CHAPTER 19: Elìgeme

41 14 0
                                    

Gusto kong kainin lahat ng pizza sa Pizza House na ito tapos si Rame ang magbabayad lahat. Naiinis kasi ako sa kanilang dalawa. Bakit kailangan pang sa harapan ko maglampungan? Lagyan ko kaya ng paminta ang mata ng dalawang ito? Naka display pa ang cleavage ni Aleesa dahil sa suot na hapit na sando. Kala mo talaga kandidata sa Ms Philippines.

"Ayaw ko na, Nazi," ani Aleesa. "I'm full already." dagdag pa niya kaya ibinalik na ni Rame ang pizza sa plato at saka kumuha ng tissue para punasan ang dumi na naiwan sa labi ng babae. Napayuko na lang ako at sinamual ang pizza sa aking bibig.

"Tubig?" ani Rame. Tinanggap naman ni Aleesa ang tubig na nasa baso saka dahan-dahan itong ininom. Nagtawanan pa silang dalawa nang may tumalsik ng tubig sa pisngi ni Aleesa. Napairap na lang ako dahil napakaarte nila pareho. Nakakasuya.

Naramdaman ko ang paglapit ni Ramiro sa akin at may ibinulong. "'Wag mo na lang kasing tingnan," nilingon ko siya at saka ako umirap.

"Miah, Que sabor te gusta?" What do you like?

Gusto ko na lang umalis at magpakalayo-layo mula sa inyo, sa totoo lang.

"Habla en inglés, Babe." Speak in English, Babe sabi ni Rame at tumingin sa akin. Sapakin ko kayo parehas 'e.

"Lo siento," maarting sabi ng babae habang tumawa. "I'm trying, Babe, okay? I'm trying."

"You should practice your Tagalog too," sabi pa ni Rame. Praktisin mo na rin kung paano pigilan ang pagiging maarte mo. Napairap ako sa sariling isipin.

Beep.

Nakita kong umilaw ang aking cellphone kaya kinuha ko iyon at ibanasa ang mensahe mula kay Ramiro na katabi ko lang naman ngayon.

From: Ramiro
Tama na ang pag-irap, Darling, at baka hindi ka na maulian niyan. Habambuhay kang mang-iirap, sige ka.

Iirap nanaman sana ako kaso bigla niyang hinawakan ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. Dinala niya iyon sa ilalim ng lamesa at saka pinisil. Tumingin ko sa kaniya at inilingan niya lang ako.

"Banyo ako." paalam ni Aleesa. Oo, mukha ka ngang banyo. At mas masakit dahil kahit mukha kang banyo mas maganda ka pa rin at mas maputi kaysa sa akin. At mahal ka niya. Ako? tae siguro ako.

"Samahan kita," Ow C'mon Love birds.

"No, I'm good. Just stay here." at tuluyan na siyang umalis. Naiwan naman kaming tatlo. Tahimik at walang umiimik habang ang magkahawak naming kamay ni Ramiro ay nanatiling magkahawak at nakakubli sa ilalim ng lamesa.

Kumuha siya ng pizza at saka humarap sa akin. Tiningnan ko naman siya ng may pagtataka pero wala pa rin siyang imik.

"Abre tu boca, Darling." Open your mouth aniya.

"H-ha?" nagtataka kong tanong.

"Open your mouth kako, paano mo 'to makakain kung hindi mo bubuksan bibig mo?" Napairap na lang ako. "Saan mo gustong ipadaan 'tong pizza? sa ilong?"

"Sabi ko, ngumanga ka." sabi pa niya. Napilitan akong numanga at tinanggap ang pizza na hawak niya.

"Isang irap mo pa hahalikan na kita." Kamuntik ko nang maibuga kay Ramiro ang nginunguya kong pizza sa bibig dahil sa sinabi niya. "Seryoso ako, Miah." pagbabanta niya saka siya sumandal sa bangko at tumingin lang kay Rame na nakatingin lang din sa gawi namin. Maya maya pa'y naramdaman ko na lang ang pagpasok niya sa aming kamay sa loob ng jacket niya.

"Nilalamig ako," aniya.

"Excuse me," bigla na lang sabi ni Rame saka tumayo at naglakad palayo. Siguro'y pupuntahan ang girlfriend niya na pinaglihi ata sa kaartihan at cleavage.

Capturing Rame Where stories live. Discover now