CHAPTER 31 : FINALLY

7 1 0
                                    

Nagising akong masakit ang ulo ko, fuck hangover.

Nilibot ko ang paningin ko at napansing nandito ako sa kuwarto ni Axh--KUWARTO NI AXH?! Napalingon naman ako sa tabi ko nung may gumalaw dun, si Axh. Tangina?

Ang huling natatandaan ko nasa dance floor ako ng The Bar, pano ako nakauwi? Si Axh ba nag uwi sakin? Bakit niya gagawin yun? Di sya inimbita ng crew para sakin.

Umalis ako sa kama nya at nagtungi sa kusina, I need to be hydrated. That's the first time kong magwalwal, dahil palagi kong kasama si Axh kapag may inom ang crew kaya di ako makapaginom.

Ngayon hinihiling ko na sana makalimot din ako, ang sakit isiping saming dalawa ako na lang ang nakakaalala kung ano kami noon. Gusto kong bumalik ang mga alaala nya para malaman nyang ako talaga ang mahal nya, pinipigilan ko lang ang sarili kong gawin yun dahil mapapahamak sya.

"Don't you ever get drunk again" matalim na boses ni Axh

Masakit pa ang ulo ko at umagang umaga ganito ang bungad nya sakin, nakakapang init ng dugo. "Ano bang pakielam kung maglasing ako? Sino ka para pagbawalan ako?" Nanliit ang mga mata nyang nakatingin sakin. "We're living in the same condo, you're my responsibility"

"Responsibility? Really?" I sarcastically said "Hindi ba kaya ako nandito ay dahil ikaw ang responsibilidad ko?" Natahimik naman sya "Kung sana lang naaalala mo kung ano ako sa buhay mo" mahinang bulong ko

Nasasaktan ako, nang malaman kong sila na ni Agatha, nadurog ang puso ko. Di ko inaasahang mangyayari yun dahil ginawa ko naman lahat para sa kanya, ako yung nandito para sa kanya kahit pa ang sakit sakit na dahil di nya ako maalala.

Nasaktan ako.

Sobra sobrang sakit, kung durog na ako nung maaksidente sya ngayon pinong pino na dahil di nya ako maalala. Nakakamiss din pala ang sweet na Axh, ngayon kasi friendly lang sya sakin. Sana maalala mo na ako Axh.


Sa loob ng 2 buwan ay palaging bumibisita si Agatha dito sa condo, grabe makabakod. Palagi syang may dalang pagkain para sa kanila ni Axh kaya halos parati akong naka instant food, naglalampungan pa sa sala.

"Hon?" Ang landi talaga ng boses nya

"Hmm?" Di sinulyapan ni Axh si Agatha at nakafocus lang sa movie na pinapanood namin

Nandito kasi kami ngayon sa sala at nanonood ng horror movie, matatakutin ako kaya inabala ko ang sarili ko sa phone ko at kakakain ng ice cream. Habang yung dalawa ay naglalampungan, nakayakap si Agatha sa braso ni Axh habang si Axh naman parang wala lang, chilling lang.

"Can we go on a date?" Woaw, babae na pala nagyayaya ng date ngayon. Well, si Axh ang nagyayaya sakin ng date noon.

"Hmm, I don't know, maybe?" Nakakunot ang noo ni Axh kahit pa nakatutok sya sa movie

I checked my IG and saw my post when he proposed to me.

"Finally ❤" it's my ring finger with the engagement ring, nakakaiyak. Nung ilang buwan lang engaged kami, ngayon may girlfriend na sya.


I'm here at The Bar, alone. Di ko tinawagan ang crew dahil alam kong busy ang mga ulupong na yun sa trabaho. Sitting at a high stool in front of the bartender, drinking a hard liquor.

Tangina naman kasi, harap harapang sinabi ni Axh na mahal nya si Agatha. Gusto ko sanang tawagan si Driel para may kasama akong magwalwal, kaya lang may sariling buhay din naman si Driel.

May lumalapit saking mga lalaki pero naitataboy ko sila, suot ko ba naman kasi ang engagement ring namin ni Axh. Sinusuot ko na 'to pag nagpupunta ako sa kahit saang Bar para pang taboy ng mga animal na nagtatakang lumandi sakin. Pumunta ako sa Bar para magwalwal hindi para lumandi.

