CHAPTER 37 : INVITATION

8 1 0
                                    

DRIEL'S POV

Nakakatuwang makita ang batang 'to na masaya, di ko inakalang may anak si ate Raine at inilihim iyon sa lahat.

Kamukhang kamukha ni kuya si David, di maipagkakailang isang Leverson ang batang 'to.

"Ito liel" maging ang pagtawag nya sakin ay napaka cute "play"

Nangako ako kay ate Raine na hindi ko sasabihin kahit kanino, makita ko lang ang pamangkin ko. Napakacute na bata, sana di ka magaya sa daddy mong loko loko.

"Driel, pwede bang ikaw muna magbantay saglit kay David? May pag uusapan lang kami nina kuya?"

"Walang problema ate, gusto ko din namang masolo muna ang pamangkin ko"

Natawa si ate at lumapit samin ni David, hinalikan nya ang pisnge ni David at grabe ang tuwang nakita ko sa mukha ng bata.

"Mommy will talk to titos, okay? Behave with tito driel baby" hinalikan ulit ang bata at umalis na.

Napakaswerte ng batang 'to sa pamilya ni ate Raine, may lolo at lolang mapagmahal, may mga tito na maaasahan at may mommy na maalaga. Kayang kaya na nilang palakihing mabuti at puno ng pagmamahal si David, pero masyadong mabait si ate Raine. Talagang sinabi nya sakin ang tungkol sa pamangkin ko, hindi deserve ng kagaguhan ni kuya ang batang 'to.

Nagpicture kami ni David at halos lahat ng picture namin ay nakangiti sya, para bang alam nyang kapag may camera ay dapat nakangiti. Ginawa kong lock screen ang picture namin kung saan nakahalik ako sa pisnge nya at ngiting ngiti sya habang wallpaper ko naman ang nakahalik si David sakin.

Natatakot ako para kay kuya, kung tutuusin may pamilya na sya at kapag pinakasalan nya si Agatha pagsisisihan nya yun. Naaawa din ako sa bata, kahit pa sabihin nating mapupunan naming mga tito nya yun alam kong hahanapin pa din nya ang aruga ng isang ama.

Nalulungkot naman ako para kay ate, alam kong nasaktan sya at nasasaktan sya, nagiging matatag na lang sya para kay David. Kaya ayaw nyang malaman 'to ng pamilya namin kasi parang inagaw na din namin ang buhay nya.

Kuya, sana makaalala ka na.

"Ito liel" napakacute na bata. "Yes, baby? What can I do for you?"

"Play" nakangusong sagot ng bata sakin, ngayon ko lang napansin na nakatitig pala ako sa kanya habang nagmomonolog.

Namana nya kay ate Raine ang pagkahilig sa cartoons, kahit na barbie ang pinapanood ay tuwang tuwa at tinuturo ang sarili habang sinasabing 'Ken', sya daw si ken sa barbie. Buti na lang at hindi sya ang barbie.

"Dada?" Napansin kong nakatitig na sakin si David ngayon, nanubig ang mata ko nang banggitin nya yun. Naghahanap sya ng ama, hinahanap nya si kuya. Nalulungkot ako para sa pamangkin ko.

Naramdaman ko na kang na niyakap nya ako at pinalis ang luha ko, di ko napansing tumutulo na ang luha ko.

"Ito liel, sad?" Maging sya ay naging malungkot ang awra

"No baby, tito is happy"

"Appy?" Tumango ako at nginitian sya, napangiti din tuloy sya at nagpatuloy kami sa panonood.

Sana talaga makaalala ka na kuya, hinahanap ka na ng anak mo. Ayokong pagsisihan mo 'to sa huli.

"Mahilig ka pala sa bata?" Tanong ni ate Raine nang makita nyang tuwang tuwa ako kay David. Di ba pwedeng sabik lang sa pamangkin, ate?

"Oo, ate. Nakakatuwa kasi sila, tsaka sabik ako sa pamangkin. Alam ko namang ako ang bunso sa bahay"

"Nakakatuwa ka daw baby" usap nya kay David, ngumiti naman ang bata kaya't maging kami ni ate ay napangiti din.

"Ayaw mo ba talagang makilala ni David si kuya?"

"Wala kaming puwang sa kanya tsaka ayokong mawala sakin ang anak ko kung malaman man nya at akuin nila ni Agatha, makikipagpatayan ako para sa anak ko"

"Mahal na mahal mo talaga si David 'no?"

"Malamang" proud na sagot ni ate. "Kaya ikaw, kung gusto mo ng bata, mag anak ka na. Bigyan mong pinsan ang cute mong pamangkin"

"Ate!"

Natawa naman si ate. "Namumula ka HAHA"

Napakaetchos ni ate, hindi naman sya ganito magsalita dati.


RAINE'S POV

Magdadalawang taon na si David nang makatanggap ako ng text mula sa tatay ng anak ko, una akala ko sinabi ni Driel sa kuya nya ang totoo pero nagkamali ako.

'Axhthon'

I'm getting married, Raine. And you're invited, you're my best friend after all and I'm sorry for what happened last time, I hope you forgive me. See you soon.

Buwan buwan bumibisita si Driel dito samin bago ko matanggap ang text ng kuya nya, okay na ako ngayon. At plano kong pumunta sa kasal nya, naging parte din naman ako ng buhay nya. Masaya na ako para sa kanya, basta't nasakin ang anak ko.

Isang buwan bago ang kasal ng tatay ng anak ko ay kinausap ko na ang crew at ipinaalam ang totoo, na may anak na ako. Nung una ay tinanong ako ng mga ulupong kung si Driel ang tatay ng anak ko, nandito kasi si Driel nun at magkahawig ang dalawa, genes ng mga Leverson.

Di ko na yun sinagot at ipinakilala na lang ang anak ko sa kanila, tuwang tuwa naman ang mga gaga dahil napakacute ng anak ko, shempre mana sa mommy.

Binanggit din nila sakin ang tungkol sa kasal ng kuya ni Driel at sinabing wag na muna akong umuwi, pero desidido na ako. Uuwi ako at aattend ng kasal nya, wala naman na sakin ngayon yun, as long as nasakin si David masaya ako. Wag na wag lang sikang magkakamaling kunin ang anak ko sakin, magkakamatayan kami.

"Ate, sigurado ka bang uuwi ka na? At aattend pa ng kasal ni kuya?"

"Inimbitahan ako ng kuya mo, wala na sakin ngayon yan. Kahit maglaplapan pa sila sa harap ko, the hell I care"

"Baka kainin mo ang mga sinasabi mo ate"

"Baka nga HAHA pero wala namang naaalala ang kuya mo di ba?"

"Kung maalala ka nya ate?"

"Driel dalawang taon na simula nang mangyari ang gulong yun, sana noon pa lang naalala na nya ako lalo pa't lagi kaming magkasama nun, ngayon pa kayang babalik ako? Matutuwa yun panigurado, babalik ba naman ang kaibigan nya"

"Ipapakilala mo ba si David sa kanya?"

"Hangga't maaari sana hindi nya malaman ang tungkol sa anak ko"

"Hindi naman siguro magiingay ang crew sa kanya hindi ba? Sasampalin ko sila isa isa, subukan nila" dagdag ko pa.

LOVE THE RAIN (CS #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now