CHAPTER 33 : POSITIVE

7 1 0
                                    

Nasa harap na ako ng bahay namin nang umulan ng malakas, nice ulan na naman.

Nagsisimula na akong kamuhian ang ulan na yan, ang pangalan kong 'Raine', ang beach at park, lahat ng may koneksyon kay Axh ay nagsisimulan kong kamuhian.

Pinagbuksan ako ni kuya Claude at kitang kita ko ang gulat sa mga mata nya, napalitan ito ng galit nang makita nyang mugto ang mga mata ko.

"Anong nangyari sayo?!" Galit na si kuya. "Fuck. Kuya Skai! Nandito si baby!" Nandito si kuya Skai?

Nang makita ako ni kuya Skai ay sinugod nya ako ng yakap, si kuya Claude naman ay nakamasid lang at malalim ang iniisip.

"Baby.. Shh, tahan na nandito na si kuya.."

"Baby anong nangyari? Basang basa ka at umiiyak.. na naman.."

"Care to tell kuya what happened?"

Hinigpitan ko lang ang yakap kay kuya Skai, nanghihina ako. Iniiyak ko lahat ng sakit sa harap ng mga kuya ko, di nila ako iniwan.

Sila ang sandalan ko, sobrang sakit ng nararamdaman ko. Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit.

Simula umpisa nandyan palagi sina kuya para sakin, para suportahan ako, gabayan, pangaralan, asarin at patahanin. Bago pa man dumating si Axh sa buhay ko, mga kuya ko na ang kasama ko at kahit kailan di nila ako iniwan at pinabayaan.

Nang makapagpalit ako at makapag ayos kahit na mugto pa din ang mata ko ay kinaya kong harapin ang pamilya ko, nakita ko ang lungkot sa mga mata nila.

"Iha.. ano bang nangyari?" Maging si Mama na sobrang masayahin ay naging malungkot dahil sakin

"Anak, kahit ano mang mangyari alam kong alam mong nandito lang kami para sayo" pinipigilan kong umiyak ulit dahil sa sinabi ni Papa.

"Ma.. Pa.. ang sakit sakit na po" at dun bumagsak ang mga luha ko. "Durog na durog na ako, di ko na po alam ang gagawin ko. Ang hirap at ang sakit makitang masaya na yung taong mahal ko sa iba habang ako nagdurusa pa. Umaasa akong maaalala nya ako pero ngayon wala na akong laban" walang umiik sa kanila, maging sina kuya ay tahimik at nakikinig lang.

"Kinaya ko naman nung una e, pero ayoko na po suko na ako. Tatanggapin ko na lang na di na ako maaalala ni Axh at mahal na mahal nya si Agatha kahit masakit para sakin yun. Mahal ko yung tao, mahal na mahal ko pero ang sakit sakit na ng nararamdaman ko, parang pinipiga ang puso ko kapag nakikita ko sila at dinudurog ang puso ko kapag naghahalikan sila. Ako dapat yun e, ako dapat yun"

"Sabi ko ipaglalaban ko sya kasi mahal ko sya at maaalala din nya ako pero.." kinukulang na ako sa hangin, "pero durog na durog na ako, ako yung fiancé nya. Ako yung taong mahal nya pero nasa iba sya. Sa kagustuhan kong di sya masaktan o mapano kung ipipilit kong alalahanin nya ako, ganun naman kasakit yung balik sakin ng desisyon ko. Masaya na yung taong mahal ko, may mahal na syang iba at higit sa lahat.." napatingin sila sakin, malungkot ko silang ningitian. "Di na nya ako maalala"

3 linggo matapos ang nangyari ay di na muli ako nagpakita kay Axh at maging kay Driel. Laging tumatawag si Driel sakin pero di ko yun sinasagot, wala naman ng dahilan para makipag usap sa pamilya nila. Tapos na, kakayanin ko pero masakit pa din.

Isang umaga nagising akong tumatakbo sa banyo para magsuka,matapos ay hilong hilo ako at nanghihina. Wala naman akong kinaing panis o sira na, di na din ako nag iinom.

Di pa ako dinadatnan, hindi kaya..? Nope, napaka imposible.

