CHAPTER 2: Maria

149 46 14
                                    

"BUENOS DIAS A TODAS! BUENUS DIAS A TODOS! ARAY!" Good morning everyone.

"'Yang bunganga mo! Yang bunganga mo! Alam mong natutulog pa sina ate mo, pasigaw-sigaw ka pa riyan!"

"Si mama naman nakapanapok na agad!" reklamo ko. Tunay na agang-aga ay nasapok na ako agad. Wild ka girl?

"Bilisan mo at maghanda ka na sa pagpasok! Mahuhuli ka nanamn!" Halos kaladkarin niya ako patungo sa kusina habang ako'y tila masasabitan ng kawali ang nguso dahil sa pagkakanguso ko.

Kung makapagsabi naman si mamang lagi akong nale-late, parang sure na sure siya, ah.

"Sa ate mo ang hita ng manok!" Napilitan tuloy akong pakpak ng manok ang kunin. Nasubo na sana ako.

"Kay Kahel ang pakpak, Dominique!"

"MA!! MIAH PO, MIAH!" padabog kong ibinalik ang pakpak sa plato at kinuha ang leeg ng manok at unting laman. Kinuha ko ang ketchup na kakaunti na rin naman ang laman.

"Akin yang ketchup! Kagabi ko pa yan itinabi!" bigla namang hinigit ni ate ang ketchup mula sa kamay ko.

Bakit kaya ipinanganak ka pa sa mundo?

"Bakit? Ikaw ba bumili niyan?" Syempre, hindi ako magpapatalo.

"Hindi, bakit ikaw ba bumili?" sagot niya.

"Hindi!"

"Oh, hindi naman pala e!" Sabi pa niya at umupo na sa tabi ng upuan ko. Nilagyan niya ng konting tubig ang bote saka ito inalog.

"Isaksak mo sa baga mo!" bulong ko kahit nanggagalaiti na ako sa inis. "Sana expired na 'yang ketchup!"

Naligo na ako agad pagkatapos kumain at nagbihis ng uniporme dahil baka kapag nagtagal pa ako sa lamesa ay matusok ko na ng tinidor ang mata ng ate ko. Grrr

"Mamita, baon ko?"

"Oh, tipirin mo 'yan, kailangan kasi ng ate mo ng pera para sa project niya kaya 'yan lang muna sa'yo" Sabay abot sa singkwenta pesos. "May pera ka pa naman, diba?" tumango naman ako.

"Basta may suman mamayang hapon, ma, okay na ako!" sabi ko.

"Sige na, pumasok ka na." Lumapit ako sa kaniya at hinalikan ko siya sa pisngi.

"Adios! Seniora!" Good bye, miss. At tuluyan na akong lumabas sa pinto habang kumakaway. Natanaw ko naman si Peej na naglalakad habang nakatutok sa cellphone niya. Nanunuod siguro ng pornograpiya.

"PEEJ!" itinaas ko ang aking kamay. Tumingin siya sa akin at naglakad na palapit.

"Wala ka bang napapansin?" tanong ko. May suot kasi ako ngayong lipgloss na binigyan ni ate sa akin. Nagdalawang isip pa ako kung gagamitin ko ba iyon dahil feeling ko expired na e. Never kasi siyang nagbigay sa akin ng bago. Bagong problema, oo, palagi.

"Ha?" nagtatakang tanong niya. Ngumiti naman ako at nagpacute. Bobo ba siya? Bakit hindi niya makita lipgloss ko?

"Wala ka ba kakong napapansin sa akin?" Nagbeautiful eyes pa ako.

"Meron, may panis na laway ka pa. Naligo ka ba?" sinamaan ko siya ng tingin at pinahid ko ang labi gamit ang aking braso.

"Wala ka talagang kwenta."

Nauna na akong naglakad sa kaniya sa sakayan ng jeep. Umupo ako sa waiting shed at hinitay si Peej. Maya maya ay narito na rin si Airelle.

Third year college na ako sa kursong BSed Major in English na gusto ng mga magulang ko. Ang gusto ko talaga ay Photography and New Midea pero wala namang course nun dito sa Pilipinas na kaya lang ng budget namin. Umasa naman ako sa mga course related to arts pero ayaw talaga nila kaya hindi ko na lang din pinilit. Magulang ko sila at sila ang bumubuhay sa akin kaya wala akong karapatan para hindi sila sundin.

Capturing Rame Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu