CHAPTER 10 : DEBUT

18 2 0
                                    

Kung ano anong ginawa naming tatlo, nagvideoke at napakaganda ng boses nila, pumunta rin kami sa ice cream shop at nagliwaliw sa isang park, sama-sama na rin kaming nagdinner.

Habang naghihintay sa food namin ay naramdaman kong nagvibrate ang phone ko.

xai_skai tagged you in his post.

'bonding with my beautiful baby @maj_raine'

Ang unang picture ay nasa canteen pa lang kami, no'ng nagrereview ako. Ang pangalawa ay no'ng nasa videoke kami at ngiting-ngiti ako sa kanila. Noong nasa ice cream shop din kami at tuwang-tuwa ako sa chocolate ice cream na nasa harap ko. Noong nakatayo ako sa lilim ng isang puno sa park dahil sa init at ngayon ngayon lang na magkasama kami for dinner.

_jclaude tagged you in his post.

'I'm happy seeing you smiling baby @maj_raine'

Gano'n din ang flow ng mga pictures, napaka cute talaga nitong mga kuya ko.

MONTHS after, maayos naman ang lahat, same routine hindi naman nakakapagod dahil nag-eenjoy ako.

Natapos ko ang 3rd year ko, habang si Kuya Claude ay graduate na. Lumipat na rin ako sa bahay ng mga Costillano kung nasaan ang pamilya ko.

BAKASYON

Nakahiga ako ngayon dito sa kama ko at nag-iisip. Ang dami na palang nangyari simula nang malaman ko ang totoo. Muntik na akong mabully noon dahil palagi kong kasama sina Skai at Claude, buti na lang at nahandle naman ng maayos.

Nang makaramdam ako ng gutom ay bumaba na ako, naabutan ko si Papa na nagbabasa ng dyaryo, si Mama na busy sa mga papers sa harap niya, si Kuya Skai na busy sa harap ng laptop niya at si Kuya Claude na busy sa PSP niya.

Dumeretso ako sa kusina para kumain, sumunod naman sila sa akin para kumain na rin.

"Raine anak anong balak mo sa birthday mo?" Tanong ni Mama sa akin.

"Debut mo na anak, hindi ba?" Tanong naman ni Papa.

"Gusto mo ba iha rito na lang tayo sa bahay magcelebrate ng debut mo?" Tanong naman ulit ni Mama.

Hindi ako makasingit kasi puro sila tanong, napansin naman iyon ni Kuya Skai.

"Ma, Pa, pasagutin niyo muna si baby. Napepressure si baby sa inyo." Sabi ni Kuya Skai.

Hulog ka ng langit gwapo kong kuya mwuah!

"Gusto ko po sana ng normal na debut, iyong mga 18 rose, 18 dance gano'n hehe hindi naman po kailangang engrande."

"Payag ako sa gusto mo anak pero hindi pwedeng hindi engrande ang debut mo." Sambit agad ni Mama

"How about a masquerade theme debut party, Raine?" Singit ni papa

Actually maganda ang idea ni Papa, i like it.

"Maganda nga po iyon, 'pa."

"Then we'll have a masquerade theme debut party for my daughter." Ani Papa.

"Ako na ang bahala sa lahat ng kailangan." Sambit naman ni Mama.

"'Ma pwede po bang ako ang pumili ng susuotin at mask ko?" Hindi naman sa wala akong tiwala kay Mama pero wala talaga akong tiwala kay Mama pagdating sa damit.

"No problem iha"

DEBUT DAY

"Kuya sino-sino ang invited?"

"Family friends and some business partners, baby. Invited din ang ilan sa mga classmate mo last school year." Sana wala rito ang pokpok na si Phamella, baka kaladkadin ko lang 'yan palabas.

LOVE THE RAIN (CS #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now