Kabanata 23

640 54 16
                                    

Kabanata 23

NASAPO ni Coffee ang dibdib nang kumirot iyon. Napahugot siya ng hangin dahil nahihirapan siyang huminga. Napapansin niyang napapadalas na ito. Hindi na lamang sinasabi ni Coffee sa Daddy Pol niya at kay Ares ang nararamdaman dahil ayaw niyang mag-alala pa ang mga ito. Subalit sa paglipas ng mga araw, damang-dama niya ang panghihina. Kahit wala siyang ginagawa masyado, sobrang pagod pa rin ang nararamdaman niya.

But even though her body was getting weaker each day, she could feel her soul getting stronger everyday.

Nang akma siyang tatayo mula sa pagkakahiga ay tila umikot ang kanyang paningin. Pakiramdam niya ay hihimatayin pa siya kung kaya't nagbilang siya sa isipan, isinabay niya ang paghinga sa pagbibilang.

"See, you're fine, Coffee," pagkausap niya sa sarili nang umayos kahit papaano ang pakiramdam.

Napatingin siya sa bedside table nang mag-vibrate ang cell phone niyang nakapatong doon.

See you later, short stuff :), iyan ang mensahe mula kay Ares.

Ngumiti siya subalit napalitan iyon ng ngiwi dahil sa pagguhit ng sakit sa kanyang dibdib. Uminom na siya ng mga gamot. Ilang minuto pa ang lumipas bago unti-unting nawala ang sakit sa kanyang dibdib.

Bumangon na siya at dumiretso sa banyo. Wala pang isang oras ay tapos na siyang mag-ayos. Pagbaba niya ay ang daddy niya ang naabutan niyang nagbabasa ng diyaryo habang nag-a-almusal.

"Good morning, Dad!" masiglang bati niya sa ama.

Nagulat siya nang bigla nitong binitawan ang diyaryo, saka ito tumayo at niyakap siya nang buong higpit.

"May nahanap na sila, Coffee. Thank God," gumagaralgal ang tinig na anito.

"N-nahanap na?"

"Na puso para sa 'yo, anak. Gagaling ka na."

Namuo ang luha sa kanyang mga mata. Humigpit ang pagkakayakap niya sa kanyang ama. "Totoo ba 'yan, dad?"

"Oo, anak. Tinawagan ako kani-kanina ng doktor mo. Positive lahat ng tests kaya maaari tayong pumunta sa ospital bukas na bukas para sa iba pang tests bago ang mismong operasyon."

Doon na tuluyang nagpatakan ang luha sa mga mata niya. Halu-halong emosyon ang nararamdaman niya. Masaya siya dahil may puso nang para sa kanya. Malungkot siya dahil may isang tao ang nawala sa mundo. Natatakot siya dahil hindi siguro kung magiging maayos ang kalalabasan ng operasyon. She knew there was a chance that the operation might fail.

Pinakawalan siya ng daddy niya mula sa pagkakayakap nito. Pinisil nito ang balikat niya at sa kabila ng luha sa mga mata nito ay nginitian siya nito.

"Everything will be okay, Coffee."

"Daddy..."

"God is with us. Have faith."

His Beautiful Surrender (Beautiful Trilogy #2) (Published under PHR)Where stories live. Discover now