Kabanata 12

603 54 15
                                    

Kabanata 12

"ARE YOU okay?"

Tumango si Coffee sa tanong na iyon ni Ares. Nakapila sila ngayon sa ferris wheel ride, ang huling destinasyon nila para sa gabing iyon.

Bahagya itong yumukod palapit sa kanya at pinunasan ang pawis na namumuo sa noo niya. Nagulat pa siya nang pinaypayan siya nito gamit ang karton na hawak nito.

"Kung nahihirapan kang huminga, sabihin mo lang sa 'kin," anito. Hinawakan siya nito sa kamay, ipinatong ang dalawang daliri sa palapulsuhan niya na tila ba sinusukat ang bilis ng tibok ng puso niya. "Hmm. Good," mahinang anito kapagkuwan.

Nginitian ni Coffee si Ares. Kahit ilang ulit na niyang sinasabi sa lalaki na ayos lamang siya, na hindi siya pagod, ay hindi pa rin ito tumitigil sa pag-aasikaso sa kanya.

"I'm okay. Sasabihin ko naman sa 'yo kapag hindi maganda pakiramdam ko," saad niya.

Tumango ito.

"Next po. Sa loob na po ng ride ang lambingan." Namula siya nang narinig ang winikang iyon ng staff ng Star City.

Inalalayan naman siya ni Ares sa pagsakay sa ferris wheel. Magkatapat sila ng inupan ni Ares.

Nang umandar ang ride ay kaagad siyang tumingin sa view. Dahil gabi na, kitang-kita niya ang kislap mula sa mga bituin sa kalangitan. Nagandahan din siya sa mga ilaw mula sa mga gusali na natatanaw mula sa itaas ng ferris wheel.

She looked at Ares and noticed that he was busy with his cell phone.

Napalabi siya. "Hey! Ang ganda-ganda ng view, busy ka sa pagte-text. Mamaya na 'yan!" sita niya dito.

He smirked at her as he put back his phone on his pocket. "Sorry, short stuff."

"I never realized that the simpliest things will give me this much happiness," mahinang aniya habang nakatingin sa mga ilaw.

"It's the simple things that can make us happy, short stuff. For me, being with you makes me happy."

There was it again, the fast beating of her heart and it wasn't because of her ailment.

She realized it was because of Ares. Because she—

"Surprise."

Sumabog sa kalangitan ang iba't ibang kulay mula sa paputok. She was in awe while looking at the fireworks. This wasn't the first time she saw a fireworks display but it was the first time she had been this close to one because she was riding in a ferris wheel and it was stuck at the top.

"Ang ganda."

"Kahit gaano kadilim, basta may kaunting liwanag, maganda 'di ba? Parang buhay 'yan, Coffee. Kahit gaano kadilim ang buhay mo, basta may magbibigay sa 'yo ng kaunting liwanag, magiging maayos at maganda rin ang lahat. You just have to find the light and strength to continue looking for that light." Ginagap ni Ares ang palad niya at marahan iyong pinisil bago binitawang muli. "Are you willing to look for that light, Coffee?"

Nakagat niya ang ibabang labi at hindi kaagad nakasagot dahil tila may buhangin sa kanyang lalamunan at hirap siyang makasagot.

Umusog si Ares sa tabi niya. Ipinatong nito ang braso sa balikat ni Coffee at isinandig siya sa dibdib nito. She pressed her cheek on his chest. She closed her eyes. Tila ba naririnig niya ang tibok ng puso ni Ares.

"You should always consider the pain you'll cause to those you'll leave behind, Coffee," mahinang ani Ares kay Coffee. He grabbed her hand. He gently squeezed it and entwined it with his hand. "Ilang ulit ka mang madapa, dapat matuto kang bumangon at magpatuloy sa paglalakad. Dahil ang tunay na kalakasan ng tao ay hindi nabibilang sa kung ilang ulit siyang nadapa. Ito ay nabibilang sa kung ilang ulit kang bumangon at patuloy na hinaharap ang hamon ng buhay."

Kahit nakapikit ay nagpatakan pa rin ang mga luha sa kanyang pisngi. "I want to be strong, Ares."

"You are, short stuff. Hindi mo lang alam pero malakas ka."

Dumilat siya at tumingala upang matitigan si Ares. His sincere gray eyes were looking straight into her soul.

And right there and then, she realized why she was feeling all those fuzzy feelings before—the fast beating of her heart, the blushes, the giddiness—it was because she was starting to like him. Not in a platonic way but in a different kind of way.

"Ares..."

"Yes, short stuff?"

"Thank you for being my spinach," aniya.

"Anything for you. Anything."

She should kill whatever feeling was growing in her heart because it would bring her no good. She must kill this.

Pero papaano kung masaya siya sa damdaming ito?

Coffee's I-want-to-live-my-life-so-I-will-do-the-following-to-enjoy-life List

Number 04: Visit an amusement park and ride different rides! (And win some stuff toys, too)

Number 05: See the fireworks display in a nearer view :)

His Beautiful Surrender (Beautiful Trilogy #2) (Published under PHR)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