CHAPTER 13: City Beaches

78 21 0
                                    

Hindi ako pinatulog ng imahe ni Rame sa utak ko habang nakangiti siya kanina. Nakatingin lang ako sa kisame habang ang dalawa kong kamay ay nakahawak sa aking dibdib. Mabilis ang tibok nito na halos hindi na normal. Mahina kong tinapik ang tapat ng aking puso pero ayaw pa rin tumigil.

"Puso, ano bang problema mo?" sabi ko sa sarili.

Nagtalukbong na lang ako ng kumot at hinintay na kusang balutin ng antok. Siguro nga'y dapat ko nang itigil ang kagagahan kong pagpapapansin sa kaniya. Nagbibiro lang naman ako pero yung puso ko masyadong sineseryoso.

Kinaumagahan, nauna siyang nagising sa akin at nakita ko naman siyang nagkakape sa may balcony. Hindi ko siya pinansin dahil hindi naman ako feeling close. Dare-daretso lang ako sa kusina ang nagtimpla na rin ng sariling kape.

"Nakahanda na ang gamit mo?" halos maibuhos ko sa sahig ang hawak kong kape dahil bigla-bigla na lang siyang nagsasalita mula sa likod ko. "Sorry." paumanhin niya.

"Ah, oo." tanging naisagot ko at tuluyan ng lumabas mula sa kusina. Ako naman ang tumambay sa balcony habang feeling donyang nakamasid lang sa labas.

"Okay lang ba sayo na sa labas na mag breakfast?"

"AY puk.... susmaryosep!" Napakapit nanaman ako sa aking dibdib dahil sa gulat. "Kumatok ka naman muna bago magsalita!"

"Ha?" takang tanong niya.

"Wala wala. Sige at ako'y maligo na." lumayo na ako sa kaniya at pumasok sa kwarto. Napasandal naman ako sa likod ng pinto habang sapo ang dibdib.

"Miah?" narinig ko ang pagtawag niya sa akin mula sa labas ng pinto.

"Ano? Sabi ko maliligo na ako." sigaw ko pabalik.

"Diyan ka maliligo 'e kwarto ko 'yan!"

Anak ng teteng!

Nailibot ko ang aking mata sa paligid at nakumperma ko nga na hindi ito ang kwarto kung saan ako tumutuloy. Dahan-dahan kong ipinihit ang doorknob ng pinto at saka lumabas.

"Sorry."

Nilagpasan ko lang siya at narinig ko pa siyang nagsalita.

"Anong problema no'n?"

Bobo mo Miah!

Mabilis akong naligo at naghanda ng sarili. Pagkalabas ko naman sa pinto ay nakaayos na rin siya at nakalabas na rin ang mga gamit.

"Punta na tayo?" tumango lang ako habang nagfefeeling girlfriend na gusto ng suyo.

Sumakay na kami sa sasakyan niya at binagtas ang daan patungo sa isang hotel. Dati sa mga pelikula ko lang nakikita ang mga ganitong klase ng hotel pero ngayon harapan ko nang nasisilayan at hindi lang 'yan, mahihigaan ko pa ang kama at magagamit ang mga sabo na amoy rosas.

Pumasok na kami sa loob at agad din naman kaming dinaluhan ng mga tagapagsildi roon. Kinuha nila ang aming gamit at inilagay sa parang trolly.

"Kain muna tayo?"

"H--ha?"

Sabi ko, iwas lang hindi bingi-bingihan.

"Let's eat kako." pag-uulit niya.

"Umm, sige." Nauna na siya sa paglalakad at sinundan ko naman siya.

Simple breakfast like a very Spanish one. I ordered an spanish bread and an spanich coffee. Chos. Magtatatlong araw na akong puro fried, bread, at pasta lang ang kinakain. Gusto ko naman ng sinabawan at nilaga.

Capturing Rame जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें