CHAPTER 34 : BOY

7 1 0
                                    

It's been a month since malaman kong buntis ako, pumunta na din kami sa Doctor. Nandito na din ako ngayon sa vacation house namin sa US, kasama ko sina kuya dito pero bumabalik din sila sa Pilipinas because of work.

"Kamusta ang pagbubuntis sa pamangkin ko, baby?"

"Okay naman kuya Claude, medyo mahirap lang dahil sa morning sickness"

"Drinking your milk?"

"Of course kuya, I know it's for the baby kahit na di ko bet"

"I can't wait to see my baby pamangkin" ngiting ngiti si kuya Claude. "Kapag babae yan baby, papaltan na kita, hindi na ikaw ang baby ko pero kung lalaki, okay lang baby pa din kita" tawa ni kuya, I'm really glad na nandito sila para sakin dahil napapasaya nila ako. Kapag kasi sabay silang umuuwi ng Pilipinas, nalulungkot ako.

"Kailan check up mo? Gusto kong sumama" si kuya Skai naman ngayon, tuwang tuwa kasi talaga sila sa pagbubuntis ko.

"Sa isang araw kuya" sagot ko. "Balik mo nun sa Pilipinas, sasama ka?" Pang aasar ko dahil di maipinta ang mukha nya sa sinabi ko

"I'll cancel my flight then, sasama ako"

Check up ko ngayon, may maliit na baby bump na din ako. Kasama ko si kuya Skai dahil hindi talaga sya magpapaiwan at talagang kinancel ang flight nya para sa check up ko.

"The baby is fine" simula ni Doc. "The baby is strong and healthy"

Madami pang sinabi si Doc pero hinayaan ko ng si kuya Skai ang umintindi nun, I'm thinking of my child.

"Congratulations Mr. And Mrs. Costillano" sabi ni Doc

"You got it wrong doc, I'm not the father of the baby, she's my little sister"

Nagulat naman si doc, inakala nya talagang si kuya Skai ang tatay ng anak ko. Yung tatay ng anak ko ay nasa kabitch nya, sa totoo lang wala din akong balita tungkol sa kanya, maging sina kuya ay di sya binabanggit.

"Baby, where do you want to go?"

"Home. I want to rest kuya"

"Noted, baby"

Nang makabalik kami sa bahay ay natulog lang ako. Napanaginipan ko pa si-- sya, pakiramdam ko bangungot yun.

Limang buwan na akong buntis ngayon, sabi ni Doc pwede ko ng malaman ang gender ni baby kaya papunta ako sa hospital ngayon para dun. Babae man o lalaki, mamahalin ko ang anak ko ng buong puso kahit na wala ang daddy nya.

"Congratulations Ms. Costillano" naitama na din ni doc. "It's a healthy baby boy"

Healthy baby boy.

Nang makabalik ako sa bahay ay binanggit ko agad sa pamilya ko ang balita.

"Ma, Pa, it's a boy. I'm having a baby boy!"

[Congratulations iha, you'll be a great mom, that's for sure]

[Does your kuyas know about this already?]

"I'll tell them pa, call you later"

"KUYA!"

"What?"

"Ano?"

Nandito ako ngayon sa sala at balak na sabihin sa dalawa kong gwapong kuya na lalaki ang baby ko. I'm still the princess after all.

"I'm having a baby boy" balita ko sa kanila, gulat at tuwa ang nakita ko sa kanila.

"I'm happy for you baby"

"I bet he's gonna be handsome like his tito Claude"

"Nagbubuhat ka na naman ng sariling bangko, kuya" irap ko sa kanya at tinawanan lang ako.

"May balak ka bang ipaalam sa mga Leverson?" Nag iingat na tanong ni kuya Skai sakin.

"Wala kuya, wala akong balak. Akin ang anak ko"

Di ko hahayaang makuha nila sakin ang anak ko, though ilalapit ko ang pangalan ni baby sa pangalan ng tatay nya kahit papano. May puso pa din naman ako, dinurog lang nila.

Wala din akong balak sabihin kay Driel na magiging tito na sya, siguro next time na. Alam kong maiintindihan ako ni Driel kung bakit di ko sinabi sa kanila.

I know it's unfair to them pero wala na akong pakielam, akin ang anak ko. Magkamatayan man, akin ang anak ko.


Sorry for a short update (kung may nagbabasa man) - DJEKS_X

LOVE THE RAIN (CS #1) [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt