CHAPTER 14: La Boqueria

59 19 0
                                    

"Ano? Kumusta?" Relle

"Nagamit mo na ba lingerie mo?" Peej

"Huy! Miah! Magsalita ka!" Relle

"Bakit ganiyan ka makangiti?" Peej

Magkaka-usap kaming tatlo ngayon sa video call. Kinontak ko sila dahil alam kong sila lang ang makakaintindi sa nararamdaman ko ngayon.

"NEHEMIAH!" si Relle

"Ano?" Tanging pagngisi lang ang kaya kong gawin dahil kapag nagsalita ako ay baka hindi ko mapigilang hindi sumigaw at magtitili.

"Bakit ngising ngisi ka? Anong nangyari?" Relle

"Oo nga. Blooming mo 'te," Peej

"Actually, maraming nangyari," sabi ko.

"Don't tell me...." Relle

"Nagjugjugan kayo?" Peej

Napatawa ako ng malakas at saka nagpagilong-gilong sa kama.

"Miah, lagot ka sa tatay mo!"

"Malandi talaga tingin niyo sa'kin 'no?" Umayos ako ng upo at ipinatong ang cellphone sa headboard ng kama.

"Oo," sabay nilang sabi. "Ano ngang nangyari?"

"Pakiramdam ko kasi...." mahina konv sabi. Ewan ko ba pero bigla akong nakaramdam ng hiya. "Yieee." nakagat ko ang pang-ibaba kong labi.

"Sinasabi ko na nga ba," Tiningnan ko si Relle sa monitor. Alam kong nahuhulaan niya ang nasa isip ko. "May gusto ka na 'no?" Lalo lang lumaki ang butas ng ilong ko dahil sa pagpipigil.

"Anak ka ng kabayo," ani Peej at talagang naghimatay-himatay kuno.

"Sure ka ba riyan sa nararamdaman mo? Hindi na talaga mapipigil 'yan?" umiling ako.

"Hindi na, girl."

"Handa ka?" makahulugan niyang tanong. "Hindi mo pa kilala si Rame, Miah. Kakakilala mo pa lang sa kaniya."

"Bakit? Wala namang imposible sa pagmamahal." Nakita ko ang pagbagsak ng balikat niya at tiningnan ko ng seryoso mula sa monitor.

"Ambobo mo pa rin. Hindi ka na ba nadala may Ern?"

"Iba si Ernesto kay Rame,"

"Paanong iba? 'E ganiyan din ang nangyari sa inyo," Napakamot na lang ako sa aking nuo.

"Relle,"

"Huwag mo nang ipagtanggol 'yang Rame mo, Miah,"

Si Ernesto ay anak ng customer ko noon. Nagkacrush ako, oo, pero hanggang crush lang 'yun. Sino ba namang hindi magkakagusto sa isang gwapong Hapon, diba? Noong nalaman niyang may crush ako sa kaniya ay naging close kami. As in, close na super duper close. Naging mabait siya sa akin hanggang sa nalaman kong ginamit lang niya ako para sa Instagram account niya. Amputek ginamit niya lang akong photographer niya para sumikat siya. Tinake for granted is the word for it. Bait-baitan para makahuthot ng libreng serbisyo.

Natapos ang video call nang puro sermon lang ni Relle habang si Peej ay akala mo'y nanunuod ng telenobela habang kumakain ng popcorn. Natulog na ako pagkatapos ng call dahil kailangan ko rin ng pahinga para sa mahabang araw bukas.


Kinaumagahan, nakareceive ako ng message mula kay Rame. Nasa baba na raw siya at nagkakape. Hindi naman na ako nagpaganda dahil sadyang maganda na talaga ako kaya bumaba na ako agad.

Capturing Rame Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