CHAPTER 42 : FIRST LOVE

10 1 0
                                    

AGATHA'S POV

The man I love just left me in our own wedding, and now he's with Raine.

'Ano bang meron si Raine na wala sakin?'

'Maganda din naman ako, sexy, babae, may mani din naman ako'

'Ano bang mali sakin?'

Alam kong kasalanan ko noon kung bakit naghiwalay kami ni Davin, para sa pangarap ko, para ipagpatuloy ang modeling career ko sa Italy. Pero narealize ko, wala palang silbi ang success ko kung wala sakin ang taong mahal ko. Kaya naman binawi ko lang mula kay Raine ang akin naman talaga.

"Stop following me, woman. I'm not interested" pagsusungit sakin ng gwapong 'to, napaka gwapo nya talaga.

"I like you, I really like you"

"Hindi kita gusto" pangrereject nya sakin.

Kaya naman nagplano kaming magkakaibigan na lasingin sya at gawin ang plano.

He's my first and I'm his, dahil dun naging kami.

Tumagal naman kami, siguro natutunan nya din akong mahalin, o hindi? Siguro dahil sabik lang sya sa kapatid na babae o hindi kaya'y miss na miss lang nya talaga ang first love nya.

May ipinakita sya saking picture, dalawang bata, isang babae at isang lalaki. Kitang kita ko ang ngiti sa mga labi nya, never ko po syang nakitang ngumiti ng ganun kapag kasama nya ako.

"Sya si Raine, kababata ko. Ang first love ko" binulong nya ang dulo, akala nta siguro hindi ko narinig.

Masakit. Ako ang girlfriend nya pero iniisip nya ang first love nya.

Totoo nga siguro ang kasabihang 'First love never dies', I want to brake the stereotype of that and to prove that he can love me better and more than his first love.

Nagkaroon ako ng offer sa Italy for my modeling career and kapag tinanggap ko ang offer ay kailangan kong umalis sa mismong anniversary namin.

Tinanggap ko ang offer kahit na ayaw ni Davin, nagbreak kami.

Huling balita ko sa kanya noon, bumalik na ang pamilya nila sa Pilipinas. Then after 2 years, nabalitaan kong may girlfriend na sya.

Masakit. Ako kasi dapat yun.

4th anniversary nila ng girlfriend nya nang mapadpad sila dito sa Paris, nandito kasi ako para sa isang Fashion show.

Ginawa muli naming magkakaibigan ang ginawa namin noon, ang lasingin sya at gumawa ng milagro.

2 linggo nang makabalik sila sa Pilipinas, sinend ko sa girlfriend nya ang video namin ni Davin noong nasa Paris sila.

Nabalitaan ko na lang na naaksidente sya nang araw na din yun at wala syang maalala.

I take advantage of the situation. Nagpakilala akong girlfriend nya with our pictures together noon and he believed me.

Ngayon nakakaalala na sya, the wedding is off.

Bumalik na sya kay Raine.

Ang babaeng mahal nya at mahal sya.

I saw the pain in Raines' eyes when Davin introduced me to her as his girlfriend, she's in deep and real pain.

Pero nang makita ko silang magkausap ni Davin sa veranda, natakot ako. Baka maalala sya ni Davin, that's why inaway ko sya. And she left, nawalan kami ng balita sa kanya.

LOVE THE RAIN (CS #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now