CHAPTER 6: REVELATION 3

20 3 0
                                    

Pumasok ako sa bahay at naabutan si Tita na nanonood ng tv. Naramdaman niya ang presensya ko kaya't nilingon ako ro'n niya napansin ang namumugto kong mga mata.

"Anong nangyari sayo, Raine? Bakit ka umiiyak? May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Tita sa akin.

"Tita, totoo po bang hindi ako anak ni Mama?" Mahinang tanong ko sa kanya na binaliwala ko ang tanong niya. Kailangan ko ng sagot.

"T-Tita... totoo po bang Costillano a-ako? May alam ka ba rito, Tita?" Ngunit tahimik na nagulat lang si tita. Hindi siya sumasagot! Damn it!

"T-Tita... parang awa mo na. Sabihin mo sa akin ang totoo." Sambit ko at lumuhod sa harapan niya. Tita, nagmamakaawa ako. Gusto kong malaman ang totoo!

"Saan mo narinig 'yan? Kanino mo nalaman 'yan? Tumayo ka nga ryan, Raine."

KAILANGAN KO LANG NG SAGOT TITA!

"Sa mga Costillano, ngayon, Tita totoo ba ang sinabi nila sa'kin? Na ako ang anak nila? Totoo ba 'yon, Tita? Tatayo lang ako rito kapag sinabi mo ang totoo." Pagmamakaawa ko.

"Oo." Sa simpleng pagkumpirma ni Tita na nakapagpaguho lalo ng mundo ko.

"Hindi ka anak ni Ate Jhennaline. Noong naaksidente kayo no'ng birthday mo papuntang Baguio ay si Ate ang kasama mo, niligtas ka niya at dinala sa ospital. Pero nang nagising ka, wala kang maalala. Natakot si Ateng ibalik ka sa mga Costillano kasi baka ipakulong nila si Ate at gano'n din ako. Kaya kahit labag sa loob ko ang desisyon ni Ate, kinupkop ka namin. Inalagaan, pinag-aral, pinakain, binihisan at minahal. Gusto ko sanang sabihin sayo ang totoo noon pero pinigilan ako ni Ate at inamin sa akin ang tungkol sa sakit niya. Patawarin mo kami, Raine." paliawang ni tita na ngayon ay umiiyak na rin.

"A-Anong totoong p-pangalan ko, Tita?" Alam ko na ang totoong pangalan ko, gusto ko lang marinig mula kay Tita.

"S-Scarlette Raine C-Costillano,"

Pagkatapos bigkasin ni Tita ang totoong pangalan ko ay dali-dali akong umakyat sa kuwarto at nagkulong do'n. Nagpapasalamat ako sa kanila na kinupkop nila ako, nagpapasalamat ako sa mga ginawa nila para sa'kin. Pero nagsinungaling sila sa akin. Ang bigat-bigat sa dibdib. Kaya ba nagsosorry sa akin si Mama bago siya mamatay noon? Iyon ba ang rason? Kasi hindi niya ako binalik sa totoong pamilya ko? Damn it! Paano ko malalaman 'yon ngayong patay na si A-Ate J-Jhennaline.

Sa sobrang paghihinagpis ko ay nakatulog ako. Pagmulat ng mata ko ay umaga na. Hindi ako kinatok ni tita para sa hapunan marahil alam niya sigurong hindi ako bababa. Nag-ayos ako para pumasok, ngayon ididiscuss ang tungkol sa Major Project namin sa P.E Class. P.E Class pa lang naman ang nagpapaproject puro discussion pa lang sa ibang subject.

"Uhmm... A-Anong plano mo ngayon, Raine?" Naiilang na tanong ni Tita sa akin.

"Papasok po sa school." Simpleng sagot ko.

"Ang ibig kong sabihin ay tungkol sa nalaman mo, babalik ka ba sa mga Costillano o magsstay ka rito?" Nahimigan ko ang lungkot sa boses ni Tita habang tinatanong niya ako.

Tumikhim ako at tinignan si Tita na mugto rin ang mga mata. "Nakapagdesisyon na po ako, tita, tungkol dyan." Napatingin din siya sa akin "Anong desisyon mo iha?" Nag-aalalang tanong ni Tita sa akin.

"Gusto kong makasama ang pamilya ko, Tita, ang TOTOONG PAMILYA ko. Pero malaki ang utang na loob ko sa inyo. Dito muna ako pansamantala habang nag-iisip kung pano ko kakausapin ang pamilya ko, kung okay lang sa inyo?" Sigurado akong magkikita kami ni Claude sa School.

"Walang problema, Raine. Susuportahan kita sa gusto mong gawin. Nangako ako kay Ate na sasabihin ko rin sayo ang totoo kaya lang ang daming problema nitong nakaraan." Naiintindihan ko naman 'yon, ayos lang. Alam ko na ang totoo ngayon.

"Sige po, Tita, aakyat na po muna ako."

