CHAPTER 15: Park Geüll

50 15 0
                                    


"Try this, Miah."

Busog na busog na ako, Ramiro, parang awa mo na!

Kanina pa siya panay nang lagay ng kung anu-anong pagkain sa plato ko. Halos maduwal na ako sa busog.

"Tama na, pare," rinig kong pag-awat ni Rame. "Baka hindi na 'yan matunawan sa dami ng kinain."

Hulog ka talaga ng langit, Labs. Chos

Tumingin naman sa akin si Ramiro habang nagpipigil ng pagtawa niya.

"Bwisit ka." mahina kong sabi habang nakatingin sa kaniya. Wala siyang ibang ginawa kundi tawanan ako habang ginugulo ang buhok ko.

"Sorry," mahina rin niyang sabi. Natawa naman ako.

"So, where did you guys meet?" Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Rame habang naghihintay siya kung sinong sasagot. Alam ko namang hindi iimik si Rame kaya ako na ang nagsalita.

"Sa Capturarte." sabi ko. Bakas ang mangha sa mukha niya dahil sa narinig.

"For real?" Bakas ang pagkamangha sa kaniyang mukha na halos lumuwa na ang kaniyang mga mata.

"Oo," sabi ko habang tumatawa.

"You know what, 'tong si Rame perfectionist 'to 'e. So, you, being here with him means na magaling ka nga."

"Hindi naman siguro." pabebe kong sabi habang ikinakawit ang buhok sa gilid ng aking tainga.

"Can I see your wall? May Instagram ka ba?"

"Oo, Search mo @NDmrtrz, follow mo na rin at pa flood likes para Bongga na! Gusto mo 'yun? Gusto ko 'yun!"

"H–ha?" takang tanong niya. I'm an LC fan! BONGGA NA!

"Wala, sabi ko @NDmrtrz."

Nakita ko namang nagsearch na siya sa Instagram niya. Pasimple kong sinilip si Rame at busy din siya sa cellphone niya habang nakakunot ang nuo. May katext ata siya.

"Shit. Ang ganda, Miah." puri niya sa mga gawa ko. Halos mapunit ang labi ko dahil sa sobrang pagkakangiti. Na-overwhelmed lang. Sarap kasi sa feeling na may magsasabi sa'yong magaling ka, maganda ka o kahit anong makakapagpagaan sa dibdib na'tin. Kahit minsan lang.

"Push mo lang photography, Miah, I swear malayo pa mararating mo." I saw sincerity in him kaya hindi ko masabing sumisipsip lang siya sa akin.

"Oo naman, pangarap ko rin 'yan 'e."

"You know what, why don't we go to Park Güell? You can take as much pictures as you want there."

Bigla na lang niyang hinablot ang kamay ko mula sa lamesa at ikinulong ito sa kamay niya. Hindi nakatakas sa aking mata ang mabilis na pagrehistro ng tingin ni Rame sa gawi namin.

"Rame?" tinawag pa niya si Rame. "What do you think?"

"Just go," walang gana niyang sagot.

Naiilang ako sa mga ginagawa ni Ramiro sa akin. I am a woman of never done this, never done that. Hindi ko pa nga nararanasang makipagholding hands sa lalaki 'e. Hindi ako sanay sa mga ganito.

Matapos naming kumain ay bumyahe na kami patungo sa lugar na tinutukoy ni Ramiro. Siya ang nasa passenger seat at ako ang nasa back seat. Nakatingin lang ako sa harapan at minsa'y nakikita ko ang pagtingin ni Rame sa salamin. Minsan pa'y nagkakahulihan kami ng tingin.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na rin kami. Bumungad sa amin ang mga taong namamasyal din doon.



Welcome to Park Güell

Capturing Rame Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon