CHAPTER 30 : GIRLFRIEND

11 1 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas simula ng makalabas si Axh sa ospital pero wala pa ding progress sa memories nya. Nandito kami ngayon sa condo nya at nagtatanong kung bakit dito din ako nakatira.

"Sabi nina tito at tita, samahan kita dito para may magbantay at magalaga sayo"

"Kung ganun para tayong boardmates?"

"Oo"

"Bakit nasa kuwarto ko ang gamit mo?" Natigilan ako sa tanong nya, isip Raine.

"Namali lang ako ng lagay sa mga gamit ko, akala ko kasi kuwarto ko. Ililipat ko na lang sa katabing kuwarto"

Nakakamiss kayakap sya pero kailangan kong magtiis, tutal kasalanan ko naman kaya dapat lang sakin 'to.

Isa loob ng isang buwang magkasama sa condo nya, nakakasuffocate pero di ko sya magawang lisanin dahil kasalanan ko kung bakit kami ganito ngayon. Ako nagluluto, naglilinis at gumagawa ng gawain dito sa condo. Sa ibang kuwarto na din ako natutulog at ni minsan di na ako pumasok sa kuwarto namin--niya.

Pinayagan ako nina kuya na wag munang magtrabaho para maalagaan si Axh dito sa condo.

Nananahimik akong nanonood ng cartoons nang pumasok si Axh at nakangiting nakangiti ang bungad sakin. Naalala na nya kaya ako?

"Heyy Raine, I have a good news" ito na kaya ang hinihintay ko? Naaalala nya na ako?

"Spill" tinatago ko ang eksaytment ko

"I have a girlfriend!" What? Nakakagulantang ng mundo, sana namali lang ako ng rinig

"Wait, what? A girlfriend?"

"Yeah" todo ngiti pa sya, ang sakit. "Aren't you happy for me?"

"I-I'm happy for y-you.." I lied, I'm not happy. I'm hurt. Kung pwede lang sanang sabihin sa kanya na ako ang fiancé nya, ginawa ko na. Isang buwan pa lang ang nakalipas simula ng maaksidente sya tapos ngayon may girlfriend na sya? Ni hindi nga ata sya nagaabalang alalahanin ang mga alaala nya.

"Sa k-kuwarto lang ako" fuck, pumiyok pa ang boses ko. Wag kang iiyak Raine, keri mo 'to.

Pagkapasok ko sa kuwarto ay tinawagan ko si Driel.

[Hello? Ate?]

"D-Driel?"

[Anong nangyari? Umiiyak ka ba ate? Bumalik na ba alaala ni kuya?] San nga yun na lang Driel, Sana.

"Totoo ba?"

[Huh? Alin?]

"May g-girlfriend na kuya mo? Please be honest with me Driel"

Natahimik ang kabilang linya, at muling nagsalita si Driel na ikinadurog ng puso ko

[Oo ate.. bumalik si Agatha at nagpakilalang girlfriend ni kuya, alam mo namang wala pang maalala si kuya kaya naniwala sya]

Kung sana sinabi ko na lang sa kanya na fiancé nya ako, pero di ako selfish, ayokong makitang nahihirapan sya.

"S-Salamat Driel"

[..Anong plano mo ate? Tutulungan kita]

"Wala Driel, salamat" at pinatay ko ang tawag. 'Bumalik si Agatha' yung babaeng nasa video at pakiramdam ko sya din ang nagsend sakin ng video

Iniiyak ko ang sakit na nararamdaman ko at nakatulog ako.

Nagising ako sa iyak ng cellphone ko, sino ba 'tong tumatawag? Epal naman.

LOVE THE RAIN (CS #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now