CHAPTER 13 : CELEBRATION

14 2 0
                                    

Next week game na nila Driel kaya naman todo practice sila. Nandito kami ngayon sa Basketball Gym ng school kung saan sila nagpapractice, madami ding nagchicheer sa kanila pero mostly ay kay Driel

"GO ALECKXHANDER!" sigaw nung mga pangerls nya na nasa likod ko, sakit sa tenga ampotek sarap bigwasan ng isa

"GO BABY ALECKXHANDER! I LAB YU!" tangna, sakit sa tenga.

"Leverson for 3!" Sabi nung mga lalaking idol si Driel sa paglalaro. Napag alaman ko din kasi na basketball player sya sa dati nyang school.


After ng practice game ay malamang pinagkaguluhan sila lalo na si Driel, kawawang Driel napapaligiran ng mga higad- ayy pasmado

"Ang Wafuu mo baby Aleckxhander ihhhh" irit nung isa sa mga alagad ni Phamella manang mana sa lider nilang ewan ko ba kung tao, hayop o plastik

"Napaka galing mo idol Aleckx" bati nung isang lalaki sa kanya at naghigh five pa sila nagkwetuhan din saglit at nagtawanan

"Halaa sana all nahawakan na ang kamay ni baby Aleckxhander, inggit ako huhu" kailan pa naging sanggol ulit si Driel?

Watdapak? Crush na crush nila si Driel pero binabakbatukan lang namin yan ni Axh HAHAHAHAHHAHA

Nang makita ako ni Driel ay kumayaw at nginitian nya ako kaya napunta sakin ang atensyon ng mga kutong lupang pokpok na 'to, sinuklian ko sya ng isang simpleng kaway at ngiti.

"Halaa hindi kaya may something kay Aleckxhander at Raine? Kaya hindi tayo pinapansin ni baby Aleckxhander?" Dinamay pa ako ni gaga, mga baliw pakielam ko kung di kayo pansinin ni Driel? HAHA

"Anueba, wag nating husgahan agad. Naalala nyo last time ginanyan natin si Raine kina Skai at Claude pero mga kuya nya pala yun" buti pa sya nag iisip, keep it up ghOrl

"Oo nga noh, pero anong bang meron kay Raine at Aleckxhander?"

Lumapit ako kay Driel.

"Tapos ka na? Nasa labas na si little boy, hinihintay tayo baka mainip yun"

"Tapos na ako, tara na baka awayin ako nun HAHA"

Lumabas kami mula sa Court at pumunta sa sasakyan ni Axh. Axh opened the passenger seat door for me at hinayaan nya si Driel.

"Kuya, sa pagkakaalala ko ako yung kapatid mo ah bakit parang si ate Raine na?" Reklamo ni Driel sa kuya nya

Tinignan naman ni Axh ng masama si Driel kaya natawa ako

"Pretty, alam kong maganda ka lalo na kapag tumatawa ka pero wala namang nakakatawa pretty" sita ni Axh sakin kaya mas natawa ako

"Baliw ka na pretty baby" bulong ni Axh na akala nya siguro hindi ko narinig, pshh pretty baby? Kelan pa ako naging baby? Kuya ko sya? Kuya ko? Kaloka 'to


Laro ngayon ni Driel, kasama kong manood ni Axh para suportahan ang kapatid nya. Nung una ayaw nya pang sumama sakin buti napilit ko HAHA galing talaga ng charms mo Raine ghOrl

Lamang sina Driel ngayon 42-54 ang score "Leverson for 3!" Sabi nung commentator. Sa totoo lang ang galing ni Driel walang halong bias.

Napatingin naman ako kay Axh nung hawakan nya ang kamay ko pero ang paningin nya ay nasa laro kaya hinayaan ko na lang baka kinakabahan lang sya para sa kapatid nya

"Pretty" tawag sakin ni Axh "Picture tayo" dagdag nya pa. Kinuha nya ang phone nya at nagpicture kami.

davin_axh tagged you in his post

LOVE THE RAIN (CS #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now