CHAPTER 35 : ENGAGED

11 1 0
                                    

Kabuwanan ko na next month kaya eksayted na kinakabahan na ako, I know it'll be painful. Ready na din ang gamit ni baby, maging ang magiging kuwarto nya ay nakaready na. Handang handa na ang lahat sa paglabas nya sa mundo, ako na lang ang kinakabahan sa pagsisilang sa kanya.

Nanonood ako ng cartoons sa sala nang maramdaman kong may basa, akala ko dinugo ako pero nagkamali ako. Pumutok na ang panubigan ko, manganganak na ako. Nanlamig ako pero kinakalma ang sarili, ramdam ko yung sakit pero di yun mawawala kung isisigaw ko ang sakit.

"KUYA! TANGINA KUYA!"

"Ano?"

"PUMUTOK NA ANG PANUBINGAN KO" tangina "MANGANGANAK NA AKO!"

Tarantang lumabas kung saan sina kuya.

"Fuck. Claude ihanda mo ang sasakyan. Bilis!"

Binuhat ako ni kuya Skai papunta sa sasakyan kung nasan si kuya Claude.

"Dalhin mo sa ospital. Isusunod ko ang mga gamit, mag ingat kayo!"

Nagmamadali pero kinakalma ni kuya Claude ang byahe namin papuntang ospital.

"Push"

Tangina doc, ikaw kaya ipush ko.

"AHHHHHH!"

"The baby is near, more push"

"TANGINAAAAAAAA!"

"You can do it, push"

"PUTAAAAAAAA!"

"I need one last push from you and then baby is out, you can do it"

"PUTANGINAAAAAAAAAA!"

Maya maya pa'y may narinig akong umiyak, ang anak ko.

Nanghina ako at pumipikit ang mga mata.

Welcome to the world baby, David Auxtine Costillano.

DRIEL'S POV (First time maderpakers)

Mula nang mawala si ate Raine sa condo ni kuya ay lagi syang nagtatanong sakin, ni hindi ko din alam ang isasagot ko. Hindi nagrereply at hindi din sinasagot ni ate ang mga tawag ko, nag aalala ako.

Nandito kami ni kuya sa The Bar ngayon kasama ang crew.

"Aleckx" tawag ni Criesthal sakin. "Nakausap mo ba si Raine? Di nya kasi sinasagot ang tawag ko e"

"Wala din, ganun din sakin"

"Kuya Davin" tawag ni Criesthal kay kuya, sinulyapan naman sya ni kuya. "Anong nangyari kay Raine? Di nya kasi sinasagot ang mga tawag ko e"

"Hindi ko din alam, umalis sya sa condo. Baka nasa kanila sya"

Dalawang buwan na ang nakakalipas simula nang di namin macontact si ate Raine, maging ang mga kuya nya ay wala sa bahay nila, ang sabi ni tita Contessa samin ay nasa business trip sa abroad daw ang dalawa at wala daw syang balita kay ate Raine, ni hindi nga daw umuuwi sa kanila.

Nag aalala ako para kay ate Raine.

Nandito ako ngayon sa condo ni kuya, kasama namin yung tinatawag ni ate Raine na 'kabitch', si Agatha. Maganda sya pero mas maganda si ate Raine, bias na kung bias pero mas boto ako kay ate Raine.

"Hon" yun talaga tawagan nila? Ambantot ha. "Bakit di mo pa din inaalis yang mga cartoons, wala naman na si Raine dito"

Mahilig si ate Raine sa cartoons, kaya lagi silang nagbibinge watch ni kuya ng mga cartoons noon, nahawahan nya kasi si kuya at enjoy na enjoy ni kuya ang panonood kahit pa minsan Barbie ang pinapanood nila ni ate Raine.

LOVE THE RAIN (CS #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now