CHAPTER 5: REVELATION 2

26 4 0
                                    

Lumapit bigla sa'kin si Mrs. Costillano, lumuhod sa harap ko habang humahagulgol at humihingi ng tawad. Tinuring kaya nilang masama si Mama kaya humihingi sila ng tawad ngayong patay na ito?

"R-Raine a-anak... I-I'm sorry iha a-anak." Hikbing sabi ni Mrs. Costillano.

"A-Anak? Pasensya na po Mrs. Costillano p-pero nadala na po ba ako ni Mama rito noon? Hindi ko po kasi maalala." Baka kasi dinala na ako ni Mama rito at anak na rin ang turing niya sabakin, siguro kaya napapanigipan ko ang bahay na 'to kasi galing na ako rito noon at kalaro ang batang babae.

"Nandito po ba si Scarlette?" Dugtong kong tanong na ikinagulat nila.

"Naaalala mo si Scarlette?" Tanong sa'kin ni Skai na namumula na ang mga mata.

"Kilala mo si Scarlette?" Tanong din sa'kin ng nagpipigil na luha na si Claude.

"Hindi," sagot ko. "Pero kasi napapanaginipan ko ang bahay na 'to at may batang babae na ang pangalan ay Scarlette." Paliwanag ko sa kanila.

"Ma, Blue, Soft, uminom muna kayo ng tubig at kumalma, okay?" kalmadong tugon naman ni Mr. Costillano sa kanila-weytt!

"B-Blue? Soft? K-Kayong dalawa yun ni Skai at Claude?" Nagigimbal ako, sandalii hindi ko maprocess.

"Naaalala mo na ba, Raine?" Umaasang tanong ni Skai sa'kin.

"Raine... kami ang pamilya mo. Ikaw si Scarlette iha."

A-Ako? Punyeta? Tangina? Secret camera ba 'to? Prank? Kasi shemay hindi nakakatuwa.

Lalabas sana ako dahil hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila. A-Ako? A-Anak nila? Palabas na ako nang biglang dumilim ang lahat at nabuwal na ako.

"Baby Scarlette, come here baby dalii I have something for you." Malambing na sabi ni Blue sabakin.

Dali-dali akong tumakbo papalapit sa kanya at yinakap siya "What is it Kuya Blue?"

At nilabas niya ang dala-dalang ice cream.

"It's chocolate flavor, baby." Imporma niya sa akin, kaya naman nagtatalon na ako sa saya.

"YEYYYYYYYY! Where's Softy nga pala Kuya? I miss him na." Nakapout kong sabi.

"He'll be here baby... Oh there he is." Sabay turo, napalingon naman ako kung saan pumasok si Soft at sinalubong ko siya ng yakap.

"I MISSED YOU SOFTYY!" At mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya, natawa naman siya sa ikinilos ko. Pumasok na rin si Mama at Papa, yinakap ko rin sila.

"We missed you too, baby." Malambing na sabi ni Papa habang magkayakap kami.

"You guys won't leave me here alone, anymore?" Malungkot kong tanong, paano ba naman kasi palagi akong naiiwan mag-isa rito sa bahay.

"That's not how it works, baby, you know Mama and I have work. Your Kuyas have summer classes that's why you're here alone for the whole vacation, but, hey baby, I promise you on your birthday we'll go on a trip, okay? Huwag na ikaw tampo, please? Babawi kami sa birthday mo." Wala naman akong choice kundi ang tumango, never naman kasi nilang sinira ang promises nila.

"Okay Papa, but I have a place where I want to celebrate my birthday. Can we go there instead of a party?" PLEASE PAPA
"Okay, okay where is it baby?" YESS I KNEW IT!

"Jhennaline, paki-asikaso nga muna si Scarlette saglit. Magbibihis lang kami." Singit ni Mama.

"Opo, ma'am. Lika rito Scarlette, pag-isipan natin kung saan mo gusto para hindi ka na mahirapang magpaliwanag kina Mama mo pagkatapos nilang magbihis." Nakumbinsi niya naman ako.

LOVE THE RAIN (CS #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now