Pagkababa ko ay naabutan kong nakahanda na ang almusal, pagkaupong pagkaupo ko palang ay nakaramdam na naman ako ng pagsusuka. Isinuka ko iyon sa lababo.

"Baby, okay ka lang?" Nag aalalang tanong ni kuya Skai sakin.

Tumango ako at inayos ang sarili, ano bang nangyayari sakin?

"Uhmm, k-kuya Claude" nabaling ang atensyon ni kuya sakin. "P-Pwede bang paki alis yung sinangag, ang baho kasi" naamoy ko na naman yun at nagsuka.

Tarantang inialis yun si kuya sa mesa at inilayo mula sakin.

"Baby" seryosong tawag ni kuya Skai sakin. "Answer me, buntis ka ba?"

Buntis ba ako? Hindi ko alam ang sagot dyan.

"Done baby, okay ka lang ba?" Dumating si kuya Claude kaya di ko nasagot si kuya Skai

"Okay lang kuya, ang baho lang kasi talaga nung sinangag. Pasensya na"

"No baby, it's okay"

"Kumain na tayo"


Makalipas pa ang isang linggo ay mas naghinala na ako sa sarili ko, tuwing umaga kasi ay ginigising ako ng pagsusuka at ayokong nakakaamoy ng bawang.

Maging si kuya Skai ay naghihinala na din at binabantayan ang kilos at reaksyon ko, di kaya buntis nga ako? Para makasigurado ay bumili ako ng pregnancy test.

Binasa ko ang instructions at sinunod iyon. Nasa CR ako ngayon at ginagawa ang test, hinihintay ang resulta.

Di ko alam kung matutuwa ako sa resultang nakita ko.

Two lines.

Positive.

Buntis nga ako, at si Axh ang ama ng ipinagbubuntis ko..

Dinner nang balakin kong sabihin sa pamilya ko ang natuklasan ko, kinakabahan ako sa kung anong mangyayari at iisipin nila. Baka mapalayas ako ng wala sa oras.

"Iha, namumutla ka ata, okay ka lang ba?" Napatingin naman sakin ang lahat dahil sa tanong ni Mama

"Ma.." tumikhim ako at huminga muna ng malalim. "May sasabihin po ako.."

"Ano yun anak?" Si Papa na ang nagsalita ngayon at mas kinabahan ako sa katahimikan. Lahat naghihintay sa sasabihin ko.

"Buntis po ako.." basag ko sa katahimikan. Inilapag ko sa mesa ang pregnancy test ko na napayuko na lang, ayokong makita ang reaksyon nila.

"I-Iha.. totoo ba 'to? Di mo kami pinaprank?" Di na ako nagsalita, natatakot ako.

"M-Magiging lolo na ako.." mahina ngunit bakas ang kasiyahan sa sinabi ni Papa

"Magkakaapo na tayo" masayang tugon ni Mama dun ako napaangat ng tingin sa pamilya ko, nakangiti ang mga magulang ko habang ang mga kuya ko ay seryoso

"Sinong ama nyan?" Malamig na tanong ni kuya Claude sakin, di ko sinagot ang tanong nya.

"Baby" bakas ang galit sa tono ni kuya Skai

"S-Si.. Axh" narinig kong nagmura ang mga kuya ko natigil lang dahil sinaway ni Mama

"Walang dapat makaalam nito" seryosong seryoso si kuya Skai. "Sa US ka muna mamalagi habang pinagbubuntis mo ang pamangkin ko, di ko hahayaang malaman 'to ng tanginang Leverson na yan"

"Ako na maghahanda ng papeles mo" dagdag ni kuya Claude. "Dun ka muna sa vacation house natin sa US habang inaalagaan mo sa sinapupunan mo ang pamangkin ko, di ko sasabihin 'to kay Axh. Mamatay man sya"

Napaiyak ako sa sinabi ng mga kuya ko, akala ko magagalit sila sakin, akala ko mapapalayas ako dito.

A-Akala ko.. magagalit kayo sakin" hagulgol ko, di ko inaasahang poprotektahan ako at ilalayo ako ng mga kuya ko dito para lang di malaman ni Axh na buntis ako at sya ang ama.

LOVE THE RAIN (CS #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now