CHAPTER 40 : LET GO

9 1 0
                                    

Nanghihina akong makarating sa sasakyan ni Dhanikha.

Nakakaalala na sya, natatandaan na nya ako. Dapat masaya ako dahil dun pero bakit nasasaktan ako, kung sana noon pa lang ay naalala na nya ako hindi na sana ganito ang nangyari pero nangyari na e, at hindi ko pinagsisisihang dumating sa buhay ko ang anak ko.

"Girl, kamusta? Nakuha mo na?" Nakatinging tanong nya sakin. "Bat ka namumutla? May nakita ka bang multo?"

"Multo from the past" nakunot naman ang noo nya, "Tara na, balik ka na tayo baka hinahanap na ako ng anak ko"

Ohmyghaadd, I can't believe this.

Bakit kung kailan okay na, tsaka pa sya makakaalala? I won't let him near my child, anak ko LANG si David. Now na nakakaalala na sya, I'm sure gagawin nya ang lahat makuha lang si David sakin, and I won't let that happen.

Nang makarating kami sa bahay ay una kong pinuntahan ang anak kong nakikipaglaro kay kuya Claude, niyakap ko ang anak ko at umiyak sa balikat nito.

"Baby, okay ka lang?" Iba ang dating sakin ng tawag ni kuya, pero nakakapanglambot kapag si Davin ang tumatawag sakin nun.

"Anong nangyari?" Nagulat si kuya sa itsura ko. "Fuck, namumutla ka"

"K-Kuya.." mas naiyak ako. "N-Nakakaalala na sya.. nakakaalala na si D-Davin.. K-Kuya anong gagawin ko? B-Baka kunin nya si D-David sakin.."

"Ano?!" Tumango lang ako kay kuya at mas humikbi. "Nakakaalala na sya?! Tangina?"

"A-Anong gagawin ko kuya?"

Lumapit si kuya sakin at niyakap kami ng anak ko.

"Shh, tahan na.. di ka namin papabayaan, okay?"

Maging si David ay umiyak na din. Nang biglang tumunog ang phone ko, si Driel, tumatawag.

[Ate?! Ohmyghad. Anong nangyari?!]

"Nandun sa condo ang kuya mo, nag usap k-kami"

[Ate, I swear hindi ko alam na nandun si kuya]

"Okay lang.." hikbi kong muli.

[Nasa The Bar kami ngayon ni kuya.. tinawagan nya ako at inaya] kaya naman pala maingay ang paligid.

[Naaalala ka na daw nya, ate.. umiiyak at nagpapakalasing dahil ang tanga tanga daw nya.. anong gagawin ko, ate?]

"Iuwi mo na lang, hayaan mong mag isa"

[Ate.. anong pinag usapan nyo, hindi sa nanghihimasok ha? Kanina pa kasi si kuya umiiyak sa cellphone nya at picture mo, kanina pa sya 'sorry ng sorry' sa harap ng picture mo]

"Naaalala na nya ako.."

[Tinanggap mo ba ulit sya?] Nag iingat na tanong ni Driel.

"Bakit sya naglalasing ngayon?"

[Fuck]

"Iuwi mo na yan, wala syang mapapala kung maglalasing sya"

[Ate, he's calling for you. Hindi daw sya aalis dito nang wala ka]

"Driel, please? Kaya mo na yan"

[Ate.. kahit ngayon lang.. parang awa mo na, kahit hindi na para kay kuya, para sakin na lang. Inilihim ko ang totoo sa aksidente, pinagbigyan kita. Pagbigyan mo din naman ako]

"..fine, pupuntahan kita"

After the call, pinahid ko ang luha ko na para bang di ako nasaktan at walang nangyari.

LOVE THE RAIN (CS #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now