CHAPTER 1

139 10 6
                                    

CHAPTER 1

"MAJENTHA pakibilis, napakakupad mo talagang bata ka!" Sigaw ni tita sa'kin mula sa baba.

Bumangon ako dahil baka magalit na naman siya at batuhin ako ng kung ano-ano. Dumeretso na ako sa banyo para makapaligo at makapag-ayos na rin. Ayaw kong malate. Pagkatapos ay bumaba na ako para mag-agahan.

Ngayon ang unang araw ko sa bago kong nilipatang school, hindi na nakakapanibago sa'kin na walang kaibigan. Wala kasing lumalapit sa'kin simula noong makapasok ako. Wala naman akong nakakahawang sakit, sakit na ba ang pagiging maganda ngayon? Eme.

"Class, we have a transferee here today since magkakakilala naman na kayo from last years class no need to introduce yourself. Miss Velazco please come here in front." Tawag sa akin ni Ms. Mercado.

Bakit ba kasi nauso ang introduce yourself na 'yan? Hindi nakakatuwa, nakakakaba.

Tumayo akong nakayuko dahil sa bulungang naririnig ko at pumunta na ako sa harap.

"Hello everyone my name is Majentha Raine Velazco, n-nice to meet you all." Kinakabahan kong pakilala sabay yuko, hindi ko kinakaya ang mga titig nila kaya bumalik na ako sa upuan ko.

Para bang binabasa nila ang buong pagkatao ko. Scary.

Puro syllabus lang ngayon dahil unang araw pa lang, nakakaloka lang kasi kailangan pa naming magprovide ng index card with 2x2 picture para raw sa graded recitation namin.

Break time na kaya pumunta ako sa canteen para tingnan kung anong pwede kong kainin, may nakita akong rice meal na may giniling na kasama kaya bumili na ako at 'yong coffee jelly nila na mukhang masarap. Naghanap na rin ako ng mauupuan ko, mabuti na lang talaga at hindi gaanong puno rito sa canteen ngayon kaya madali akong nakahanap ng upuan.

Sa wakas, alone time with food.

Pero habang kumakain ako may grupo ng kalalakihan ang dumating at pumwesto sa harapan ko. Akala mo mga siga, mukha namang dugyutin sa kanto.

Okay sana kung mala-artista ang nasa harap ko, baka natulala pa ako sandali.

"Miss, umalis ka nga riyan. Pwesto namin 'yan." Sabi no'ng lalaking mukhang jejemon habang nag-angat ako ng tingin.

Bunot style ang buhok, may hikaw, at may dalang panyo. Uso pa pala ang bunot hairstyle ngayon.

"P-pasensya na—" 'Di ko pa natatapos ang sasabihin ko nang may dumating na namang lalaki, mukhang disente, hindi tulad ng mga dugyuting jejemon dito sa harapan ko ngayon.

"Anong problema rito, Mak?" Tanong no'ng kadarating lang na lalaki.

Matangkad, malinis ang hairstyle, makinis ang mukha na para bang never tinubuan ng tigyawat, mukhang matalino, halatang yayamanin at higit sa lahat, mukhang amoy johnson's baby powder.

"Ito kasing babaeng 'to," sabay turo sa akin no'ng 'Mak' "Claude alam mong pwesto namin 'to." Sabi ulit nitong Mak.

"Hayaan mo na muna, 'yan daw ang bago rito sabi ni Ms. Mercado, nakasalubong ko kanina." Sabi ni Claude habang nakatingin sa'kin dahilan kaya napatingin din ako sa kanya.

Gwapo siya, makapal ang kilay na halos magpang-abot na sa gitna, matangos din ang ilong at mapungay ang mata, double eye lid ang kaliwang mata habang mono naman sa kanan, at manipis ang labi niya.

"Gano'n ba? Sa susunod miss sa ibang upuan ka na lang, pasalamat ka talaga at bago ka lang pala rito." Sabi ni Mak na bumaling kay Claude saka bumaling sa akin na para bang nagbabanta.

"Oo, pasensya na." Sagot ko na lang habang nakayuko.

Ayoko talagang tinititigan ako, mas gusto ko pang kainin ng lupa kaysa titigan. Pagkatapos ay umalis na sila sa harapan ko. Salamat naman.

Nakahinga ako nang maluwag, buti naman at nakalusot ako. First day na first day ko ay gulo agad? Kung sino ka man Claude, magdilang anghel ka sana.

Pagkatapos ng mga klase ko ay nakarinig ako ng hiyawan sa gym, may laban siguro ng basketball kaya sobrang ingay ng mga babae, wagas makatili. Sasakit sa tenga.

Umuwi na ako dahil hindi ako interesado sa basketball, volleyball kasi ang paborito kong sport. Naglaro rin ako before ng volleyball at pinangarap na makapaglaro sa malawak na arena. Pagkapasok ko pa lang sa bahay binomba na agad ako ni Tita, rap dito, rap don. Nakakarindi na rin, akala mo may basuka ang bunganga niya.

Dumeretso ako sa kuwarto ko para makapagbihis na at makapagpahinga, wala namang gaanong ganap kanina maliban sa nakatulog ako sa room at hindi na bago sa akin ang panaginip ko. Para bang may kakaiba sa mga 'yon na hindi ko mawari.

"Baby Scarlette, come here, baby." Tawag ng isang boses
"No baby, come here to me baby." Tawag ulit ng isa pang boses.

Sa kuwarto na baby pink ang kulay at maraming laruan, may crib na baby pink din sa gilid at may mga maliliit na kabinet din. Marami ring gamit pang baby. Nakakalito lang halos kasi palaging ganito ang napapanaginipan ko.

Nasa isang mansyon ako kasama ang mga boses na naririnig ko, kumakain ako sa kusina ng inalok ako ng boses.

"Baby Scarlette, gusto mong ice cream baby? Chocolate ice cream 'to baby, want some?"

Scarlette? Sino 'yon? Hindi kaya nasa ibang panaginip ako?! Omgg no Raine, you need to wake up na.

Haha, ang weird, sino kaya si Scarlette? Ang swerte naman niya, baby ang tawag sa kanya no'ng mga boses, pero pareho rin pala kami na mahilig sa ice cream na chocolate ang flavor. What a coincidence, Scarlette.

Bumaba ako para maghapunan, nakapagluto na kasi si Tita kaya naman sabay kaming kakain.

"Kumusta naman ang first day mo?" Tanong ni Tita sa'kin.

Dumampot ako ng chicken wings bago sumagot, "Okay naman po, Tita. May introduce yourself lang kada subject."

Tumingin naman si Tita sa'kin bago kumagat ng manok, "Uso pa pala ang ganyan."

"Pati na ang bunot hairstyle, Tita." Gusto ko sana idagdag.

"Tita, napanaginipan ko na naman 'yong batang babae pati mga boses." Pagkukwento ko.

Nakita ko ang bahagyang pagkatigil at paninigas ni Tita bago humugot ng hininga at kumalma.

"Iyon lang ba?" Nag-iingat nitong tanong.

"Sino po si Scarlette, Tita?" Tanong ko sa kanya.

LOVE THE RAIN (CS #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now