CHAPTER 45 : RING

13 1 0
                                    

Hapon na nang magising ako dahil sa isang ingay, tangina nagpapahinga yung tao dito. Ang iingay nila, mga bading ata 'tong mga 'to. Dinaig pa si Dhanikha at Criesthal sa kaingayan.

But hearing my son cry, ibang usapan na yan. Dali dali akong bumagon at bumaba kahit na pagod pa din ako at masakit ang pagkababae ko, it's my crying son we're talking about.

Nawala ang pag aalala ko nang makitang buhat buhat lang naman ni kuya Claude si David, si kuya Skai naman ay nasa harap ng laptop nya at si Davin ay tulalang nakaupo sa sofa, nababaliw na naman ang isang 'to.

"Anong meron?" Bungad ko sa tatlo na animo'y nanigas kung nasaan man sila, unang nakabawi ang mga kuya ko at lumabas patungong garden kasama si David, kaya naman naiwan kaming dalawa ni Axh dito sa sala.

Dinaluhan ko sya at tinabihan, ni hindi man lang inihiwalay ang paningin sakin na para bang pag ginawa nya yun ay mawawala ako sa kanya.

"Okay ka lang?" Nagulat na lang ako ng bigla nya akong kabigin papalapit sa kanya at ibinaon ang kanyang ulo sa pagitan ng aking leeg at balikat. "Anong nangyaru? Okay ka lang ba?" Mas humigpit pa ang yakap nya sa akin at umiiyak na bumulong.

"Wala ka nang kawala sakin.."

Lumayo sya sa akin para titigan ako na para bang napakaespesyal ko. At iniumang ang kanyang kamay sa akin, dahan dahang bumukas ang kanyang palad at nakita ko ang isang bagay na pinakatatago tago ko, nahanap na nya.

Ang engagement ring ko.

Isinuot ko yun sa anak ko at ginawang anklet ng kuwintas nya, nahanap na ni Axh.

"Akin ka na.." kitang kita ko ang emosyon sa mga mata nya, pagmamahal, pagsusumamo, at kumpiyansa.

Ibinalik ko ang tinggin sa singsing na nasa harapan ko. Isinuot nya ito sa akin nang hindi inaalis ang tinggin, habang ako'y nasa singsing ang pansin.

"We're getting married, baby"

Hinagkan nya akong muli at umiyak sa saya.

Wala na nga akong kawala, ayaw ko din kumawala.


CLAUDE'S POV (first time) [kita kits tayo sa story ko~!]

"Ang hina mo naman Davin, pakasalan mo na kapatid ko" umpisang asar ko sa future brother-in-law ko. Dun din naman kasi ang punta nun.

"Papakasalan ko si Raine, kailangan ko lang mahanap ang singsing nya noon"

"Bilhan mo na lang ng bago, yung katulad noon. Di yun mahahalata ng kapatid ko"

"Mahahalata nya yun, tsaka baka di ako pakasalan kapag bagong singsing ay ibibinigay ko"

"Papakasalan ka nun, sus mahal ka nun e"

Sa halos dalawang taong pabalik balik sa US, alam kong hindi nawala ang pagmamahal ni Raine sa kaibigan ko. Di kami nagsasalita ni kuya Skai tungkol kay Davin dahil gusto naming si baby ang magtanong samin, pero wala.

"Sana makaalala ka na, sana maalala ko na ako. Ako na mahal mo, ako na magiging mommy ng anak natin"

Rinig ko mula sa kuwarto ng kapatid ko isang gabi habang umiiyak sya, kaya hindi ako naniniwalang nawala ang pagmamahal nya kay Davin.

Ang tanong.. Nasan ang singsing?

Kahit ako nababagabag dahil gusto ko ng sumaya ang kapatid ko, at ang singsing na yun ang paraan para sumaya ang dalawang malapit sa buhay ko. Lalo na para sa gwapo kong pamangkin na manang mana sakin, soon magkakapinsan ka rin.

LOVE THE RAIN (CS #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now