CHAPTER 9 : CONTEST

17 2 0
                                    

For the whole month, gano'n ang nangyari. Salitan sina kuya sa paghahatid sa akin sa school in the morning, sa paglalunch, sa paghahatid sa'kin sa practice and pagsundo sa akin para magdinner.

"Nakakapagod, wala bang water break?" Tanong ni Phamella.

"Sige, inom muna kayo pagkatapos simula na ulit tayo." Sagot ni Kuya Nhune, napakabait naman kasi ni kuya kaya inaabuso nitong mga kutong lupa na 'to.

"Bunso, lika rito tuturo ko sayo ang kasunod." Lumapit na ako kay kuya para hindi masayang ang oras.

"Wow ang galing ni Raine!"

"Kwin op da dansplor ba naman 'yan, napaka-angas mo lods!"

"Napaka swabe mo, Raine!"

"Ang galing!"

"Tignan niyo kabisado niya kaagad, ang amazing!"

Matapos ang water break nagstart na ulit, tinuro namin ni kuya sa kanila kung ano ang tinuro niya sa akin kanina. 4pm, natapos ang practice.

"Pano ang costume natin? Malapit na ang contest." Pabida na naman si Phamella

"May naisip na ako, kailangan niyo na lang magbayad para mabili natin 'yon." Sagot ko kahit nagpipigil lang ako.

"How about... crop top and track pants for girls while oversized shirt and track pants for boys." Epal na naman ni Phamella, tangna gusto ko na siyang sungalngalin.

"Hindi pwede ang crop top dahil may mga steps tayong complicated para ro'n."

"Mamimili kami nina Pres and Vice Pres ng costume, you just need to give money for us to buy it and kapag may sobra sa binigay niyo, ibabalik naman 'yon." Dagdag ko.

Namili kami nina Syrhiel at Kayshie, no'ng una nahirapan kami dahil ang daming pwedeng pagpilian, kaya naman nang nakita ko ang babagay sa sayaw namin at may stock ay binili na namin.

Nang makabalik kami ay nagpapractice pa rin sila para kahit papaano ay may ginagawa sila no'ng namili kami

"They're here"

"With Skai Costillano?"

"Bakit nandito si Skai Costillano?"

Actually kasama naming namili si Kuya Skai, siya ang nagdrive at nagbuhat para sa amin dahil puro kami babae na namili.

Sa isang araw na ang contest kaya naman nagpahinga muna kami ng isang araw para naman may lakas kami kinabukasan sa mismong contest. Hapon ang contest kaya sa room lang kami, buti na lang wala kaming kahati sa room kaya okay lang na magstay kami ro'n habang naghihintay.

CONTEST DAY

Hindi na namin ini-excuse ang mga klase namin dahil hapon pa naman ang laban, mga 5 or 6 ang start kaya may time pa kami sa hapon para magpractice at magpahinga.

Todo practice kami habang suot na ang costume namin. Naka 2 braid ang buhok naming girls with matching red colored wax, naka colored wax din ang boys. Red sweater hoodie ang top ng girls at black naman ang sa boys. We're all wearing track pants and white shoes. All set with our gloves and masks.

5:45 pm ay pinababa na kami sa grounds kung saan gaganapin ang contest, with 16 sections na kasali. Nagbackout ang 2 sections, 14 na lang kaming maglalaban-laban. Palabunutan kung sinong mauuna.

"BENCREW! Pang 9 tayo." Sabi ko sa section namin.

Madilim na nang matapos ang pang 8 performer, kami na ang sunod. Nagtakbuhan kami sa grounds para paingayin ang crowd at hindi naman kami nabigo. Puno ang grounds maging ang second floor ng katapat na building ay puno rin, inaabangan ang performance namin.

After performance, tuwang-tuwa ang buong section dahil natapos din. We took picture with our adviser Ms. Mercado. Matapos magperform ang lahat ay pinatawag lahat to announce the winners.

"3rd place with an average score of 93%, goes to..." pabitin si Sir.

"CAMPO!" Nagtatalon naman sa saya ang section na nabanggit.

"2nd place with an average score of 94%, goes to..." Ayan na naman si Sir sa pabitin effect niya.

"DELTA!" Hiyawan naman ang narinig ko mula sa section na iyon.

"And last but not the least, the 1st place with an average score of 97%,  goes to..." Nakakairitr din 'to si Sir minsan, himdi na lang sabihin kaagad.

"BENCREW!" Nagtakbuhan ang buong section namin sa gitna at hinagis ang masks namin, nagtatalon kami sa saya kasama ang dalawang section na nanalo rin.

"EY! EY! EY! EY! EYY!"

Matapos ay sinabihan kaming magpeperform ulit kami bukas.

Sinundo ako ni Kuya Claude sa bahay para sabay kaming papasok.

"Napanood ko kayo kahapon baby, ang galing galing nyo" saya ni kuya, parang sya yung nanalo

"Magpeperfom ulit kayo mamaya hindi ba?" Tumango ako bilang sagot

"Nonood ulit ako, kasama ko si kuya Skai. Papanoorin ka ulit namin"

Chilling na lang kami habang naghihintay para magperform ulit, iba na din ang kulay ng wax na gagamitin namin 'gold' na sya kasi nagchampion na daw kami

Matapos ang performance namin ay nag vibrate ang phone ko

'napaka galing mo baby, I'm so proud of you' text from kuya Skai

Tumingin ako sa side nila at nginitian sila ni kuya Claude

Matapos ang mga ganap ay isang ganap na naman, finals exam na mga besh. Kailangan ko ng magfocus sa pag aaral.

Nasa canteen ako ngayon at kumakain habang nagrereview

"Gotcha" sabay baling ko sa naupo sa gilid ko, si kuya Claude pala naupo din sa harap ko sa kuya Skai

"Mahirap ba baby? Tulungan ka namin, you want?" Alok ni kuya Skai

"Keri pa naman kuya"

"Date tayong tatlo after class baby, okay lang?" Tanong ni kuya Skai

"Di ka na busy kuya?" Balik kong tanong habang nakatingin pa din sa librong hawak ko

"Hindi na baby, pero mukhang ikaw ang busy ngayon" dun ako nag angat ng tingin kay kuya Skai at sinara ang librong binabasa ko

"Tara"

LOVE THE RAIN (CS #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now