"Ma'am, lasing na po kayo" awat sakin nung bartender

"Kaya ko pa" kahit na umiikot na ang paningin ko, ramdam ko ding lasing na ako pero kaya ko pa. Sa tuwing pumapasok sa isip ko yung nangyari mas gusto ko pang maglasing.

"Anong gagawin mo kapag yung fiancé mo ay nakalimot at nagkaron ng iba? Ipaglalaban mo ba sya? O hahayaan mo na lang?" Nakakagagong tanong ko sa bartender, napaisip naman ang mokong.

Yan kasi talaga ang nasa isip ko, ipaglalaban ko ba o isusuko ko na? Nahihirapan na din kasi ako, ang sakit sakit na. Kung masaya si Axh kay Agatha, papakawalan ko na sya. Ako na lang naman ang di pa nakakamove on sa nangyari, ang bilis naman kasi ng mga pangyayari, parang nagpaplano na kami ng kasal tapos ngayon may mahal na syang iba.

Naalala ko yung pag uusap namin nung inakala kong may ibang babae sya.

"Baby, what if hindi ako ang mapakasalan mo?" I'll be happy for you kahit na di ako ang para sayo.

"Kung hindi ikaw, edi hindi ikaw. Wala naman akong magagawa dun, kung saan ka masaya magiging masaya din ako para sayo" saglit akong natawa. "At least naging masaya tayo sa piling ng isa't isa. Di naman ako selfish na kapag ayaw mo na di kita papakawalan, na kapag nagsawa ka na ay di na kita hahayaan. Go, kung san ka masaya, as long as masaya ka okay lang yun. Di mo kailangang magpanggap kapag ayaw mo na, papakawalan naman kita kapag nangyari na yun e" naluluha kong sabi, masakit kasi.

"Baby, kung darating ang araw na yun please ipaglaban mo 'ko"

"Axh, di ka magmamahal ng isa pa kung mahal mo talaga ang nauna. Tandaan mo lang na, ikaw ang pumasok sa nananahimik kong buhay at ginawa yung mas makulay"

"Bakit mo nga pala natanong?" Ang malamig kong tanong sa kanya. "Makikipaghiwalay ka na?" Tanong ko ulit at nakita kong nanigas naman sya.

"No, baby. Never. Bat ko naman gagawin yun? Bakit ako makikipaghiwalay sayo? Ghaadd baby di ako baliw para pakawalan ka" nakatitig sya sakin at alam kong bakas ang sakit sa mga mata ko "Come here"

Lumapit ako sa kanya at naupo sa hita nya, naramdaman kong matigas sya. Niyakap ko sya at humikbi nya, ang sakit.

"Shh tahan na, di mangyayari yun baby, okay? Never kitang ipagpapalit sa ibang babae" I nodded like a kid as he tighten his embrace.

"I love you" he whispered to me.

'Please ipaglaban mo 'ko'

Pano naman ako? Tao lang din ako, nasasaktan din ako.

Papakawalan kita kung yan ang gusto mo, tama si kuya Claude dapat sa bahay na ako umuuwi dahil patuloy ko lang sinasaktan ang sarili ko sa mga alaala namin ni Axh sa condo nya.

"Depende ma'am" narinig kong sagot nung bartender na tinanong ko. "Kung di nya ako maaalala ay mabuti pang hayaan ko syang sumaya sa piling ng iba pero kung alam kong may pag asa pa ako at may magagawa pa ako para manatili sya sakin kahit may ibang gumugulo sa damdamin nya, mananatili ako"

Sana ganyan ako katapang. Sana kaya ko din. Ang dami kong Sana pero hanggang Sana na lang lahat yun.

Tama na. Napaiyak ako habang umiinom, naagaw ko naman ang pansin nung bartender at binigyan ako ng tissue. 'Magdilang anghel ka sana at magkalablyp'

Kaya naman na syang alagaan ni Agatha, masaya sya kay Agatha higit sa lahat..

Mahal nya si Agatha.

LOVE THE RAIN (CS #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now