Kabanata 24

694 52 23
                                    

Kabanata 24

"OKAY. Tell me what's wrong."

Gulat na binalingan ni Coffee si Ares. "Ano'ng problema? Syempre wala!" pagmamaang-maangan niya.

Kunot na kunot ang noo ni Ares at halatang hindi ito naniwala sa pagsisinungaling niya. "Short stuff, tell me what's bothering you," anito sa masuyong tinig.

Napahugot siya ng hangin. Tama bang pati takot at pangamba niya ay iasa niya sa lalaki?

Naglalakad-lakad sila sa parke na malapit sa subdivision na tinutuluyan niya. Ang sabi nito, makabubuti sa kanya ang pang-umagang araw pati na rin ang bahagyang ehersisyo na ito.

Huminto sa paglalakad si Ares kung kaya't napahinto rin si Coffee. Ginagap ni Ares ang magkabila niyang palad at marahan iyong pinisil. "Puwede mong sabihin sa akin kung anuman ang bumabagabag sa 'yo, Coffee."

"May nahanap ng puso para sa akin," aniya sa mahinang tinig.

Kitang-kita niya ang pagliwanag ng mukha ni Ares. Bukod doon ay may ngiting dumungaw sa mga labi nito. "Hindi ba't magandang balita iyon?"

"Natatakot ako. Kinakabahan ako. Papaano kung—" Ipinatong nito ang dalawang daliri sa labi niya upang pahintuin siya sa pagsasalita.

"It's normal to be scared, Coffee. Pero... Ah, let's go," biglang aya nito.

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Nagtataka man si Coffee sa inakto ni Ares ay tahimik na sumunod na lamang siya dito.

Huminto sila sa isang simbahan. Nakabukas ang pinto ng simbahan kung kaya't nakapasok sila ni Ares. Nag-sign of the cross siya kagaya ni Ares. Napansin niyang iilan lamang ang tao sa loob, siguro ay dahil walang misa sa mga oras na ito.

Dumiretso sila ni Ares sa pinakaharapan.

The both kneeled behind the pew.

Before closing her eyes, she heard Ares' said in a soft voice, "Kung may takot ka, walang ibang taong makakapag-alis niyan kundi Siya. Sabihin mo sa Kanya lahat ng takot mo, makikinig Siya."

Pumikit na siya. Hindi niya alam kung papaano magsisimula. Nakakahiya man aminin subalit dumating noon sa puntong nagalit siya sa Diyos dahil pakiramdam niya ay iniwan siya Nito. Pakiramdam niya, sa bawat pagkakataon na nahihirapan siya, na nasasaktan siya, binitiwan siya ng Diyos. Mali pala siya.

Faith. She have found the faith she had lost before.

Ang dami ko pong gustong sabihin Sa 'yo pero hindi ko alam kung papaano magsisimula. Patawad po kung dumating 'yong puntong tila tinalikuran Kita. Malinaw na po ang lahat sa akin. Salamat po sa pagsubok na ito. Salamat po dahil tinulungan Mo akong maging malakas. Kung may hihilingin man po ako, iyon po ay ang panibagong lakas ng loob upang harapin pa ang darating na pagsubok sa buhay ko.

Ilang minuto pa ang lumipas bago siya natapos magdasal. Umupo na siya at binalingan si Ares na hanggang ngayon ay nakapikit pa rin at nagdarasal.

Naisip niyang ang kagaya nitong lalaki, 'yong marunong lumuhod sa Diyos, ay ang klase ng lalaking kayang harapin kahit anong pagsubok sa buhay.

Dumilat na si Ares at nag-tanda. Umupo na ito sa tabi niya. Inabot nito ang kamay niya at pinisil, na tila ba binibigyan siya nito ng lakas sa pamamagitan niyon.

"Natatakot ako, Ares. Natatakot akong hindi na magising pa. Naiintindihan ko naman na kailangan ko 'to, na pagsubok lamang ito. Pero hindi ko maiwasang matakot na baka iwan ko kayo," aniya sa mahinang tinig habang ang mata ay nakatutok sa harapan. "Nakakainis na ako, 'no? Ilang ulit ko nang sinasabi na malakas ako, na kaya ko 'to, pero tingnan mo ako, hindi pa rin ako nagbabago."

