CHAPTER 7: BONDING

23 3 0
                                    

"Sasabay si Kuya sa atin, nasa Canteen na siya para may table na tayo kaya sinundo na kita rito. Okay lang naman, hindi ba?" Okay lang naman talaga sa akin kaya lang nahihiya ako sa tuwing naaalala kong umalis ako sa bahay nila. Tumango na lang ako at naglakad na kami papuntang canteen kahit na may mga bulungan pa rin.

Pagkarating namin sa Canteen ay pinagtinginan agad kami ng mga nando'n, may gulat, naiinis, nalungkot. Inyo na! Kuya ko 'to! Mga judgemental na akala mo sobrang linis.

Nagtama ang paningin namin ni Skai kaya dumeretso na rin ako ro'n kasama si Claude.

"Buti pumayag ka Raine, akala ko kasi hindi ka papayag." Nag-aalinlangang sabi ni Skai.

Ngayon ko lang napansin, ang cute pala nilang mamula kapag ganito.

Tumawa ako ng bahagya para maibsan ang tawang gusto kong ilabas kaya lang baka mabastos ko sila.

"Bakit ka tumatawa?" 'Yon na naman ang nag-aalinlangang boses ni Kuya Skai kaya mas lalo akong natawa.

Napatingin na rin si Kuya Claude sa akin dahil sa tawa ko. Tumigil ako sandali sa pagtawa kahit na papatulo na ang luha ko para sabihin kung bakit.

"Natatawa ako kasi ang cute niyo, ngayon ko lang napansin na namumula kayo kapag naiilang kayo lalo na sa akin." Mas natawa pa ako dahil pagkatapos kong banggitin 'yon ay mas lalo silang namula.
"K-Kain na tayo." Natatawa ko pa ring sabi.

Matapos naming kumain ay walang klase at trabaho ang dalawa kong kuya kaya sinamahan nila ako sa P.E Class ko sa Gym. Ididiscuss daw ang tungkol sa project namin.

Shemaayy, oo nga pala nawala sa isip ko 'yon. Nakasunod ang dalawa kong kuya sa'kin na parang bodyguard ko sila, ang cute talaga nila.

"Mga kuya," tawag ko sa kanila na nagpatigil sa paglalakad nila at nagulat. "Huwag kayo dyan sa likod ko, nagmumukha kayong bodyguard ko rito kayo sa tabi ko." Nakangusong saad ko. Sumunod naman ang dalawa pero halatang gulat pa rin.

"Okay lang ba kayong dalawa?" Medyo nag-aalala ako kasi naman wala ni isa ang nagsasalita tapos sobrang stiff maglakad.

"D-Did you just called us 'Kuya'?" Tanong ni Kuya Skai sa akin, so 'yon naman pala ang dahilan.

Dahil ayokong tumawa kasi baka magalit ko sila, ngumuso ako na para bang malungkot "Kung ayaw niyo okay lang naman-" Nagsalita naman agad si Kuya Skai.

"No baby, okay lang. Okay na okay sa'min 'yon." Natataranta niyang sagot sa'kin.

"Uhmm, okay." Kunwari'y malungkot ako at tumalikod na sa kanila at naglakad ulit.

Inakbayan ako ni Kuya Claude habang pina-pat ni Kuya Skai ang ulo ko. Ganito kami dati, hindi ba? Ako ang Prinsesa nila.

"Baby Ulan, kung anong gusto mong itawag sa'min okay lang kasi ikaw 'yon okay? Ikaw ang baby namin." Sabi ni Kuya Claude na sapat lang para marinig ko.

Lumuwag ang pakiramdam ko sa nangyari kaya medyo masaya ako sa P.E Class namin habang nanonood ang dalawa kong kuya. Ako ang ginawa nilang leader para sa hip-hop Competition na mangyayari, nakangiting-nakangiti ang dalawa kong kuya habang nakatingin sa'kin, nung balingan ko sila ng tingin medyo namula pa ang dalawa na akala mo'y nahuli ng mga crush nilang nakatingin sa kanila.

#ProudKuyas

Matapos ang brainstorming ng buong class ay nasakin ang huling say, actually may naisip na kasi talaga ako and may mga kilala rin akong pwedeng makatulong sa'min. Well competitive ang section namin dahil umpisa pa lang ayaw ng magpatalo ng mga 'to.

After class, kasama ko ang dalawa kong gwapong kuya at nag dinner kasama nila. At hinatid na ako pauwi dahil kina Tita muna ako.

"Baby, miss na kita." Boses ni Kuya Claude habang magkausap kami sa telepono.

LOVE THE RAIN (CS #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now