CHAPTER 2

50 7 1
                                    

CHAPTER 2

Kinabukasan, walang kakaibang ganap sa school. Nagpasa lang kami ng index card namin sa mga Prof namin saka discuss ng kaunti mula sa syllabus.

Break time, natuto na ako. Iniwasan ko ang inupuan ko kahapon na pwesto raw ng mga dugyuting jejemong sina Mak. Sakto namang pagbaling ko sa isang upuan ay nabangga ako at tumapon ang pagkaing binili ko sa sarili ko habang natumba ako. Ang init pa namang no'ng kanin at ulam, panira ng araw.

"Miss sorry, ikaw kasi, hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo." Sabay abot ng kamay.

So, kasalanan kong bigla siyang sumulpot? Kasalanan ko pa pala. Kairita.

Nagulat akong makita si Claude na nakalahad ang kamay sa'kin para tulungan akong tumayo. Buti na lang P.E next subject ko after lunch makakapagpalit ako kahit papaano, pero gutom na ako at wala na akong extra money para sa pagkain ko.

Tinanggap ko ang kamay niya para makatayo na ako, dahil pinagtitinginan na naman ako ng mga tao. Nakakahiya.

"Pasensya na, hindi ko napansin na nandyan ka pala." Sabi ko kahit sa totoo lang ay bigla siyang sumulpot do'n kaya nagulat din ako.

"Hindi ako nakapagpakilala ng maayos sa'yo kahapon." Wow may gana pa siyang magpakilala sa'kin ngayon, gayong napapaso pa ako sa init no'ng pagkaing natapon sa'kin. The stress level, I can't.

"Jacobe Claude Costillano," naglahad na naman siya ng kamay sa'kin.

Anong gagawin ko sa kamay mo? Isasangla ko? Pero ayoko namang masabihang walang modo.

Tinanggap ko ang kamay niya para makipagshakehands, pero hindi ko binanggit ang pangalan ko. Siya lang naman gustong makipagkilala, hindi ako. Pagtapos ay binawi ko ang kamay ko kaya medyo nagulat siya, gusto ko na umalis do'n para makapagbihis na ako dahil nanglalagkit na ako.
Kung babayaran lang niya sana ang pagkain ko, makakakain pa ako at mabubusog.

Malungkot akong tumitig sa natapon na pagkain, sayang talaga. Gutom pa naman na ako.

"Sandali," pigil niya sa akin kaya napalingon ako sa kanya na para bang na-amaze siya sa'kin.

"Hindi mo pa sinasabi ang pangalan mo." Kapal naman pala ng apog nitong lalaking 'to.

"Hindi mo naman kasi kailangang alamin ang pangalan ko, Claude." I even emphasized his name. Natawa naman siya sa sinabi ko, baliw na siguro 'to.

"Pangalan lang miss, gusto ko lang malaman ang pangalan mo." Ang kulit niya talaga, 'no? Then fine, para matigil na siya sa pangungulit sa'kin.

Wow, haba ng hair ang peg mo, Raine.

"Majentha Raine Velazco, satisfied?" Hindi ko maalis ang pagkasarcastic ko ro'n, well okay lang wala rin namang gaanong tao.

Nataea naman si Claude, "Nice to meet you then, Raine, by the way bibili akong lunch, anong gusto mo? Pambawi ko na lang sana sa natapon mong food." Wow bumabawi, sabagay kasalanan naman niya. Now we're talking.

Food is life.

"Kung ano na lang ang natapon." Natawa naman siya sa sagot ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Choosy pa ba ako? Gutom na rin naman ako.

"Sige hintayin mo ako rito, Ulan." At natatawa siyang umalis. Kailan pa naging Ulan ang pangalan ko? RAINE?! ULAN?! SERIOUSLY?! SIYA NGA ULAP! NAKAKAIRITA!

Pagbalik niya ay inilahad niya sa akin ang pagkain ko, wala na akong pakialam sa kanya kaya kumain na lang ako. Binilisan ko na rin para makapagpalit ako kaagad ng damit. Pagkatapos kong kumain ay dali-dali akong tumayo, aalis na sana ako nang maalala kong hindi pa pala ako nagpapasalamat sa kanya.

"Salamat pala sa lunch, Ulap. Kahit kasalanan mo naman talaga." Diniinan ko ang pagkakasabi ng Ulap at dali-daling umalis.

Ayokong malate!

NAKAKALOKA ang P.E Class namin. Seriously? Sayaw? Well confident naman ako pagdating sa mga sayaw pero sa harap ng maraming tao na hindi ko naman kilala? Huwag naman sanang individual. Kung pwede lang ibagsak ang subject na 'to ginawa ko na.

"Okay class, next P.E Class. I need you to prepare for a Dance number." Pagkasabing pagkasabi ni Mr. De Jesus ay maraming bulungan, nakakaloka parang ayoko na agad.

"Remind you, that this is an INDIVIDUAL ACTIVITY." Dagdag pa ni Sir kaya nawindang ako lalo ng todo, individual... ayoko na.

"After that we'll processed to your FIRST PROJECT." anuedaw? So hindi pa ito ang project namin, gano'n?

"And also, sa Gym ang performance niyo dahil kailangan ng audience and if magustuhan ko o ng ibang judge ang sayaw niyo. We'll request for a freestyle of random song. Pero kapag minali-mali niyo o pinapangit niyo ang performance niyo, tatagilid kayo sa P.E kaya do your best, okay? Class Dismissed."

Sa Gym talaga? Freestyle? Ayokong bumagsak pero ayoko ring makita ang mga mapanghusgang mata.

After class ay umuwi akong lutang at nag-iisip kung akong ipeperform ko sa P.E next meeting, kasi naman bungad na bungad si Sir nakakaloka. Pagpasok ko sa bahay ay nagrap na naman kaagad si Tita, ano bang bago sa kanya? Pagnatahimik naman siya ay naninibago ako, ibig sabihin no'n may sakit siya.

Umakyat ako para magpalit at magpahinga na, nadrain ata utak ko kakaisip sa P.E class. Ano bang ipeperform ko?

"Mag Gashina kaya ako para medyo daring? Or hindi kaya ay Rollercoaster? Pwede rin namang Hard Carry ng Got7 or hindi kaya Likey ng Twice? Kung Boy With Luv kaya tutal ARMY naman ako? Baka pwede ring Bon Bon Chocolat ng Everglow?" Nababaliw na yata ako, kinakausap ko na naman ang sarili ko.

MAAGA akong pumasok ngayon kahit na lutang pa rin ako dahil sa P.E namin, habang papunta akong room ay may nakabangga sa akin na hindi ko napansin dahil sabaw-sabaw talaga ako ngayon.

"Sorry, Ulan." Boses ni Claude. Nilagpasan ko lang siya dahil wala ako sa mood makipag-asaran sa kanya ngayon, puyat ako dahil sa P.E class at gusto kong matulog.

Pagdating ko sa room ay medyo maingay silang naghihintay sa Prof namin, buti na lang matapos ang ilang minuto ay sinabing wala ang Prof namin ngayon kaya imbes na mag-isip sa P.E class ay natulog ako.

"Scarlette baby, come back here baka mapano ka." Rinig kong tawag ng isang boses. Naaninag ko rin ang isang batang lalaki.

"No kuya, catch me." And the girl giggled.

The boy laughed as he chase for the baby girl named Scarlette.

"Got yah," buhat ng lalaki sa bata habang tumatawa ito.

"Kuya, Where's softy?" Nagpacute naman ang batang babae sa lalaki.

"Softy's upstairs baby, why?" Nanlalambing na tanong ng lalaki sa bata.

They look so adorable.

"Nothing kuya.. uhm I want some ice cream, kuya, can I have some? Please?" Nagpuppy eyes pa ang bata kaya walang nagawa ang lalaki.

"Okay, okay baby, but no chocolates for you. You'll have Cookies and Cream, okay?"

"Uhm..." Nagdadalawang isip pa ang bata kaya natawa ang lalaki.

"If you don't want then no ice cream for Scarlette." Ngisi noong lalaki.

Nanlaki ang mata ng bata. "No! I'm fine with Cookies and Cream, kuya." then pout.

"You're so cute baby, let's catch softy upstairs and eat ice cream together."

Nagising ako dahil sa kaklase ko na inuga ako para magising dahil next class na raw kami.

"Raine, gising na. Next class na."
Sabi ni Criesthal sa akin.

"Uhm, sige salamat sa paggising sa'kin, Criesthal." At inayos ko ang sarili ko para sa next class.

Hindi naman gano'ng nakakaloka ang next subject namin. Math lang naman at dahil sabaw-sabaw pa ako at kakagising ko lang, hindi ko magets ang lesson namin sa math, buti na lang at walang kung anong pinagawa at nakakasagot naman ang iba sadyang hindi ko lang magets ngayon sa sobrang kasabawan at medyo inaantok pa.

I hate math!

LOVE THE RAIN (CS #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now