"Kahit naman ako ay natatakot din, Coffee." Napabaling siya kay Ares. "Natatakot akong mawala ka. Sino ba ang hindi matatakot, 'di ba? Pero naniniwala ako na malalagpasan mo ito. Naniniwala akong malakas ka. Naniniwala akong kaya mo 'tong labanan kasi may babalikan ka. Ako at ang daddy mo. Sapat na 'yon para balikan mo kami, 'di ba?"

Biglang tumayo si Ares at inilahad ang palad sa harapan ni Coffee. Nagtataka man ay ginagap niya ang palad nito.

Naglakad ito papunta sa tapat ng altar. Pinihit ni Ares si Coffee paharap sa lalaki. Itinakip nito ang palad sa mga mata niya. Ang isang palad nito ay hawak-hawak ang isa niyang kamay.

"Ilang taon mula ngayon, babalik tayo dito. Magkakaroon ng disenyo ang paligid. Makakasama natin si Tito Pol maging ang mga magulang ko. Kung pupuwede, pati ang mga bata sa ward, makakasama natin. Lahat sila ay may ngiti sa mga labi."

Sa isip niya ay nakikita niya ang inilalarawan ni Ares sa kanya. Napangiti siya sa naiisip ngayon.

Inalis ni Ares ang palad sa ibabaw ng kanyang mga mata subalit nanatili siyang nakapikit.

"I'll be here at the altar, wearing whatever color of suit you want me to wear, waiting for the most beautiful bride ever." Masuyong hinaplos ni Ares ang kanyang pisngi. "Then you are there, standing beside your father, walking towards me wearing your gown with that wonderful smile on your face. You will be standing beside me and we will face the priest together, hand-in-hand."

God. She could totally envision what he was saying right now. She could almost hear the bells and she could feel the excitement.

Napadilat siya kasabay nang pagpatakan ng luha sa magkabila niyang pisngi. She noticed that Ares' eyes were misty as if he was shedding tears as well.

Pinunasan nito ang luha sa magkabila niyang pisngi. Pinagdikit nito ang mga noo nila. Kitang-kita niya ang pagmamahal sa mga mata ni Ares habang nakatingin sa kanya.

"Habang nakaharap tayo sa isa't isa, sasabihin natin ang wedding vows natin," anito at idinugtong sa mahinang tinig ang, "I, Ares Jervis Roxas, take you Coffee Salvacion, to be my wedded wife. To have and to hold, from this day forward; for better or for worse; for richer or for poorer; in sickness or in health; to love and to cherish 'till death do us part."

Lumunok siya upang pigilan ang pag-alpas ng hikbi sa kanyang mga labi. Sobra-sobrang emosyon ang nararamdaman ni Coffee sa mga oras na ito. Parang bulkan ang puso niya na sasabog anumang oras mula ngayon.

"I, Coffee Salvacion." Napahinto siya dahil gumagaralgal ang tinig niya sa labis na emosyon na hindi niya kayang pigilan. Lalo pang lumapit sa kanya si Ares at pinisil ang kanyang palad ng tatlong beses. He smiled at her despite the tears on his eyes. "Take you Ares Jervis Roxas to be my wedded husband. To have and to hold, from this day forward; for better or for worse; for richer or for poorer; in sickness or in health; to love and to cherish 'till death do us part."

"We will make this real, Coffee. Kaya lalaban ka para mangyari 'to."

"Ares..."

"I now pronounce you man and wife. You may kiss the bride."

Sabay pa silang napabaling ni Ares sa nagsalita. Hindi nila namalayang may pari na pa lang nakatayo sa may altar.

Nginitian sila ng pari. "Hihintayin ko ang pagbabalik ninyo. Nawa'y gabayan ng Panginoon ang pagmamahalan niyong dalawa."

Magaan siyang hinalikan ni Ares sa labi.

"Maraming salamat po, father."

Nang nakalabas sila ng simbahan, pakiramdam ni Coffee ay nawala ang mabigat na bagay na nakapatong sa kanyang dibdib.

Nakangiting binalingan niya si Ares. "I love you, Ares."

"Mahal din kita, Coffee."

Humilig siya sa balikat nito at pumikit. Peacefulness... she liked it.

His Beautiful Surrender (Beautiful Trilogy #2) (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon