CHAPTER 3

31 6 0
                                    

CHAPTER 3

Mabilis natapos ang class namin at lunch na naman. Pumunta ako sa canteen, ingat na ingat ako sa pagkain at paglalakad ko dahil baka matapon na naman 'to sa'kin. Nadala na ako kay Claude. Mabilis akong nakahanap ng pandalawahang upuan kaya dali-dali ko itong pinwestuhan at kumain na ako. Habang kumakain ay pumasok si Claude sa canteen at pumasok din ang mga dugyuting jejemon na grupo nina Mak. Bumili agad si Claude at pumwesto sa harap ko para kumain.

"Pwesto mo ba 'to, Claude?" Hindi ko mapigilang tanong dahil baka mamaya mapalayas na naman ako sa upuan. Ayoko ng gulo, gusto ko lang kumain ng payapa.

"Hindu naman, sadyang naawa lang ako sa'yo kasi wala kang kasamang kumain." Pang-aasar ni Claude sa akin.

Sana pwede ko siyang sungalngalin dahil nakakairita siya. Ano naman ngayon kung mag-isa ako? Hindi kalayuan ay nakarinig ako ng mga bulungan.

Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Hala! Magkasabay silang kumain ni Claude."

"Hindi kaya... sila na ni Claude?!"

"Bakit sila magkasama?!"

"Baka naman paglalaruan lang 'yan ni Claude?"

Sa huling narinig ay napalingon si Claude sa mga nag-uusap-usap at tiningnan niya ito ng matalim. Natahimik sila at nawala ang mga bulungan. Oo nga naman ba't kaya nandito 'tong Ulap na 'to?

"May kailangan ka ba sa'kin, Claude?" Tanong ko no'ng natahimik siya.

"Wala naman, Raine." Nagkibit-balikat siya nang hindi tumitingin sa'kin. Well, pakialam ko naman? Ayoko lang talaga ng madaming nakatingin sa akin pero sa lagay ko ngayon ay imposible yata, kasabay mo ba namang kumain ang isang ganito kagwapong nilalang.

"Kamusta naman klase mo?" Casual na tanong niya sa'kin na para bang close kami at matagal na kaming magkakilala.

"Okay lang naman," at nagpatuloy na lang sa pagkain, ayokong makipag-usap kay Claude ngayon dahil sabaw-sabaw pa ako baka anong masabi ko. Nakakahiya naman.

"Tapos ka na kumain? Anong next subject mo, Raine? Ihahatid na kita." Alok ni Claude. Watdapak? Seryoso ba siya? Baka naman ginagago lang ako nito.

"Hindi na, okay lang, Claude. Sa SciLab kami after lunch." Nakakaloka 'tong ulap na 'to ha, infairness may pagkagentleman naman pala pero ayokong maka-attract ng atensyon kaya hindi na lang.

"Alam mo ba kung saan ang SciLab? Samahan na kita kung hindi pa." Well, sabagay first time ko sa SciLab, malay ko ba naman kung saan 'yon.
Tumango ako, "Sige, hindi ko pa rin naman kasi alam kung saan 'yon."

Kaya eto ako ngayon kasamang maglakad si Claude sa corridor habang papunta kami sa SciLab, ang daming matang nakatingin sa amin na magkasama. Gusto ko na agad lamunin ng lupa.

"May something kaya sa kanila?"

"Balita ko, target ni Claude 'yang transferee na 'yan. Laging naka-aligid sa kanya."

"Kawawa naman ang tranferee 'yan, ang ganda pa naman."

"Baka marinig tayo ni Claude lagot tayo ro'n, tara na alis na tayo."

Nakakatakot ba talaga siya? Parang hindi naman, para siyang malaking baby kapag kasama ko.

Nang makarating kami sa SciLab ay kaunti pa lang ang mga kaklase kong nando'n, buti naman pala at hindi pa ako late. Nagpaalam na rin si Claude na mauuna na siya dahil may klase pa siya. Pagpasok ko, sinalubong agad ako ng tanong.

"Anong meron sa inyo ni Claude?"

"Ba't kayo magkasama, Raine?"

"May something ba sa inyo?"

"Ikaw ata target ngayon, paglalaruan ka lang niyan Raine."

"Hindi, nagkasabay lang kami sa canteen no'ng lunch tapos nag-alok siyang samahan ako rito kasi ngayon lang ako nakapunta rito." Sagot ko sa kanila at nag-ayos na ng gamit ko.

"Oo nga pala, 'no? Bago ka nga lang pala rito. Pasensya na hindi namin nasabi sa'yo kung saan ang SciLab." Sagot ni Dhanikha sa akin. "Okay lang 'yon." Nginitian ko rin sila.

After class, as usual umuwi na ako with same routine. Nakatulog na rin ako.

