Kabanata 22

667 59 8
                                    

Kabanata 22

"MASYADO kang nahihilig sa blindfold, Ares," natatawang ani Coffee.

Nakasakay siya sa sasakyan ng lalaki. Sinundo siya nito sa bahay niya. Pinag-ayos siya nito at sinabing may sorpresa at regalo ito sa kanya.

Today was her birthday. She was excited. She was thankful to the Lord for giving her another year with her loved ones. And every night, she was thanking the Lord for letting her live.

Nang sinakay ni Ares si Coffee sa sasakyan ay kaagad nitong piniringan ang mga mata niya para hindi daw niya makita ang pagdadalhan nito sa kanya.

"Oh shush."

Humalukipkip siya at napalabi. Kahit hindi niya nakikita, alam niyang nakangisi ngayon si Ares.

"Are we there yet?"

"Malapit na."

Paglipas ng limang segundo, muli siyang nagtanong. "Are we there yet?"

"Malapit na."

"Are we there—"

"Nandito na tayo," putol ni Ares sa pangungulit niya. Tumatawang ginulo nito ang buhok niya.

Akmang tatampalin niya sa braso ang lalaki nang hangin ang natamaan niya. Nakapiring nga pala siya, wala siyang makita.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto ng sasakyan. Kahit hindi nakikita, alam niyang si Ares ang may-ari ng kamay na humawak sa bisig niya.

"Careful. Baka mauntog ka," anito.

Ipinatong nito ang isang palad sa ulo niya para maiwasan ang pagkauntog sa pintuan ng sasakyan.

"Nasa mall tayo ulit?"

"Just wait and see."

"Paano ko makikita, nakapiring ako?"

"Pilosopo. Bilang kang one to one hundred—"

"One, two, one hundred. Okay na?"

"'Kulit mo, short stuff. Puwede ba kitang ilagay sa bulsa ko? Magkakasaya ka d'on, maliit ka naman, eh."

Pinalo niya ang braso nitong nakapulupot sa beywang niya. "I'm fun-sized, not small!"

Napapikit siya nang bigla na lamang inalis ni Ares ang piring niya sa mata. Dahil sa pagkukulitan nila, nawala sa isip niya ang sorpresa nito.

Nang dumilat siya, ang bumungad sa kanya ay ang mga 'alaga' niya sa Children's ward. Dito pala sa ospital siya dinala ni Ares.

"Happy birthday, Ate Coffee!" sabay-sabay sigaw ng mga bata, kasunod niyon ay ang pagkanta ng mga ito ng birthday song.

Nakasuot ng party hats ang mga bata. Kahit mga naka-upo sa kama, hindi matatawaran ang nakita niyang kasiyahan sa mukha ng mga ito.

Inikot niya ang paningin sa loob ng ward. Nandoon din ang daddy niya, ang mga magulang ni Ares, pati na rin sina Kitkat at Milo. Naglagay ng mesa si Ares na may birthday cake, hotdogs with marshmallow, spaghetti, juice, chicken lollipops, sandwich, at ice cream. Mistulang children's party ang kaarawan niya pero ayos lamang sa kanya.

"We love you, Ate Coffee!"

"Hipan mo na cake mo, ate!"

"Gutom na ako!"

"Wish, wish!"

Biglang sumulpot si Ares bitbit ang cake. Pumikit siya at piping humiling.

Please. Is it too much to ask for another second, minute, hour, day, week, month, and year with them?

His Beautiful Surrender (Beautiful Trilogy #2) (Published under PHR)Where stories live. Discover now