Kabanata 27

794 56 12
                                    

Kabanata 27

IT WAS the day of Coffee's heart transplant operation.

Kinakabahan si Coffee. Kahit nawala na ang takot niya, hindi pa rin maaalis ang kaba sa dibdib niya.

"Everything will be okay, Coffee," ani Ares na nasa tabi niya.

Despite his lies, despite the doubts, the only person who could make her at ease was him.

Habang hinihintay ang araw na ito, pinilit niyang layuan si Ares—kahit na ba mahirap iyon dahil nakaratay siya sa kama at taong ospital si Ares bilang doktor ito doon.

Sa tuwing kakausapin siya nito at pinaparamdam ang damdamin para as kanya, sa sulok ng puso niya ay nandoon ang pag-iisip na hindi siya ang nakikita nito kundi ang yumao nitong nobya.

Pero hindi niya maitatanggi na hinahanap-hanap niya ang lalaki kapag wala ito. Hinahanap niya ang tinig nito. Gusto niyang nasa tabi niya ito. Para siyang batang nang-aamot ng pagmamahal sa isang taong iba naman ang gusto—o 'yong taong iba ang nakikita sa katauhan niya.

Inilipat na siya sa stretcher.

Habang itinutulak siya papunta sa operating room ay nakasunod ang daddy niya at si Ares sa kanya. Hawak-hawak ng daddy ni Coffee at Ares ang magkabila niyang palad.

"Daddy..." tawag niya sa pansin ng ama.

"Yes, anak?"

"I love you."

Namuo ang luha sa mata ng ama niya. "I love you, too. See you later, anak."

"Salamat dahil hindi ka napagod sa akin, daddy." Pinisil niya ang palad ng ama. Kapagkuwan ay binalingan niya si Ares. Napalunok siya kasabay nang pamumuo ng luha sa mga mata. "I love you, Ares," mahinang aniya.

"I love you, too, Coffee," sagot ni Ares.

"Salamat dahil tinuruan mo ako kung papaano maging malakas."

"Stop talking as if you are saying goodbye, dammit!"

Muntik pa siyang matawa dahil iyon ang kauna-unahang pagkakataon na narinig niyang nagmura si Ares.

Napapikit siya at ninamnam ang sandaling ito. Pakiramdam niya ay ito na ang huling beses na maririnig niya mula sa lalaki ang mga katagang iyon. Masarap sa pandinig iyon kahit na ba alam niyang kasinungalingan ang pagmamahal nito sa kanya.

Pero hindi niya magawang magalit kay Ares. Nasasaktan siya, oo, pero hindi nagagalit. Ang daming naitulong ni Ares sa kanya. Ang dami nitong itinuro sa kanya. Tinuruan siya nito kung papaano lumaban at maging malakas. Bukod doon, tinuruan siya nito kung papaano magmahal nang wagas.

"Naalala mo ba 'yong sinabi ko sa 'yo sa simbahan, short stuff?" biglang tanong ni Ares.

"Yes."

"Gagawin pa natin 'yon. I'm giving you enough reasons to come back to me, to us. We'll be waiting, Coffee."

Ngumiti siya.

Nang papasok na sa operating room ang stretcher niya ay kaagad niyang binalingan si Ares.

"Hindi mo na kailangang magpanggap, Ares."

Kahit masakit, lalabanan niya ang sakit niya. Kahit alam niyang pagkatapos nito ay wala ng Ares ang mananatili sa tabi niya. Dahil nanatili lamang ito dahil may sakit siya. Hindi na siya mahina para bumitiw dahil lamang nasasaktan at natatakot siya.

"Please, don't let me go?" mahinang aniya.

"What? Coffee?!"

Wala na siyang narinig pa dahil nagsara na ang pintuan. Tinurukan na siya ng anesthesia. Habang unti-unting hinahatak ng dilim, ang mukha ni Ares at ng daddy niya ang nasa isipan niya.

His Beautiful Surrender (Beautiful Trilogy #2) (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon