CHAPTER 14 : FINALS

15 2 0
                                    

Malapit na finals, actually next week na kaya naman todo review kaming dalawa ni Driel dito sa canteen. Naalala ko sina kuya nung nagrereview ako dito last school year, kinukulit nila ako at nag ooffer silang tutulungan nila ako.

"Ate, mamaya ulit. Pahinga muna natin utak natin, baka mamaya wala na tayong maintindihan sa inaaral natin. Kain muna tayo"

Tumango naman ako bilang sagot, tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Driel

"Ako na bibili ate, libre ko na sayo kasi tinutulungan mo kong magreview ngayon"

"Hindi.."

"Hindi? Ayaw mong ilibre kita?" naguguluhan nyang tanong

"Hindi ako tatangi sa grasya HAHA ikaw na bahala sa pagkain ko basta masarap"

"HAHA sige ate, akala ko naman kung ano na"

Tumungo naman muna ako sa table para makaidlip dahil kulang ako sa tulog kakareview

At lumayas na sya sa harap ko para bumili ng pagkain ng biglang may tumabi sakin

"Kung sino ka man mamaya mo ko guluhin, maawa ka sakin at sa utak kong dugo dugo na" madrama kong sabi dun sa tumabi sakin pero nang maamoy ko ang pabango nya ay nakilaka ko agad kung sino

"Little boy, kung guguluhin mo ko please mamaya na wala akong oras makipagasaran sayo ngayon"

"Oh kuya ikaw pala yan" boses yun ni Driel, ang bilis naman nya

"Sorry kuya, para samin lang ni ate Raine ang binili ko. Di ko naman kasi alam na darating ka, di ka man lang nagsabi o nagtext man lang sakin"

"Shh" rinig kong saway ni Axh kay Driel pero hinang hina akong buksan ang mga mata ko

"Pretty baby, kain ka muna bago ka magsleep" boses yun ni Axh

"5 minutes little boy" I negotiated pagod talaga ang lola nyo ngayon kakareview

"But pretty-"

"No buts please?"

Di na sya sumagot so ibig sabihin nun YES. After 5 minutes kusa naman akong nagmulat para kumain, nagulat lang ako dahil titig na titig sakin si Axh.

"Problema mo little boy? Crush mo ko 'no? HAHA" pang aasar ko sa kanya

Namula naman sya at nag iwas ng tingin sakin HAHA nabading na naman si little boy. Nakalimutan ko ang gagawin ko dapat lalo na nung makita ko ang notes ni Driel

"Driel, patingin ako ng notes mo di kasi kumpleto yung sakin"

Iaabot na sana ni Driel yung notes nya ng bigla yung inagaw ni Axh

"Mamaya ka na magreview ulit pretty, kumain ka muna, please?"

Inirapan ko sya "Fine" natawa naman sya kahit walang nakakatawa. Gutom na din pala talaga ako

After kong kumain ay nagreview ulit kami ni Driel si Axh naman tinatama kami kung may mali o tinutulungan kami kapag may di kami nagegets

Habang nagrereview kami ni Driel ay nawala sa tabi ko si Axh pero di ko yun pinansin kasi baka nabored lang dito or nagbathroom break

"Hey, tama na yan miryenda muna tayo" boses yun ni Axh na may dala dalang tray na puno ng pagkain

"Little boy, pwede bang mamaya na? Nagrereview kasi kami" habang di ko sya tinitignan at nakafocus sa notes ni Driel

LOVE THE RAIN (CS #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now