Nanghihina ako sa totoo lang. Pagka-akyat ko sa kuwarto ay wala na ulit luhang pumatak mula sa mga mata ko, pagod na ako emotionally, physically, and mentally. Sana bukas kahit papano okay na. Patay ako nito, hinatak ako ni Skai papunta sa kanila kaya hindi ako nakapasok, pag-alis ko naman sa kanila diretso uwi ako. Sana mapakiusapan ni Skai mga Prof ko.

PAGKABABA ko para mag-umagahan at para pumasok, nabaliktad yata sikmura ko sa nakita ko. Isang lalaking mas matangkad sa akin, naka-uniform at medyo magulo ang buhok. Nang maramdaman niya ang presensya ko ay agad siyang bumaling sa akin, pumungay ang mga mata niya at ngumiti ng pagkatamis-tamis sa akin. Ngunit nang mapansing namamaga ay mga mata ko ay napalitan ang kanyang ekspresyon, nag-aalala.

"Kumain ka na?" Tanong ko sa kanya imbes na bakit siya nandito.
"Oo pero kaunti lang 'yon, sabayan na kita. Sabay na rin tayong pumasok."

Umupo na ako para kumain pero laking gulat ko nang pinagsilbihan niya ako na tila ba isang prinsesa. Siya naglagay ng kanin at ulam sa plato ko maging baso ko nilamnan niya bago siya naupo sa harap ko. I'm stunned okay? I didn't expect that coming.

"Ihahatid kita, pwede bang ako na rin ang sumundo sayo? Gusto sana ni Kuya Skai na siya ang sumundo sayo kaya lang medyo nabusy siya, okay lang ba Raine kung ako?" Siya susundo sa akin at maghahatid sa akin rito sa bahay? Wala namang problema sa'kin 'yon pero sariwa pa ang mga nalaman ko.

"Uhm, s-sige. Okay lang, Claude." Ano bang itatawag ko sa kanya? Myghaadd.

"Pwede bang Soft na lang ang itawag mo sa akin? Kahit walang 'kuya' o kung mas sanay ka sa Claude, pwede bang Ulap na lang?" Okay lang naman sa'kin kahit walang 'kuya' pero nakakailang kasi lalo na ngayong alam ko na ang totoo.
Tumango na lang ako, susubukan ko na lang.

PAGDATING namin sa school ay pinagbulungan na naman kami, nice, gandang bungad sa umaga ko. Sira na.

"Narinig kong kasama niya 'yong Costillano brother's kahapon kaya hindi siya pumasok sa ibang subjects niya."

"Si Skai Costillano?" Tanong no'ng isang pokpok na mukhang clown sa kapal ng make up niya.

"Si Skai nga mismo ang lumapit sa kanya, naamaze siguro sa sayaw nya. Pero kasi nando'n din si Claude."

OO KASI MGA KUYA KO PALA SILA. Panira ng araw 'tong mga pokpok na nagbubulungan.

Hinatid ako ni Claude sa room ko pero bago ako pumasok ay hinatak niya ang braso ko paraharap sa kanya at hinalikan ang noo ko.

"I missed you so much baby." Bulong niya na para yatang narinig ng mga nasa corridor dahil tahimik silang nakamasid sa'min ni Claude. Matapos ay hinayaan niya na akong pumasok sa loob.

Pagkaupo ko pa lang nilapitan na ako ng mga kaklase ko.

"Ano 'yon, Raine? May paghatid paghatid pa si Claude sayo tapos may bonus na kiss sa noo."

"Umamin ka nga, Raine, may something na sa inyo 'no?" Oo ghOrl may something, kasi kapatid ko 'yon 'no? Tangna netong mga 'to. Mga chismosa.

"Huwag kang maiinlove kay Claude, kung gusto mo kay Skai ka na lang hindi hamak na mas mabait si Skai kaysa kay Claude."

Gago pala 'to eh, kapatid ko pareho ang dalawang 'yon tapos binubugaw mo sa'kin? Kapal ng apog netong babaeng 'to, kung nasa mood lang ako nahatak ko na buhok neto or hindi kaya'y ako na naglagay ng blush on sa mukha niya gamit ang mga kamay ko.

Hindi ko na lang sila pinansin kaya lumayo na sila. Dumating na ang Prof namin. Discuss. Discuss. Discuss. Nakakawalang gana bigla, bakit ganun? Hayss.

"Okay before anything else, for tomorrow may quiz kayo. Let's test if may naintindihan kayo sa 2 weeks kong pagtuturo sa inyo. Class Dismissed."

QUIZ? WOW GALING PROF. NAGTUTURO PALA SIYA, BINABASA LANG NIYA NASA LIBRO. KAYA KO RIN 'YON EDI SANA KAMI-KAMI NA LANG DIN NAGTURO EDI KUMITA PA KAMI HAUPP NA 'YAN.

"Raine," kalabit sa akin no'ng isang kaklase namin na si Dhaeyve.
"Nasa labas si Claude, hinihintay ka." Dagdag niya bago umalis kasi nga lunch na.

Lumabas na ako at agad akong sinalubong ni Claude.

LOVE THE RAIN (CS #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now