hindi pa rin namin makita si Rame,"

"H-ha? Pa-anong hindi niyo siya makita?"

Mas lalong naging malaya ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. Para nanaman akong binagsakan ng kung anong bagay sa dibdib ko. Halos hindi ako makahinga.

"Wala siya sa condo ni Aleesa. Wala siya sa kahit saan. Hindi namin siya macontact."

Tuluyan nang nanlambot ang aking tuhod kaya napasalampak ako sa sahig. Napakapit ako sa binti ni Ramiro at doon kumuha ng lakas. Iyak lang ako ng iyak. Walang tigil.

"Miah, ayusin mo na ang sarili mo," Dinaluhan niya ako sa pagkakasalampak ko sa sahig. "Kailangang maihatid kita sa airport at baka maiwan ka ng eroplano niyo."

"Hi-indi," sabi ko habang walang tigil sa pag-iling. "Hin-di ako uuwi nang hindi kasama si Rame, Miro." pinilit kong ituwid ang aking pananalita para maintindihan niya ako kahit papaano. Ayaw kong umuwi nang hindi ko siya kasama. Ayaw kong mauna sa kaniya sa pag-alis.

"Kailangan mo nang umuwi. Kami na ang bahala sa paghahanap kay Rame."

"Hindi, Ramiro. HINDI," tumayo ako at nagpalakad-lakad sa harap niya habang sapo ang aking nuo. "Hindi ako uuwi,"

"Miah, saan ka pupunta?"

Nagmadali ako sa pagsusuot ng jacket ko at saka ko sinuha ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa.

"Sasama ako sa inyo sa paghahanap kay Rame. Hindi ako uuwi hangga't hindi ko siya kasama," Desidido ako sa pagsama sa kaniya. Desidido ako sa hindi pag-uwi. Kailangan ako ni Rame, kailangan ko rin siya. "Ramiro, hayaan niyo akong gawin 'to, please?"

Nakita ko ang paglambot ng ekspresyon niya at ang pagbagsak ng kaniyang balikat. Lumapit siya sa akin para yakapin ako at doon na lamang mas kumawala ang malakas kong hagulgol.

"Hindi kita pipigilan sa gusto mo basta ipangako mong mag-iingat ka, ha?" tumango ako at mas lalo nang ibinaon ang sarili sa yakap niya. "Magtiwala ka sa sinabi ni Rame na babalikan ka niya. Mahal ka niya 'e,"

Mahal ko rin siya.

Mahal ko rin si Rame.

Nakatulala ako sa loob ng sasakyan habang si Ramiro ay hindi magkaintindihan sa pakikipag-usap sa telepono niya. Iyak pa rin daw ng iyak si Tita Pear habang si Tito Cassidy ay naghahanda na para sa paglipad niya papunta rito sa Barcelona.

"Hello, Aleesa? Nasaan ka?" bungad ni Ramiro nang sagutin ni Aleesa ang tawag. "Bakit ako ang tinatanong mo? Ikaw ang pinuntahan niya." galit ang tono niyang sabi. "Paanong hindi mo alam?"

"Huwag mo akong iyakan, Aleesa. Noong una pa lang sinabihan na kitang layuan mo na si Rame pero anong ginawa mo?"

Nilingon ko ang nagmamanehong si Ramiro. Hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin siya. Agad naman siyang lumingon sa gawi ko. Marahan niyang inihaplos ang kamay sa aking pisngi upang tuyuin iyon.

"Saan siya dinala ng boyfriend mo?"

Boyfriend?

"Anong hindi mo alam? Don't fucking lie to me."

Capturing Rame Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin