Kabanata 8

663 58 10
                                    

Kabanata 8

NAPADAKO ang tingin ni Coffee sa mga bitbit na plastic bag ni Ares. Saktong alas-otso nang nag-doorbell ang lalaki at ito nga ang bumungad sa kanya.

"Good morning, short stuff," he greeted her.

Kaagad naman niyang nginitian ang lalaki. "Good morning."

Pinasadahan niya ng tingin si Ares. He was wearing a simple black shirt, black cargo pants, and rubber shoes. Simple ang suot nito pero bumagay iyon sa lalaki. Idagdag pa ang ngiting nasa labi nito. His smile was like the sun; he was fresh and was giving light to those who was seeing it.

Napahawak siya sa tapat ng dibdib nang tila bumilis ang tibok ng puso niya. It was early in the morning and her sickness was already greeting her.

"May masakit ba sa 'yo, short stuff?"

Or maybe it was because of something else?

Umiling siya at nilakihan ang pagkakabukas ng pinto. Sinenyasan niyang pumasok si Ares. Kaagad naman itong tumalima.

"Ano 'yang mga dala mo?" tanong niya sa lalaki habang naglalakad silang dalawa papunta sa kusina.

"Baking needs," sagot nito. "We will bake cookies and a chocolate cake."

Alam niyang lumiwanag ang mukha niya nang marinig ang isinagot nito. "Marunong ka?"

Napakamot ito ng batok. "No. Pero may dala akong cook book." He smiled sheepishly.

Hindi niya napigilang magtawa lalo pa't ang cute ng hitsura nito sa mga oras na iyon. Hindi angkop ang salitang "cute" kay Ares pero "cute" ito dahil sa inakto nito.

Tinulungan niya ang lalaki sa pagsasalansan ng mga gagamitin nila. Natutuwa siya dahil hinahayaan siya ni Ares na gawin ang gusto niya. Hindi siya nito pinipigilan at hindi nito pinaparamdam na mahina siya kahit na ba alam nito ang sakit niya.

Pero sa sulok ng mata niya ay nakikita niyang binabantayan siya nito.

It felt nice. Tila ba hinahayaan siya nitong ibuka ang pakpak niya pero nakasunod naman ito sa kanya, na tila ba handa itong saluhin siya sa oras na manghina siya.

Pumuwesto siya sa counter. Binasa niya ang instructions na nasa libro at sinunod ang nakasaad doon. Sa tabi niya ay ganoon din ang ginagawa ni Ares.

"Hey, short stuff."

Napalingon siya kay Ares. Nanlaki ang mata niya nang maramdaman ang pagtusok ng daliri nito sa kanyang pisngi.

Pinaningkitan niya ng mata ang lalaki. Kasabay niyon ay ang tila pagbalot ng mainit na bagay sa kanyang puso nang marinig ang buo nitong pagtawa.

"Cute," he murmured.

Pinunasan niya ang malagkit na batter mixture sa pisngi. Napasimangot siyang lalo nang bigla na naman nilagyan ni Ares ng batter mixture ang mukha niya.

"Ares!"

He just grunted. Ibinalik nito ang pansin sa paghahalo na tila ba wala itong ginawang kalokohan sa kanya.

Ginaya niya ang lalaki. Isinawsaw niya ang hintuturo sa batter mixture.

"Ares," tawag niya sa lalaki.

Ngumisi ito. "I won't fall for that trick, short stuff."

She stuck out her tongue at him. But deep inside, she felt really happy and light.

"Hindi ko alam kung tama 'tong ginagawa ko," biglang aniya.

"'Wag kang mag-alala, hindi ko rin alam kung tama 'tong ginagawa ko."

Naiiling subalit nakangiting pinalo niya sa braso ang lalaki. He was very supportive, so to say. There was one thing she realized regarding Ares. He could be funny if he wanted to.

"Where's the measuring cup—ah, there it is."

Bago pa niya maabot sa lalaki ang hinahanap nito ay nauna na itong kumilos. Mula sa kanyang likuran ay dumukwang ito para maabot ang measuring cup.

Damang-dama niya ang init na nagmumula sa katawan nito. Sumagi din sa likuran niya ang dibdib nito. Bahagya pa siyang nanigas sa kinatatayuan nang nanatili itong nakadikit sa kanya mula sa likod.

Wait. Did he just sniff her?!

"Hindi ka pa naliligo, 'no?" biglang anito.

"Hey! Ang kapal mo ha!" Walang salitang binuhusan niya ng flour si Ares.

Natatawang lumayo ito sa kanya habang nakataas ang magkabilang-kamay na tila sumusuko. "Sorry, sorry."

"Hmp!"

Tinalikuran na niya ang lalaki at binalikan ang ginagawa.

"Coffee," untag nito.

Binalingan niya si Ares kasabay nang pagtama ng daliri nito sa ilong niya.

"Ares! Namumuro ka na talaga sa 'kin!" gigil na aniya.

"You look cute," kumento nito.

Humalukipkip siya at tiningnan ito nang masama.

"Sorry na. Sige, bibigyan kita ng pagkakataon na gantihan ako," anito at pumikit.

Isang pilyang ideya ang pumasok sa isipan niya.

Gamit ang kamay ay dumakot siya ng batter mixture at pinunas iyon sa magkabilang pisngi ni Ares. Hindi pa nakuntento, ikinalat niya iyon sa pisngi nito.

"Parang war paint lang," natatawang aniya.

Nang dumilat ang lalaki ay pinaningkitan siya nito ng mata.

"Ah, war paint pala ha."

When she saw the glint of mischievousness on his eyes, she planned to run and hide from him. Pero bago pa man siya nakaalis ay ipinulupot na nito ang braso sa beywang niya at hinapit siya papalapit sa katawan nito.

Hindi siya nakapiglas o nakagalaw dahil sa tila kuryenteng dumaloy sa katawan niya sa mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay nanunuot sa buto niya ang init na nagmumula sa lalaki.

Natauhan lamang siya nang naramdaman niya ang pagpahid nito ng batter mixture sa buo niyang mukha!

"Ares!"

"Yes?"

Tumingala siya at kita niya ang ngisi sa labi nito.

"Argh!"

Hindi niya mapunasan ang batter mixture sa mukha dahil pigil-pigil pa rin siya ni Ares. Ipit ang magkabila niyang braso sa katawan nito.

Natatawang pinakawalan na siya nito. He gently mussed her hair as he gently pinched her cheek.

"Oops. Nalagyan ko ng batter mixture ang buhok mo," natatawang anito.

Nanlaki ang mata niya at kinapa ang ngayon ay malagkit na niyang buhok.

"Ares!"

Coffee's I-want-to-live-my-life-so-I-will-do-the-following-to-enjoy-life List

Number 01: Learn how to bake a cake! Yumyum! I love cakes!

His Beautiful Surrender (Beautiful Trilogy #2) (Published under PHR)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang