CHAPTER 18: Plasa de Cataluña

56 12 0
                                    

Sana totoong may Magic ang fountain na 'to.

Sana kaya niyang alisin lahat ng sakit sa puso ko.

Sana...

"Tahan na, Nehemiah."

"Gusto ko nang umuwi, ate."

"Alam mo namang malabo 'yang iniisip mo diba? Magtiis ka na lang muna."

"Ate... ang sakit," pinahid ko ang luha mula sa aking mata. "sobrang sakit."

Madilim ang silid at tanging hagulhol ko lang ang maririnig. Sumabay pa ang pagbuhos ng ulan mula sa labas. Nagluluksa rin siguro ang langit dahil sa puso kong unti-unti nang namamatay ngayon. Nawawalan na ng gana sa pagtibok.

"Sino 'tong kausap ko?" Nagtaka ako sa tanong niya. "Ate naman," angil ko.

"Hindi 'to si Miah dahil ang kilala kong Miah matapang, hindi nagpapatibag, hindi naliligo at mabaho ang hininga."

"Ate naman 'e."

"Miah, huwag ka munang magpadala sa emosiyon mo at nararamdaman mo para sa kaniya. Alam mo feeling ko na-excite ka lang sa kaniya kaya ka nagkakaganiyan." Sana nga ate ganiyan na lang yung nararamdaman ko. "Kinilig ka lang saglit mahal mo na agad?" Hindi ako nakasagot.

"Ate, hindi ko na alam ang gagawin ko."

"Alam mo kasi, normal lang na masaktan ang tao pero ang hindi normal ay paulit-ulit mong hahayaang masaktan ang sarili mo."

"Anong gagawin ko?" naiga na rin siguro ang tubig ko sa mata dahil wala nang tumutulo mula roon. "Mahal ko na siya ate at sigurado ako roon."

"Edi sundin mo ang puso mo. Kung mahal mo edi mahalin mo lang ng mahalin pero kapag mahal na mahal na mahal mo na pumayag ka nang maging kabit."

Wala talaga 'tong kwenta minsan.

"Miah, asawa nga naaagaw boyfriend pa kaya. Tsaka hindi pa sila kasal kaya hindi ka makukulong."

"Seryoso ka ba? Ibinubugaw mo ang kapatid mo para maging kabit?"

"Nagsu-suggest lang naman. 'Wag kang tatawag ulit sa akin nang umiiyak ka, ah. Binigyan kita ng choice at kung ayaw mong sundin tumalon ka na lang sa bintana ng hotel niyo."

"Tandaan mong matatapang at malalakas ang mga anak ng itay kaya huwag kang susuko agad!" sigaw niya mula sa telepono. "Tahan na. Enjoy-in mo muna 'yang nararamdaman mo para kapag sobrang sakit na hindi ka magsisisi dahil nagmahal ka lang naman." Pinahid ko ang basa kong pisngi saka inayos ang pagkakahiga sa kama.

"Sige na at matulog ka na. Ipagtitirik ko pa ng kandila 'yang puso mo," sabi pa niya na ikinairap ko. Ako na ang nagpatay ng tawag at saka ako bumangon para uminom ng tubig.

Baka nga tama ang Ben&Ben masyado pang maaga.

Once you fall in lov–. Erase that. Once you got fooled by love you can never get away from it. You can never turn your back from it. That is how love play its own game. Nakakasakit. You can never expect na kapag nagmahal ka magiging masaya agad o baka... hindi ka na talaga magiging masaya.

May natitira pa akong apat na araw. Ano ba 'tong trip na to? 10 days to fall in love trip to Spain? o 10 days to break your heart trip to Spain? Mukhang parehas.

"Saan nanaman ang burol, Miah?"

Feeling close talaga 'tong si Ramiro.

Itinaas ko ang aking kamay sa mukha niya para patigilin siya sa pagsasalita. Wala akong ganang makipagharutan. Bakit nga ba narito 'to 'e ang aga-aga pa?

Capturing Rame Where stories live. Discover now