CHAPTER 39 : 'BABY'

11 1 0
                                    

DAVIN'S POV

Raine is back, san naman kaya sya nanggaling? Dalawang taon akong walang balita sa kanya, tapos pagbalik nya may pamangkin na ako sa kanya, I mean she's my friend isn't?

Napakacute ng baby nya, ang suwerte ni Dhaeyve, akala ko pa naman si Dhaeyve at Criesthal, mali pala ako.

Pero nang makita kong nakayakap si Dhaeyve kay Criesthal ay kumulo ang dugo ko, may anak sila ni Raine tapos nambababae sya? Kawawa yung bata paglaki nya, pero bakit parang wala lang kay Raine? Hinahayaan lang nya ang dalawa na maglampungan sa tabi nya.

Pagkaalis ni Raine dito sa garden ay sakto namang bumuhos ang ulan kaya pumasok na din ako, nakasalubong ko si kuya Skai.

"Umakyat ka na sa taas, nandun ang kuwarto mo, nakahanda na"

May kuwarto ako dito? Balita ko din may kuwarto si Raine sa bahay mismo namin, ganun siguro kami kaclose.

"Ihahatid na kita, para makapagpahinga na din ako"

Sumunod ako kay kuya Skai papunta sa isang kuwarto.

"Yan ang kuwarto mo" turo nya sa pintong nasa tabi ko. "Pumasok ka na at magpahinga"

Umalis na si kuya Skai at pumasok ako sa kuwarto.

Bakit parang pamilyar sakin yung kuwarto? Alam kong kuwarto ko 'to dito pero bakit parang may iba?

Malinis ang paligid, walang dumi, talagang inihanda.

Paghiga ko sa kama ay nawindang at sumakit ang ulo ko.

"Hoyy little boy, bumangon ka na dyan, ready na ang breakfast"

"5 minutes, pretty, please?"

"Bahala ka dyan, lagot ka kay mama at kay tita"

"Tss, oo na. Susunod ako"

Blurred faces, familiar voices. Fuck.


RAINE'S POV

Bachelor's Party ni Davin ngayon at napagisipan kong kunin ang mga naiwan kong gamit sa condo nya, mga importante kasi ata ang iba sa mga yun.

Perfect timing din dahil walang tao sa condo at naitago ko ang key card nya in case nagpalit sya ng code.

Nandito ako ngayon sa sasakyan ni Dhanikha at papunta kami sa condo ni Davin para sa plano ko.

Napakaperfect timing naman kasi umuulan --note my sarcasm. May trauma na ata ako sa ulan.

[Hello ate?] Sagot ni Driel sa tawag ko

"Nasa bachelor's party ka na?"

[Oo ate, bakit?]

"Walang tao sa condo ng kuya mong gago?"

[Wala ate, sabi ni kuya 3 hours ago pupunta sya baka kasama si Agatha ngayon bago pumunta dito]

Tumango na para bang nakikita nyang naiintindihan ko ang sinasabi nya. "Good"

"Bakit ate?"

"Nandito ako ngayon sa buildinh ng condo ng kuya mo, kukunin ko yung mga naiwan ko pang gamit, baka importante. Naihabilin ko naman si David kay Criesthal at Dhaeyve"

"Nasayo pa key card mo?"

"Yup, naitago ko"

"Sige, ingat ate"

LOVE THE RAIN (CS #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now