Simula

1.9K 79 12
                                    

Simula

MASUYONG hinaplos ni Ares ang malamig na marmol sa sahig. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman habang nakatingin sa pangalan na nakaukit doon.

"How are you?" mahinang aniya na tila ba may kausap siyang talaga.

Napabuga siya ng hangin. Wala siyang makapang lungkot sa puso niya. He was contented on what he have right now.

"I just want to say goodbye. Thank you for loving me. I loved you and you'll always be in my heart. But I found someone and I love her." He smiled. "I love her," ulit niya.

Napahugot siya ng hangin. "Sinabi mo sa akin noon na may makikilala pa akong babae na magmamahal sa 'kin ng labis, 'yong babaeng mamahalin ako nang higit sa pagmamahal na inukol mo sa akin. Nakilala ko na siya."

Kaagad niyang pinunasan ang luhang pumatak sa kanyang pisngi. "Gusto kong magpasalamat. Dahil sa tulong mo, naging malakas ako. Salamat. Our memories will always be in my heart. Hindi 'yon mabubura. Pero kasabay no'n ay ang pagbuo ko ng mga panibagong alaala kasama siya.

"I'm happy now. I'm finally happy and contented with my life." Napangiti siya. "I hope you're happy there as well..."

Coffee...

His Beautiful Surrender (Beautiful Trilogy #2) (Published under PHR)Where stories live. Discover now