CHAPTER 29: Dark

59 14 0
                                    

"Walang hiya ka!"

Naging madali sa akin ang pagpapanggap na kaya ako lumuluha ay dahil sa galit. Kahit nahihirapan akong lapitan siya dahil sa awa ay ginawa ko pa rin. Pinilit kong ihakbang ang aking paa palapit sa kaniya nang hindi natutumba dahil sa labis na panlalambot.

"Bakit, Rame?" paos ang boses kong sabi.

"Bakit mo ako niloko?" sigaw ko.

Pinigilan ko ang sarili na yakapin siya. Mahina ko siyang pinaghahampas sa dibdib.

"Naghintay ako tapos malalaman kong niloloko mo lang ako?" hirap na hirap ako sa pagsasalita dahil sa paghikbi. Nahihirapan akong huminga dahil sa sikip at alikabok at idagdag na rin ang puso kong gustong gusto nang kumawala sa dibdib ko. "Hinintay kita, Rame."

Tiningnan niya ako gamit ang malamlam niyang mga mata. Tila pagod na pagod dahil sa dami ng pasa sa mukha at sa katawan. Lalo akong naiyak dahil sa sitwasyon niya. Lalo akong nahabag at gusto ko siyang iganti mula sa gumawa nito sa kaniya.

"Bakit hindi ka lumaban?" bulong ko. Iniwasan kong marinig iyon ni Ramil dahil baka matunugan niya na nagkakamali siya sa pagtitiwala sa akin. Imbis na sumagot ay nginitian lang niya ako saka hinawakan ng mahigpit ang aking kamay. "Rame." Sa pagkakataong muli kong binanggit ang pangalan niya ay siyang pagtulo ng luha muls sa kaliwa niyang mata. "Narito na ako, Rame. Narito na ako."

Napasalampak ako sa sahig dahil sa labis na panlalambot ng tuhod. Doon ako umiyak habang nakaub-ob ang aking ulo sa dalawa kong tuhod. Hagulhol, hikbi at ungol ang tanging tunog na bumabasag sa katahimikan ng silid.

"Hahahahaha,"

Wala akong lakas para tingnan pa ang halimaw na nasa may pinto lang. Gusto ko na lang umiyak dahil sa nangyayari sa amin. Bakit umabot ang lahat sa ganito? Hindi ko alam at walang nakakaalam.

"He can't barely stand from that bed. I feel soooo bad about it, though," tumatawa pa niyang sabi.

Naikuyom ko ang aking kamao. Gusto kong iganti si Rame pero alam ko sa sarili ko na wala akong laban mula sa kutsilyo niya.

"I didn't kill him already simply because, I want you to be the one to do so. Isn't that fun?"

Madiin kong ipinikit ang aking mata. Nakailang buntong hininga ako habang minumura siya sa isipan ko.

Nakita ko siyang umupo sa isang kahoy na bangko sa tapat ko. Nilalaro pa niya ang hawak na kutsilyo.

"I didn't know that Aleesa could ever do this whole shit to me. She is my girlfriend for three years—," bigla siyang tumigil."What's with that look, man?" Kay Rame siya nakatingin. "You're the one who ruined our relationship so don't you dare look at me like you're the fucking victim."

Pinilit kong huwag hawakan si Rame para tulungan siya sa pag-upo. Umupo siya sa kama habang ang likod ay nakasandal sa dingding. Ako nama'y nakasalampak lang sa sahig. Umiiyak at nananalangin na sana'y nasa matinong pag-iisip pa ang lalaking nasa harap ko.

"Almost three fucking years," sarkastiko siyang tumawa. "I did everything for her. I gave her car and house. I gave her money. I gave her security. I get her my all but it seemed like it weren't enough. I am not enough for her. I am not enough to satisfy her." mababakas sa boses niya ang impluwensya ng alak, ang mata niyang tila gusto nang tumiklop.

"I knew from the start that this day would happen but I never thought that this would be this fucking early," tumayo siya mula sa pagkakaupo niya. "I haven't clean the venue." Itinaas niya ang kamay na tila ipinapakita ang silid kung nasaan kaming tatlo habang nakangisi. "How about you Miss Nehemiah?"

Capturing Rame حيث تعيش القصص. اكتشف الآن