CHAPTER 4: REVELATION 1

27 4 0
                                    

Kinabukasan, nakakagulat dahil umagang-umaga ay hindi ako niratrat ni Tita. May sakit kaya siya?

"Tita, okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, huwag kang mag-alala, Majentha, wala akong sakit, hindi pa ako mamamatay kaya huwag kang atat." Adbans ni tita, wala nga 'yan sa isip ko.

"May naalala lang ako kaya ako tahimik, Majentha." Dagdag pa niya. Sungit ni Tita, magmemenopause na siguro kaya ganyan.

"Okay, sige, Tita papasok na po ako." At umalis na nga ako.

Pagkadating ko sa school ay medyo nagkakagulo sila palabas ng mga Rooms. May artista ba? Model? May shooting? Pwede kayang mag-extra?

"Nandito na pala ang Kwin Op Dans Plor!" Rinig kong sabi no'ng isa pagkadaan ko sa room nila.

"Maganda na talented pa, sa'n ka pa? Kay Raine ka na!" Natawa naman ako do'n sa sinabi no'ng isang baklang nagpapaypay sa gilid.

Ako pala ang pinag-uusapan, akala ko may artista na.

Nauna ang P.E Class namin ngayon at nabanggit samin ang First Project namin. Isang hip-hop piece ang gagawin namin as a whole section then ilalaban kami ni Sir sa mga hawak niyang section, in short COMPETITION.

Kung pwede lang pumatay ng teacher matagal na akong maraming napatay. Tanginang buhay.

Habang papunta ako sa susunod na klase ko may hindi ako inaasahang makikita ko sa school na ito, ang lalaking nakikita ko sa panaginip ko, shocks totoong tao sya? O baka naman naaaning na ako? Baka dahil sa pagod naghahallucinate ako? Nakatingin ito sa'kin at lumapit.

Shett ang aking paking hart ay mas bumilis ang tibok, hindi dahil sa adrenaline rush kundi dahil sa lalaki sa harapan ko ngayon.

"Ikaw si Raine, hindi ba?" Tanong niya sa'kin. Nakatitig lang ako sa kanya at hindi siya masagot, hindi ko alam ang isasagot ko ghaadd ghOrl napipi na ata ako, I do agad.

"Ako nga pala si Skai," pagpapakilala niya sa'kin.

Skai? Omgg take me to the sky charr ang harot ko sa lagay na 'to. Kalma lang selp, si crushie lang 'yan hehe

"Skai ang pangalan mo?" Manghang tanong ko sa kanya, hindi ako makapaniwala, okay? Blue kasi ang tawag sa kanya sa panaginip ko.

"Oo miss, Skai ang pangalan ko. Ikaw si Raine, hindi ba?" Tanong niya ulit. Tumango ako bilang sagot dahil amaze pa rin ako hanggang ngayon. Tangna nasa harap ko si crush hehe.

"Totoong tao ka?" wala sa sarili kong tanong at nagulat naman siya sa tanong ko at biglang natawa.

"Oo, Raine, tao ako, pareho tayong tao. Ano bang akala mo?"

Prince charming ko hehe or hindi kaya man of my dreams hehe harott mo, Raine.

Umiling ako at hanggang ngayon ay mangha sa kanya, "I-Ikaw kasi i-iyong nakikita ko sa p-panaginip ko."

Bahagya namang kumirot ang ulo ko.

"Napapaniginipan mo ako?" Siya naman ang namangha ngayon, tumango ako bilang sagot.

Magsasalita pa sana ako nang may mokong na dumating. Oo nga pala nagyaya ang mokong na 'to na sabay kaming maglunch.

"Kuya Skai, anong ginagawa mo dito? Miss mo ko?" Tanong ni Claude kay Skai.

WAITTT Ohmaygulay! Ghaadd KUYA? MAGKAPATID SILA?

Gwapo naman ng kapatid ni Claude, pero hindi sila magkamukha. I mean iba ang features nila, parehong gwapo pero mas nakakaakit si Skai. Malambot ang features niya bagay na bagay sa pangalan niyang Skai. Habang si mokong na Claude naman ay medyo fierce ang features pang-badboy kumbaga.

LOVE THE RAIN (CS #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now