Kabanata 10

720 56 15
                                    

Kabanata 10

NASAPO ni Coffee ang dibdib nang bigla iyong kumirot. Huminga siya nang malalim upang paluwagin ang dibdib. Bago tuluyang pumasok sa Children's Ward ay hinintay niya munang maging patag ang kanyang paghinga.

Nang unti-unting gumaan ang dibdib at nawala ang kirot doon ay napatayo na siya nang tuwid. Nanginginig ang kamay na pinunasan niya ang pawis sa noo.

She knew why she was feeling this way. She was stressed big time. Tambak ang requirements na kailangan niyang tapusin. Ilang gabi na siyang kulang sa tulog dahil sa paggawa ng school works. Kapag walang klase, sa ospital naman siya tumutuloy para sa community service.

Kung mayroon man siyang ginagawa na nakakabawas sa pagod at stress na nararamdaman, iyon ay ang pagpunta dito sa ospital. She was truly enjoying the times she was spending with the kids.

And with Ares as well.

"Drink this."

Napatingin siya sa pinagmulan ng tinig na iyon. Ares was standing in front of her while holding a bottled water.

Binuksan nito iyon at inabot sa kanya. Iniwas ni Coffee ang tingin kay Ares nang makitang nakakunot ang noo nito. He looked like he was going to scold her right now.

Walang-kibong uminom ng tubig si Coffee. Unti-unti nang nawala ang panginginig ng kamay niya. Umayos na rin ang tibok ng puso niya at nawala ang paninikip niyon.

"Coffee..."

Nakagat niya ang ibabang labi nang marinig ang tinig ni Ares. Buong-buo ang tinig nito. At hindi niya maipagkakaila ang frustration sa tinig nito.

"Sorry," mahinang aniya at yumuko upang hindi niya makita ang disappointment sa mga mata nito.

Naramdaman niya ang masuyo nitong paggulo sa buhok niya. "Look at me, Coffee," anito sa ngayon ay masuyo ng tinig.

Dahan-dahan niyang tiningala ang lalaki. Gone was the dark look on his face a while ago. A soft smile was now present on his lips.

"You almost fainted," he said. Although his voice was soft, she saw the disapproving glance he gave to her. Inangat nito ang kanang kamay at hinaplos ang ilalim ng kanyang mata. "Nangangalumata ka na. Remember what I told you before? Para hindi ka tratuhin na mahina ng mga taong nakapalibot sa 'yo, ipakita mo sa kanila na kaya mong alagaan ang sarili mo."

Tumango siya. "Sorry ulit. Natambakan lang ako ng gawain sa SVU."

"Here, 'wag mong kakalimutang kainin 'to mamaya." Isang sandwich at mineral bottle ang inabot nito sa kanya.

"Salamat."

Pinisil nito ang kanyang pisngi. Tila nga bahagya pa nitong hinaplos ang pisngi niya. Pero malabo naman 'yon, 'no? Bakit naman nito hahaplusin ang pisngi niya?

Pero bakit ganito ang nararamdaman niya? Parang gusto niyang pumikit at namnamin ang init na hatid ng palad nito sa pisngi niya. Parang gusto niyang gagapin ang palad ni Ares at panatilihin iyong nasa pisngi niya.

"'Wag kang masyadong magpakapagod, short stuff."

"Sir, yes, sir!"

Tumatawang ginulo nito ang buhok niya. Nanlaki ang mga mata niya nang bigla itong yumukod at hinalikan siya nang magaan sa noo.

Sapu-sapo niya ang noo na hinalikan nito. Tila nararamdaman pa niya ang init at lambot ng labi nito.

Kahit hindi nakikita ang sarili, alam niyang pulam-pula na ang pisngi niya sa mga oras na ito.

Pero bakit nga ganito ang pakiramdam niya ngayon? Parang may nagbabago.

"WAH! I'M so excited!" ani Coffee habang inililibot ang paningin sa loob ng Star City.

His Beautiful Surrender (Beautiful Trilogy #2) (Published under PHR)Where stories live. Discover now