CHAPTER 19 : CAMERA

18 1 0
                                    

RAINE'S POV

After breakfast hinatid ako ni Axh sa bahay at sinalubong kami ng nangaasar na mukha ni kuya Claude, anong meron?

"Welcome home baby, nagbreakfast ka na?" anong nginingiti ngiti ni kuya? Naka drugs ba sya?

"Yes kuya, bago ako ihatid ni Axh dito" nakangiting tumango naman si kuya sakin

"Pumasok ka na sa loob at mag ayos ka na, may pasok ka pa"

Pumasok naman na ako at naligo, nakaayos na din ako at ready to go na. Nung marinig ko ang pag uusap ni kuya Claude at Axh

"HAHA kamusta Davin? Nakatulog ka ba ng mahimbing?" Nang aasar ang boses ni kuya

"Sarap nga ng tulog ko eh HAHA" mapang asara na sagot naman ni Axh

"Good for you"

"Ikaw kamusta?" Nagtitigan lang ang dalawa, animo'y nag uusap sa mga mata

"Papasok na ako" singit ko sa kanila kaya napunta sakin ang atensyon nila



It's been months simula ng umpisahan namin ang thesis namin, malapit na din ulit magfinals. Nandito kami ngayon kina Driel para tapusin ang thesis paper namin. Saturday naman kaya okay lang.

"Aleckxhander, nasan si Davin? Bakit di ko sya nakikita dito?" Opkors, sino pa ba? Edi si Phamella

"Busy si kuya" simpleng sagot ni Driel. Kanina kasi matapos kaming ihatid ni Axh dito ay nagsabi sya sakin na aalis ulit sya dahil busy sya ngayon. Bat naman sya nagpapaalam sakin? Ako ba si tita Veronica?

"Sayang naman" hinayang na hinayang ghOrl? Jowa ka? Jowa ka? Makapag inarte naman 'to, bakit ganda ka? Ganda ka? Nakakapang init ng dugo ampopo

"Driel, akyat lang ako saglit" paalam ko kay Driel

"San ka punta Raine?" Epal na tanong ni Phamella sakin, nandito kasi kami ngayon sa sala nila at gusto ko sanang umakyat sa Study Room para humeram ng isang libro para makapag review kahit papano

"Pakielam mo? Bakit? Bahay mo ba 'to para ipaalam sayo kung san ang punta ko?" Nanahimik naman sya kaya umakyat na ako at ginawa ang dapat kong gawin. Matapos ay dumaan ako saglit sa kuwarto ni Axh para silipin kung naiwan ko ba dito ang isa sa notes ko nung natulog ako dito nung nakaraang araw

Pero matapos kong manggulo ng konti ay di ko nakita, nakay Driel siguro. Palabas na ako ng biglang may kumatok sa pinto, nataranda ako kaya nagtago ako sa closet ni Axh. Di naman kasi kumakatok si Driel lalo na't pag alam nyang nandito ako sa bahay nila at kuwarto pa ng kuya nya. Nagulat ako nang iluwal nun si Phamella na todo ngiti, kuwarto ni Axh ang target nya? Anong gagawin naman nya dito?

May hawak hawak syang maliit na bagay na kulay itim at inilay yun sa ilalim ng wall clock at sa gilid ng kabinet, tangina ano yun? Camera? Hidden camera? Para san? Sisilipan nya si Axh? Invasion of privacy 'tong ginagawa nya. Humanda kang bruha ka, lintik lang ang walang ganti.

Pagkalabas na pagkalabas ni Phamella ay lumabas na din ako sa closet at kinuha ang ang hidden camera na nilagay nya sa kuwarto at lumabas para sugudin sya sa baba. Naabutan ko syang nakikipagtawanan kina Driel, tangina kang bruha ka.

Sinugod ko agad sya at hinatak ang buhok nya, napasigaw naman sya sa sakit. Tangina mo buti nga sayo. Pinipigilan ako ni Driel at nilalayo naman nina Jaykhe si Phamella sakin.

"Anong nangyayari ate?" Tanong ni Driel sakin na kinakabahan

"Tangina mo Phamella, gago ka!" Sigaw ko kaya natahimik sila, never nila akong narinig sumigaw

LOVE THE RAIN (CS #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon