Kabanata 15

635 55 6
                                    

Kabanata 15

"I STILL need to finish the requirements for the community service. Then the last part of the research paper. Then the final papers for graduation." Napabuga na lamang ng hangin si Coffee habang iniisa-isa ang mga dapat niyang gawin at tapusin.

Nandito siya sa library at naghahanap nang ipandadagdag sa research paper niya. Wala naman na siyang problema sa community service dahil tatlong araw na lamang ay maaabot na niya ang karampatang oras na required doon. Kailangan na lamang niyang fill-up-an ang community service manual na binigay ng professor sa kanilang lahat.

Ilang gabi rin niyang pinagpuyatan ang research paper kaya nga halos patapos na rin siya dito.

Tumayo siya subalit kaagad din napaupo nang bigla siyang nahilo. Nasapo niya ang ulo at bahagyang tumungo dahil sa panandaliang pagdilim ng paningin.

She counted from one to ten in her mind.

Kasabay niyon ay ang biglaang paninikip at pagkirot ng kanyang dibdib. Sa nanginginig na kamay ay inabot niya ang kanyang bag upang kuhanin sana ang kanyang gamot. Bago pa man niya mabuksan ang zipper ay nabitiwan niya ang bag at bumagsak iyon sa sahig.

She pressed her hand on her chest because of too much pain. Namumuo na ang pawis sa kanyang noo.

She tried to grab her cell phone to call somebody but her sight was blurring inch by inch.

"I'm s-sorry, Ares..." mahinang aniya bago nagdilim ang kanyang paningin.

KAHIT hindi magmulat ng mga mata, alam ni Coffee na nasa ospital siya. Sanay na siya sa amoy ng ospital. Pilit niyang inaalala kung bakit siya nandito.

"Bakit nangyari na naman ito, doc? She underwent surgery already! Iniinom niya ang mga gamot niya. Ano'ng nangyari mali, doc?"

"I've already told you before that this illness is a traitor. It might seem like it was doing okay but along the way, it may fail. The surgery was a success, it should help in preventing cardiac arrest. We gave medicines that we hope will cure her but I'm sorry to tell you but her heart was growing weaker each day."

Pakiramdam niya ay may sumuntok sa sikmura niya nang marinig ang winikang iyon ng kanyang doktor.

Noong maliit si Coffee, ang akala nilang lahat ay simpleng asthma lamang ang sakit niya. Noong lumaki siya ay saka na-diagnose na sa puso na pala ang sakit niya. Hypertrophic Cardiomyopathy. Kumakapal daw ang muscles sa puso niya dahilan upang hindi maging maganda ang daloy ng dugo sa puso niya. Iyon pala ang sanhi nang paninikip ng kanyang dibdib, kadalasang paghihimatay, at kirot sa kanyang dibdib.

Ang sabi ng doktor ay maaaring namana niya ang sakit na ito sa inay niya.

Binigyan siya ng gamot at ilang taon din na pakiramdam niya ay wala siyang sakit. Hanggang sa sunud-sunod ulit ang naging atake ng sakit niya. Her doctors told her she needed to undergo surgery to avoid heart failure. Coffee was given different set of medicines as well.

The surgeon implanted a pacemaker in her chest. Mino-monitor nito ang tibok ng puso niya.

Ang akala niya, okay na 'yon. Bakit ganito ngayon ang sinasabi ng doktor? She had been fine. She was happy, she was finally living her life. Bakit ngayon kung kailan may nakilala siyang taong nagmamahal sa kanya ng lubos?

"This illness is at risk of sudden cardiac death. The pacemaker we placed on her was just a mere tool to help reduce the chance of her undergoing cardiac arrest. The medicines are not working anymore—"

"Ano'ng gusto mong palabasin? Na hahayaan ko na lang na mamatay ang anak ko, ganoon ba, doc?!"

"No, of course not, Mr. Salvacion. We can still do a heart transplant."

"Then do it!"

"Hindi po ganoon kadali iyon, Mr. Salvacion. Hindi lamang po ang anak ninyo ang nangangailangan ng puso. We will place her in the waiting list. At hindi rin po basta-basta ang magiging treatment. Kailangan pong compatible sa kanya ang puso—"

"Just help her, doc. Kailangang gumaling ang anak ko."

"We will do our best, Mr. Salvacion."

Wala na siyang narinig bukod sa pagbukas-sara ng pintuan.

Naramdaman na lamang niya ang paggagap ng kanyang ama sa palad niya.

"I know you are awake, Coffee," anito.

Dumilat siya. Bumungad sa kanya ang pagod at hapis na mukha ng kanyang ama. Bumalot ang guilt sa dibdib niya.

"Dad, am I dying?" hindi niya napigilang tanong dito.

Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. "Of course not. Gagawin ko ang lahat para gumaling ka, anak. Lahat para sa 'yo."

"I'm scared, dad."

"Sshh." Hinawi ng daddy ni Coffee ang buhok niyang dumikit sa kanyang noo. "It will be okay. Everything will be okay. Hindi ako papayag na hindi. Kailangan mo lang maging malakas, Coffee. I will do the rest."

Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa palad ng daddy niya kahit tila walang lakas ang kamay niya.

IT WAS that dream again, iyon ang nasa isip ni Coffee nang nagmulat siya ng mga mata. That dream really happened. Iyon ang dahilan nang pakikipaghiwalay niya kay Caleb.

Nang ang puting kisame ang bumungad sa kanya—at naamoy niya ang pamilyar na amoy ng ospital—naalala niya kaagad ang nangyari.

She passed out because of too much pain. Again.

Nang may naramdaman siyang pumisil sa kamay niya ay napatingin siya doon.

Ares was smiling at her though she could read the weariness on his eyes.

Masuyo nitong hinaplos ang pisngi niya. "You can go back to sleep, short stuff. I'm just here." Pinisil nito ng tatlong beses ang palad niya.

It'll be okay, iyon ang ibig sabihin niyon.

She smiled at him. She believed him.

Pinisil niya nang isang beses ang palad nito.

Unti-unti siyang pumikit hanggang sa muli siyang binalot ng dilim. Subalit bago tuluyang tawagin ng dilim ay naramdaman pa niya ang pagpisil nito ng dalawang beses sa palad niya.

His Beautiful Surrender (Beautiful Trilogy #2) (Published under PHR)Where stories live. Discover now