CHAPTER 12 : WELCOME BACK

15 3 0
                                    

Today is my first day of class, hinatid ako ni Kuya Skai sa school bago siya dumeretso sa kompanya.

"Raine! Omgg! Namiss kita girl!" Sigaw ni Dhanikha nang makita niya ako, we become friends after niyang malaman na kapatid ako nina Skai Costillano and Claude Costillano, she also apologized for what happened before.

Lumapit sila sa akin, kasama kasi niya sina Dhayve at Criesthal. I smell something fishy with this two, before kasi ayaw ni Criesthal Armenio kay Dhaeyve Montero and seeing them so close right now makes me think, what happened to 'I'll never be Dhaeyve Montero's girl' of Criesthal Armenio?

"We missed you girl," sabay yakap sa akin ni Criesthal "Ikaw ha, pagala-gala ka na lang ha." Dagdag pa niya.

"How's vacation girl? Nakita namin sa IG niyong apat ang ganap ha patravel-travel na lang kayo. Sana all." Singit ni Dhanikha.

"May something sa inyo no'ng Davin, 'no? Well, nakita ko kasi sa IG post niya iyong holding hands niyo sa isang church." Si Criesthal naman ngayon.

"Davin? You mean Davin Leverson?" Boses pa lang sira na ang first day ko at ang buong school year ko.

"Kilala mo, Phamella?" Tanong ni Criesthal, isa pa 'tong chismosa.

"Oo naman, nagpakilala siya sa'kin noong debut ni Raine. Siya rin ang last dance ni Raine." Nakataas na naman ang kilay niyang ginuhit lang naman.

Pakialam naman niya kung last dance ko si Axh? inggit ka, girl? kasi mukhang prinsipe ang last dance ko?

"Totoo ba, Raine girl? Last dance mo si Papa Davin? Omgg!" Si Dhanikha naman.

Sakit sa tainga kung makairit, like girl, magkalapit lang tayo, hindi 4 na bundok at 6 na ilog ang pagitan natin.

"Ah, oo siya last dance ko." Sagot ko na lang na parang walang pakialam.

Basta masarap kalbuhin si Phamella at burahin ang kilay niya. Sabihin niyo 'gawa'.

"Bakit?" Sabay-sabay nilang tanong, choir kayo?

"Bakit hindi?" Sagot ko naman kaya nagulantang sila, umuna na ako sa klase.

Kami-kami pa rin magkakaklase. Wala man lang bagong mukha, puro luma.

"Class, we have a transferee here today since magkakakilala naman na kayo from last years class no need to introduce yourself. Mister Leverson please come here in front." Tawag ni Ms. Magdrigal

'Ayun may bago.' Bulong ko sa isip ko.

"Hi. I'm Aleckxhander Driel Leverson." After that ay umupo na ulit siya, galing pala siya sa likod ko. wWell kilala ko si Driel, actually mas matanda ako sa kanya, maaga lang talaga siyang nag-aral kaya magkabatch kami ngayon and worst magkaklase pa kami.

"Leverson? Kapatid ni Davin 'yan? Omgg manang mana sa kuya ha." Nangingibabaw na naman ang bunganga ni ate niyo Phamella.

Nilingon ko siya sa likuran ko, nang magtama ang mga mata namin ay nginitian niya ako at ibinalik ko sa kanya ang ngiting 'yon.

Lunch. Ughh my favorite. Kaya lang hindi ko na kasama sina Kuya na maglunch, sayang. Imagine new school year tapos mag-isa ka na lang, mag-isa kang gagawa ng assignment at higit sa lahat mag-isa kang maglalunch—

"Ate Raine, sabay tayong maglunch." Aya ni Driel sa akin kaya naputol ang monolog ko at ang pagdadrama ko.

"Sure, tara." Baka puntahan pa nina Phamella kawawa naman.

Nasa canteen kami ngayon at pinagtitinginan ng mga pokpok na estudyante, syempre nangunguna si Phamella ro'n. Parang bumalik ang feeling no'n na kasa-kasama ko sina kuya rito noon, 'yong mga panahong sabay-sabay pa kaming kumakain dito kahit na busy si Kuya Skai sa kompanya lalo na 'yong mga bulong-bulungan ng mga pokpok kapag nakikita nila akong kasama ang mga crush nila na kuya ko.

LOVE THE RAIN (CS #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now