CHAPTER 43 : LAID

12 1 0
                                    

Happy 7th Anniversary to BTS 'NO MORE DREAM'
And Happy 7th Anniversary to BTS AND ARMY
For my CO-ARMY, STREAM WAB: THE ETERNAL
I PURPLE YOU EVERYONE 👉💜👈

Also Hi to UnboundedByHisLove, Enjoy reading!

LET'S GET TO THE STORY!!

RAINE'S POV

After kumain ay naglaro ulit sila Davin at David, this time sa sala na lang dahil nanonood kaming cartoons. Namana ng anak ko 'to sakin na maganda nyang mommy.

"Pretty, kailan mo ba ako sasagutin?" Pangungulit ni Davin sakin habang karga ang anak

"Kapag may anak na mga kuya ko"

"Pano kung may tinatagong anak pala mga kuya mo, baby dapat sagutin mo na ako"

"Bading ka ba, Leverson? Napaka ingay mo"

"Baby, hindi ako bading at may bayag ako. Naanakan nga kita di ba? Gusto mo na bang sundan natin?"

Gago talaga 'tong lalaking 'to, bakit ba sya ang tatay ng anak ko?

"Tigil tigilan mo 'ko, Davin. Kung ayaw mong may maputol na parte ng katawan mo"

"Baby, No. Kapag pinutol mo 'to, wala nang magpapaligaya sayo gabi gabi kapag kasal na tayo" tinakpan nya ang pagkalalaki nya.

Nangliit naman ang mga mata ko, gago talaga 'tong isang 'to.

"Hindi yan ang plano kong putulin pero binigyan mo 'ko ng ideya, tsaka kahit putulin ko yan masaya ako dahil nasakin ang anak ko"

"Ang sama mo talaga sakin, pretty"

"Sinabi mo pa"

"Yoww love birds" singit ni kuya Claude. "Tama na kakanood ng cartoons, nakakasawa na. Btw, samin na muna si David. Lumayas muna kayong dalawa dito" dagdag ni kuya.

"At bakit ko naman ihahabilin sa inyo ang anak ko?" Pagtataray ko, may pinaplano 'to si kuya kaya ganyan e.

"Dali na baby ang daming arte, di ka na maganda"

"How dare you kuya! Maganda ako, ikaw 'tong mukhang unggoy"

Di ako sinagot ni kuya bagkus ay nabaling kay Davin ang paningin.

"Nabuntis mo na naman ba 'tong kapatid ko?"

WTF?

"Claude, ni hindi ko nga mahalikan si pretty, galawin pa kaya? Mag isip ka nga. Ang utak pinapagana, hindi tinatambak" sagot ni Davin.

"Tss, akin na pamangkin ko" kinuha naman ni kuya si David sa ama. "Magsama kayong dalawa, bagay nga kayo. Layas"

At iniwan kaming dalawa ni Davin.

"Pretty, tara"

"Saan naman, aber?"

Manonood na lang ako ng cartoons dito hanggang sa ibalik nila si David sakin.

"Date tayo" ngiting ngiti naman si mokong.

"Saan naman?"

"Kahit saan mo gusto"

"Sure. Tara sa Amusement Park"

DAVIN'S POV

Kinausap ko ang pamilya ni pretty na magdadate kami nang kaming dalawa lang muna. Kaya naman kinuha ni Claude sakin si David at naiwan kaming dalawa ni pretty.

LOVE THE RAIN (CS #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now