Sweet dreams sa'kin!

NAGSIMULANG magtawag si Sir, by apilido pa ang bet niya. Buti na lang at Velazco ang apilido ko kaya ako ang pinakahuli sa buong klase at dahil do'n ay mas kinakabahan ako.

"Save the best for last ang peg ko." Bulong ko sa sarili ko.

Nag-umpisang magperform ang mga kaklase ko sa stage mismo ng Gym namin. Take note ISA-ISA, ayoko na. Tapos na ang karamihan sa mga kaklase ko at kaunti na lang kaming hindi pa nagkakapagperform. Matapos ang huling nagperform ay ako na ang kasunod, gusto kong lamunin na ng lupa talaga.

"Velazco, Majentha Raine," tawag ni Sir sa pangalan ko gamit ang mic, nakakahiya ang dami tuloy tumingin sa akin. Pagka-apak ko sa stage ay huminga muna ako ng malalim at sumenyas na i-play ang tugtog na napili ko. Nagsimula akong sumayaw na para bang walang pakialam sa mga nakatingin sa'kin, nasanay siguro ako sa mga events.

Rumor by IZ*ONE at Bon Bon Chocolat by EVERGLOW ang sinayaw ko, syempre with confidence dapat, nakakahiya naman kung wala. Medyo daring na may pagkahip-hop ang steps ng dalawang kanta kaya okay lang sa'kin dahil naperform ko na ito sa isang cover group event noon.

Nang matapos ang sayaw ko ay nagbow ako, nagulat ako dahil ang daming tumayo mula sa audience, maging si Sir ay nakatayo at pumapalakpak. Nagsigawan din sila at sinasabing ang galing kong sumayaw. Imbes na lumago ang confidence ko ay bumaba ito after ng performance ko kaya dali-dali akong bumaba ng stage na nakatungo. Kunin na sana ako ni Mother Earth ngayon.

After no'n ay ini-announce ni Sir ang scores namin, at ako ang nakakuha ng pinakamataas na score. Kinongratulate naman ako ng mga kaklase ko. After kasi ng P.E Class namin ay pwede na kaming umuwi, nagpahinga muna ako saglit at uminom ng tubig. After no'n ay lumabas na ako para umuwi nang harangan ako ni Claude sa daan.

"Hatid na kita, Ulan, mukhang pagod na pagod ka." Gusto ko mang tanggihan ang alok niya ngunit ang totoo ay naman na pagod talaga ako at gusto ko ng matulog. Tumango ako sa kanya, at sabay kaming lumabas patungo sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan, gentleman.

"Pwede bang ituro mo sa'kin kung saan ka nakatira, Raine?" Seryosong tanong niya o ako lang 'yon dahil sa pagod. Binanggit ko sa kanya ang address ko at bahagyang natulog sa sasakyan niya.

Naalimpungatan akong nasa tapat na kami ng bahay at nakatitig lang siya sa'kin, problema neto? Hala! Hindi kaya may kayat o muta ako sa mukha?

"Ang sarap kasi ng tulog mo kaya hindi muna kita ginising no'ng makarating na tayo rito sa inyo." Paliwanag niya, masyado siguro akong napagod.

"Salamat sa paghatid, Claude." Bumaba na rin ako sa sasakyan niya at nagpaalam na sa kanya.

"Oo nga pala, Raine. Pwede ba kitang mayaya sa lunch bukas? Wala kasi akong kasabay," sabi niya noong ibinaba niya ang bintana ng sasakyan niya.

"Kung okay lang naman." Dagdag niya na may pag-aalinlangan at dahil hindi ako nakasagot agad ay naunahan niya ako.

"Pumasok ka na muna saka ako aalis." Well, gentleman naman pala si Claude. Kahit na ba nagulat ako sa pagyayaya niya ay mas napansin ko ang pagiging gentleman niya. Pumasok na ako sa bahay at umakyat para magpalit dahil puro ako pawis, kumain na rin ako at naghugas bago umakyat muli para matulog.

"BABY! Blue's here! Are you with Soft?" Pasigaw na tanong ng gwapong si Blue, myghaadd don't tell me Raine may crush ka na agad kay Blue? So marupok.

"Soft! Where's my baby?" Pasigaw na tanong ulit ni Blue, ang hottie niya talaga shemmss.

"Oh, kuya you're here. Baby! Kuya Blue's here!" Sigaw ni Softy.

"BLUEEEEEE! I MISSED YOU, BLUE. WHERE HAVE YOU BEEN?" Pasigaw ngunit may lambing at tonong nagtatampong tanong ng bata kay Blue. Cuties.

"I missed you too, baby." Sabay dalo sa bata at mahigpit itong niyakap.

Sana all baby. Sana ako na lang 'yong baby. Sana all.

LOVE THE RAIN (CS #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now