CHAPTER 36 : MEETING

6 1 0
                                    

Ilang buwan na ang lumipas simula nang maisilang ko si David at masasabi kong wala na akong hihilingin pa, si David na ngayon ang buhay ko.

Nakita naming tatlong makakapatid kung pano lumalaki si David, lalo na nung natuto syang dumapa. Handang handa ang mga kuya ko at pinalagyan ng mat ang buong sala para kay David, spoil na spoil nila ang pamangkin.

Maging nang natutong gumapang si David ay nakita nila, iisipin mong di sila bumabalik ng Pilipinas dahil halos lagi silang nandito.

Ngayon ay natututong tumayo si David lalo na kapag may hinahawakang suporta, ang mga kuya ko naman ay animong kinilig na babaeng teenager kapag ginagawa yun ni David.

"Konti na lang at matututo ng lumakad si David at sa susunod ay magtatatakbo na"

"Mag anak na din kasi kayo, bigyan nyong pinsan ang anak ko"

"Bigyan mo na lang ng kapatid, baby"

"HAHA kuya nevermind na lang. Masaya na ako kay David"

"Bat ayaw mong tawagin sa second name nya ang bata? May naaalala ka 'no?" Asar ni kuya Claude sakin, minsan talaga ang sarap pumatay ng kuya.

"Kuya kung may maaalala man ako sa pangalan ng anak ko, anak ko lang yun"

"Mag iisang taon na si David, anong plano mo?"

"Edi magcecelebrate"

"Uuwi ka na?"

"Nope, hindi muna. Siguro next year na"

"Gusto mo bang papuntahin namin sina mama at papa dito sa birthday ni David para makapag celebrate tayo?"

"Sure, matutuwa yung dalawang yun"

Kumpleto kami ngayong birthday ni David, nagbakasyon din kasi sina mama at papa dito para makabisita.

"Happy Birthday~~ to you~~"

"Happy Birthday David~!"

Masaya kaming nagcelebrate ng birthday ng anak ko, tuwang tuwa sina mama at papa sa kanya. Marunong na kasing maglakad ang anak ko, at kapag nakarinig ng tugtog ay sumasayaw.

Kaya naman aliw na aliw ang lolo at lola nya sa kanya.

"Napakagwapo mo baby David, manang mana ka kay lolo pogi"

"Pa, tama na kakabuhat sa sarili mong bangko" asar ni kuya Claude kay Papa.

"Kamukhang kamukha ni Davin nung bata pa sya"

Totoo, nakita ko ang mga baby pictures ni-- nya at carbon copy talaga nya si David, kapag nakita si David ng mga Leverson ay di maipagkakailang anak 'to ni Panganay nila.

Natututo na ding magsalita si David. Kagaya din ng ama nya, hilig ni David na yumakap sakin at magpahalik sa cute at mataba nyang pisnge.

Iniispoil din nina kuya at binibilhan ng mga laruan at gamit. Lagi nyang kalaro ang dalawang tito na di magawang humindi sa kanya lalo na kapag nagpacute sya.

Minsan kasing busy si kuya Skai sa harap ng laptop nya para sa trabaho ng biglang lumapit si David at nagyayang maglaro sila nung bagong biling iron man ni kuya Claude, di nagdalawang isip na iwan ang trabaho at kalaruin si David na tuwang tuwa naman.

1 taon na ang anak ko, meaning 1 taon na din akong walang balita sa mga Leverson. Walang balita sa tatay ng anak ko o maging sa pamilya nila mismo. Balak kong sabihin kay Driek na may pamangkin sya pero sana wag syang maingay sa pamilya nya.

LOVE THE RAIN (CS #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now