Kabanata 17

676 56 22
                                    

Kabanata 17

PINAPAKIRAMDAM ni Coffee si Ares. Simula kasi n'ong na-ospital siya ay ngayon lamang sila ulit nagkita. She had not seen him for three days but she missed him terribly already.

Kung hindi pa siya binisita ngayon ng lalaki sa bahay niya, hindi sila magkikita. House arrest kasi ang drama niya habang nagpapagaling.

Kinakabahan siyang talaga na baka galit sa kanya ang lalaki. Ilang ulit na ba nitong sinasabi na ingatan niya ang kalusugan niya? Pero hayon, hinimatay pa siya.

"Coffee—"

"Oo alam ko mali na inabuso ko 'yong katawan ko. Alam ko na dapat alagaan ko ang sarili ko. Sorry kung masyado akong pabaya. Hindi naman sa wala akong pakialam sa mangyayari sa 'kin. Gusto ko lang naman matapos lahat ng mga gawain ko sa SVU, eh. Alam kong mali, alam kong hindi sapat na dahilan 'to pero—"

"Hey, breathe. No one's mad at you," putol ni Ares sa litanya niya.

"Hindi ka kasi nagsasalita!"

He chuckled. "I'm just thinking."

"Of what?"

"Of hiding you inside my pocket so you will stop making drastic things that will make us worry—"

"Ares!"

Itinaas nito ang magkabilang palad na tila sumusuko. "I'm just kidding, short stuff." Bigla itong sumeryoso. "Pero natakot talaga ako n'ong nalaman kong sinugod ka sa ospital. Akala ko..."

Hinintay niya ang idurugtong nito subalit nanatiling tikom ang bibig ni Ares.

Naglakas-loob siyang gagapin ang palad nito. "Patawad kung pinag-aalala kita."

"Hmm."

Bumalot ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

Nakatitig lamang si Coffee kay Ares. Tila ba wala siyang naririnig kundi ang tibok ng kanyang puso. Rumaragasa iyon habang nakatitig siya kay Ares, habang hawak nito ang kamay niya.

"How are you feeling now?" Napapitlag siya nang bigla-bigla na lamang nagsalita si Ares.

"I'm okay. Puwede na akong pumasok bukas sa SVU pati bumalik sa ospital para sa community service," sagot niya.

"I'm glad." Tumango-tango ito. "Oh, may nakalimutan akong ibigay sa 'yo. Wait here."

Sinundan niya ng tingin si Ares nang lumabas ito ng gate at pumunta sa kotse nito.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung ano ang kinuha nito mula sa passenger seat.

Isang malaking-malaking teddy bear ang bitbit nito, isang bouquet ng pulang roses, at brown na paper bag.

"Here."

Niyakap niya ang teddy bear na tila mas malaki pa sa kanya. "Kanino galing 'to?"

"Sa parents ko. Pasensya na raw na hindi ka nila nabisita."

"Ayos lang 'yon. Sana hindi na sila nag-abala pa dito."

Iwinasiwas nito ang palad. "Wala silang anak na babae kaya ganyan 'yong mga 'yon. Itong bouquet, syempre, galing sa 'kin. 'Etong mga—"

Hindi na niya narinig pa ang mga sinasabi ni Ares dahil nag-stop sa pag-function ang utak niya nang marinig na galing dito ang bulaklak. Hindi naman ito ang unang beses na nakatanggap siya ng bulaklak, at alam niyang walang ibang ibig sabihin ang pagbibigay ni Ares ng bulaklak sa kanya. Pero natutuwa siyang makatanggap ng kahit ano mula kay Ares.

"The letters are from the kids at the ward. Nami-miss na raw nila ang Ate Coffee nila. May binigay din pala sina Kitkat at Milo, nandiyan rin sa paper bag."

Tinulungan siya ni Ares na iupo sa tabi niya ang teddy bear. Umupo naman ang lalaki sa kabila niya. Napagitnaan siya ni Ares at ng teddy bear.

"Ah, letters! I love letters!" bulalas niya habang binabasa isa-isa ang mga sulat.

"Ano'ng sabi ng mga bata?"

Bago pa man siya makasagot ay dumikit sa kanya si Ares. Ipinatong nito ang baba sa kanyang balikat at nanatiling nakatingin sa hawak niyang papel.

Kulang na lamang ay mamawis ang kamay niya. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi. Wala siyang maintindihan sa binabasa dahil ang buong pansin niya ay na kay Ares at kung gaano ito kalapit sa kanya sa mga oras na ito.

"Look, that's me and you. Sabi ko na, kahit sa mata ng mga bata guwapo pa rin ako," natatawang ani Ares.

"Y-yeah."

"They really like you, short stuff."

"Y-yeah."

"But I like you more."

"Y-yeah—what?!"

"Do you want to watch a movie?" sabay anito.

"Ano 'yong—"

"May binigay sa 'yong mga DVD si Kitkat, lika, panoorin natin."

Nasapo na lamang niya ang kanyang dibdib habang nakatingin kay Ares na bitbit ang teddy bear.

But I like you more.

What does that mean?!

His Beautiful Surrender (Beautiful Trilogy #2) (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon